Forever 30 (Operation: Proposing to Tammy)

4.7K 74 8
                                    

Tammy's POV





Naiinis ako kay Jao! Bakit? BUONG ARAW nang hindi nagpaparamdam nakalimutan niya na bang Monthsary namin ngayon?! Kainis!!



"Uy Gurl mamayang 6pm na ang arrival nila Ella at Francis wag kang tumunganga diyaan."sabi ni Sofia sa akin.



"Sofia nakakainis kasi si Jao eh Monthsary namin pero ano? Kahit ni isang bati man lang WALA!"sabi ko kay Sofia tapos natawa siya.



"Nangaasar ka ba?"



"Hindi tara na at maligo paganda ka po ha."sabi ni Sofia at lumayas.. Airport lang magpapaganda pa?! Time Check.. 4:45 ligo na ko para maaga kami sa Airport.



"Panget naman niyaan? Pambahay?! Palit ka nga kakain din tayo sa sosyal na resto noh kaya nga nag-ganito ako eh."sabi ni Sofia, Naka-Casual kasi ako eh, Formal Attire naman yung kanya kaya ayun NO CHOICE formal attire din si Kiko nga naka-casual eh tapete!



"Tara na Leggo!!"sabi niya at hinatak ako sa sasakyan ni Kiko.


Alam niyo yung OP? Ako yun eh.. Bakit? Display lang ako dito sa passenger seat samantalang yung dalawa doon eh kwentuhan ng kwentuhan gulo nga nila eh kung saan saan napupunta usapan tapos ako eto tunganga sana kasama si Jao para hindi naman ako ma-OP.



"Dito na tayo."sabi ni Kiko kaya bumaba na kami.. Saktong pagdating namin nag-announce nang arrival.



"Passanger of 143 Francella plane arrived safely at 18:00 philippine standard time."



"Iyon sakto."sabi ni Sofia tapos inantay na lang namin sila na saan kaya sila?



"Nakita mo na Kiko?"tanong ni Sofia ako naman tumungkod pa para lang makita yung dalawa liit kasi eh.


Maya-maya may natanaw akong nagtatalo dun sa may dulo malamang sila na yun.



"Ella baby sorry na saka ang dami na nating pasalubong kay na Mama oh."


"Ewan ko sa iyo!! Di lang naman para kayna Mommy Kath at Mommy yung chocolates na iba eh, Gusto ko nga kumain nang Orange Chocolate kulit mo noh?!"


"Bibilhan na lang kita bukas nagmamadali tayo eh."


"Ewan ko sa iyo."


Mood swings na si Ella? Sabagay 3 Months na ang Baby... Kawawang Francis.



"Uwah! Tammy ang Ganda mo naman.. Tara kain muna tayo."sabi ni Ella sabay cling sa braso ko wag niyong sabihin na pinag-lilihian ako nitong babaeng ito?!



"Tammy amputi-puti mo naku for sure snow white ang kalalabasan ng anak niyo ni Jao."sabi ni Ella kaya nagulat ako sa sinabi niya.. Anak agad?! Eh Monthsary namin ngayon hindi man lang nagpaparamdam!!



"H-Ha?"naguguluhan kong sabi.



"Francis anong ginawa mo kay Ella at ganyan iyan?"tanong ni Kiko.



"Wala naman akong ginagawa sa kanya eh."sabi ni Francis.



"Hay naku! Kumain nga muna tayo gutom na ko eh."sabi ni Sofia tapos kumindat pa kay Kiko.. Lande!!



"Ako din gutom na si Baby.. Gusto ko ng Tiramisu and Raviolli pasta in Cheese Cream sauce."sabi ni Ella.. Grabe ang hirap palang mabuntis.



"Saan tayo kakain?"tanong ko sa kanila.



"Sa JB's"tipid na sagot ni Kiko.



"JB's? Yung Resto ni Jacob at Bea? Pucha eh bakit pa ko nag-formal?"sabi ko sabay tingin kay Sofia ngumiti lang siya.. So ano? Ngitian? Pasalamat kayo at wala si Mikay kung di naupakan ko kayo sa harap niya pa!


Speaking of Mikay.. Kamusta na kaya si Jane? Kamukha niya si Mikay eh nag-dadoubt pa nga ako na baka si Jane ay si Mikay parehas na parehas eh Bangs lang pinagkaiba. I Miss my Cousin.. I really do!



"Tara na gutom na ko."sabi ni Kiko, Di ko napansin na nakapag-park na siya kanina.



"Ano Tammy? Diyaan ka lang?"sabi ni Sofia at hinatak ako.. Bakit ang hilig nitong manghatak?! Pumasok na kami, Ako una kasi ayokong magmukhang Forever Alone sa kanilang apat..


Kaso bakit ang dilim? Sure silang bukas ito?!



"Sofi- Hoy! Na saan kayo?! Naman eh hindi ako nakikipagbiruan ah!"


"Tokwa naman eh! Uy! Sofia! Kiko! Ella! Francis! Pag-uuntugin ko kayo eh."


"Pag-bilang kong tatlo kapag hindi kayo lumabas aalis na ko!!"


"ISA!"


"DALAWA!!"


"TAT-"natigilan ako nung may kumanta.



"Di ko pansin ang kislap nang bituin pag kapiling ka sinta,
Kahit liwanag ng buwan sa gabi di ko ma-sisinta,
Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo oh..
Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko oh.."napalingon ako kasi parang boses ni.. Biglang Bumukas yung ilaw dun sa may bandang stage at nakita ko si Jao kumakanta.



"Di ko pansin ang bango ng Hasmin pag kapiling ka sinta,
Kahit ga-dagat  ang dami ng rosas hindi matataranta ahh..
Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak,
At ikaw nga Tanging ikaw sinta ahh.."ang cute niyang kumanta halatang na-hihiya..


Nakita ko sa gilid na nag-huhuhumm sila putek! Sila pala yung Second Boys lalo na si Gino..



"Ikaw ang tunay na ligaya tanging ikaw sinta,
Umaga, Hapon kahit magdamag laging ikaw sinta,
Hindi mag-sasawa sa piling mo ohh.."nakakakilig di ko naman alam na may ganito siyang surpresa para sa akin nagalit pa ko sa kanya.



"Di ko pansin ang bawat sandali pag kapiling ka sinta,
Bagyo't ulan, kidlat o kulog man di napapansin sinta,
Iisa lang ang hinihiling kong kasagutan
Ang ngayon at kailan ma'y makapiling ka ahh.."teka double meaning ba yung kanta? Or nag-a-a-assumme lang ako?!

Papalapit na siya sa akin habang kumakanta pa rin, Mag-Hahappy Monthsary kaya siya sa akin?



"Ikaw ang tunay na ligaya tanging ikaw sinta,
Umaga, Hapon kahit magdamag laging ikaw sinta,
Hindi mag-sasawa sa piling mo ohh.."kanta niya habang nakatitig sa mata ko.



"Happy Monthsary ChooChoo."sabi niya sa akin, Sabi na nga eh surprise niya.



"Happy Monthsary din Cakepie ikaw kasi eh di ka man lang nag-paramdam simula kaninang umaga nagalit tuloy ako sa iyo kanina."sabi ko sa kanya tapos pinagpapalo ko siya sa dibdib pero mahina lang mahal ko iyan eh.



"Magagalit ka pa kaya sa akin kung gagawin ko ito?"sabi niya kaya medyo naguluhan ako.



"Gagawin ang alin?"tanong ko, nagulat naman ako nung lumuhod siya sa harapan ko.



"Six years had passed ChooChoo, Dahil sa ChooChoo Cake Pie kaya tayo nagkakilala nung Grade 2 tayong dalawa, Madalas pa nga kaming mag-away ni Jason dahil nga Crush kita noon pa sinabi ko lang na si Mikay para di ka ma-ilang dahil alam kong crush mo si Jason noon."sabi niya kaya nasimangot ako.. Kasi naman eh nakakahiya!!



"Huwag ka ngang sumimangot ChooChoo di pa ko tapos eh.. Hanggang sa naging tayo nung 2nd year college tayo at dahil na naman iyon sa ChooChoo Cake pie kaya Tammy Loyzaga, Will you marry me?"sabi ni Jao sabay labas nang platito ng ChooChoo Cake pie.. Alam niyo yung reaction ko?!



"Hahaha Jao Ano ba yan?! Hahaha ang Sweet mo naman ang Unique !! Akala ko Box yung ilalabas mo yun pala platito nang ChooChoo Cake pie !!"sabi ko tapos nakita ko na naasar siya.



"Ayaw mo naman ata eh.."sabi niya na tumayo at aakmang aalis pero kinuha ko yung platito.. Ang Unique eh!! Kakaiba as IN!! Yung Normal na proposal Velvet Box or Singsing ang ilalabas pero si Jao? ChooChoo cake pie Whaha, tinititigan ko lang siya, Dalawa talaga ano ito?! Wedding Ring?



"Thank you Jao kahit na walang singsing."sabi ko at yinakap ko siya kinagatan ko yung Isang Pie nang may nakagat akong bakal ata..



"Sinong nagsabing walang singsing?"sabi ni Jao kaya tinignan ko yung Pie at nakita ko may naka-usli doon na parang singsing kaya kinuha ko iyon nagulat ako nang kinuha ni Jao iyon at pinunsan ng Tissue.



"Again.. Tammy Loyzaga Will you marry me?"sabi niya sa akin nilapag ko yung ChooChoo pie sa table at..



"Of Course it's a BIG YES!!"sabi ko at yinakap ko siya.



"Talaga?! YES!! I Love you Tammy."



"I Love you too Jao."pagkasabi ko nun kumalas siya sa yakap at sinuot sa akin yung singsing.



"Teka, matanong ko nga.. Paanong paghahanda yung ginawa mo?"tanong ko sa kanya.





-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Jao's POV





"Teka, matanong ko nga.. Paanong paghahanda yung ginawa mo?"tanong niya sa akin kaya ngumiti ako at..




*Flashback*


(Earlier that Day)




Syet kinakabahan ako.. Di ko alam kung anong gagawin ko, Mag-propropose na kasi ako kay Tam pero di ko alam kung papaano.



"Uy Kuya anong nangyari sa iyo? Parang may problema ka?"tanong sa akin ng kapatid kong si Jacob nandito kasi kami sa Resto nila ni Bea.



"Balak ko kasing mag-propose kay Tam."sabi ko nagulat kami ni Jacob ng sumigaw si Bea.



"OMG!! Congrats!! Tatawagin ko na ba ang barkada para mag-prepare ng Bongga sa iyong Operation: Proposing to Tammy?!"sigaw niya.



"Iyon! Haha galing mo sister in law haha geh call them at mag-propropose na ko kay Tammy kailangan ko ng Tulong niyo pero di ko alam kung paano ko mag-propropose."sabi ko kay Bea.



"Kami na bahala diyaan di ba uuwi sina Francis at Ella mamaya? Edi isakto natin para masaya di ba?"sabi naman ni Jacob.



"Galing mo bro! Sige kakausapin natin sina Kiko."sabi ko.



*Bling* *Bling* *Bling* *Bling*


Sunod-sunod ang nag-text sa akin.. Tinignan ko.


From Sofia Bernardo: Congrats Jao!! Sige tutulungan ka namin kay Tammy.

From Kiko Ramos: Naks! Di ka na Torpe.. Biro lang kita tayo mamaya.

From Francis Padilla: Whaha Uy sige game ka diyaan ni Ella mag-iimpake lang kami.

From Gino Dela Rosa: Kasama ko si Jane Bro pero Ayun oh Congrats lalaki na si Dudung.


Gago talaga itong mga kaibigan ko pero ayos na daw.



"So Plano na natin?"sabi ni Bea.



"Geh ano plano mo?"



"Susunduin ni Sofia, Kiko at Tammy sina Ella at Francis, Habang tayo naman aayusin itong resto okay? then proposal begins."sabi niya kaya ayun tumawa si Jacob sa likod tinignan lang siya ni Bea.



"Corny ng asawa ko."sambit ni Jacob kaya ayun tinignan ni Bea.



"Ahaha ang Corny ng asawa mo eh baliw ka pala eh, Magiging tatay ka na tapos ganyan ka."wow sunod-sunod, Una si Ella at Francis pangalawa silang dalawa yung totoo? Anakan HAHA.



"Talaga?!"napatayo si Jacob sa kinauupuan niya.



"Oo nga gago kasi itong kuya mo eh, Nandito ko para sabihin sa iyo na 2 weeks na kong preggy kaya lang nakalimutan ko kasi excited ako dito kay Jao na mag-propropose kay Tammy."sabi ni Bea eh tanga pala siya.



"Nga pala kasama ni Gino si Jane."sabi ko sa dalawa.



"Jane Fernandez? Yung kamukha ni ChaCha?"Jacob.



"Naku! Baka front lang ni Gino si Jane ah dahil kamukha ni Mikay kukutusan ko yan."Bea.



"Tara na nga at mag-ayos hindi ka sasama Bea."sabi ni Jacob kay Bea tapos nag-pout si Bea lumabas na ko ayokong manood ng drama. Haha. Teka Monthsary pala namin ngayon ni Tammy.. Saktong-sakto talaga. Dumating na si Gino at Jane, Holding Hands pa!



"Uy Bro Congrats, So ano plano?"tanong niya.



"May plano na kami kay Tammy pero yung surprise di ko alam di ako magaling dito eh."sabi ko sa kanila tapos lumabas na si Jacob at Bea.



"Ah Si Gino magaling sa surprises, May Idea ka Gino?"sabi ni Jane kaya tumingin kami kay Gino.



"Porket kinilig ka sa ginawa ko sa iyo kahapon."sabi ni Gino nang nakatingin kay Jane.. Okay display kami dito -_-



"Ehem! Nandito po tayo para sa Proposal ko kay Tammy."sabi ko sa kanilang dalawa.



"Teka ano bang ginawa ni Gino sa iyo kahapon?"tanong ni Bea.



"Ah Haha kinantahan niya ko tapos the rest is history."sabi ni Jane medyo nahihiya pa.



"Iyon Jao kantahan mo din si Tammy."sang-ayon ni Gino.



"Anong kanta?"tanong ko sa kanila.



"Wag yung Nasa iyo na ang lahat! Theme song namin iyon ni Jane."sabi ni Gino, Possessive -_-



"Oo na hindi naman yun pumasok sa isip ko eh yung medyo bagay kay Tammy."



"Yung Medyo bagay sa proposal!"singit naman ng kapatid ko.



"Tunay na Ligaya."sabi ko pero parang kulang pa eh.



"May singsing na?"tanong ni Jane.



"Meron na ito."sabi ko sabay pakita nang Box.



"Tanggalin mo yung singsing bro."sabi ni Gino kaya binatukan siya ni Jane.



"Kung tatanggalin niya yung singsing paano siya makakapag-propose?!"tanong ni Jane and again nagtitigan na naman sila -_- Naku! Kapag kasama itong dalawa tatagal ang gagawin.



"Tangek para Unique yung kakainin nila Jao at Tammy mamaya eh ilalagay yung singsing."sabi ni Gino.



"Edi nabilaukan si ChooChoo."sabi ko sa kanila tapos tumawa si Jane.



"Oh bakit ka tumatawa?"tanong ko sa kanya.



"Eh anong klaseng tawagan iyon? ChooChoo ano yun Tren? Tren-Tren Chu-Chu?!"sabi niya.



"Jane tawagan iyon nila Tammy at Jao.. Tawag ni Jao kay Tam ChooChoo then si Tam naman Cake pie, Galing yun sa ChooChoo Cake pie dun nagsimula Love Story nila."paliwanag ni Gino kay Jane napatango naman si Jane.



"AHA!! Edi bumili ka nang ChooChoo Cake pie tapos ilagay mo sa gitna yung singsing para madaling malaman na may singsing doon di ba?"sabi ni Jane then napatango kaming apat sa sinabi ni Jane, Nag-umpisa na kami sa Places hinanda na namin yung gagamitin namin.



"Nag-text na sa akin si Kiko, Sabi niya parating na sila."sabi ni Bea kaya ayun nagtago na sila, Ako? Eto naka-upo sa Stage medyo kinakabahan kung sasagutin ba ko ni Tammy o Hindi?



"Nga pala nakalimutan mo, sasabak sa gera hindi man lang ito dala."sabi ni Gino sabay abot sa akin nang platito may ChooChoo Cake pie ^_^


Biglang bumukas na yung pinto kaya alam kong si Tammy na iyon, Pina-Close ko yung buong resto para masaya.



"Sofi- Hoy! Na saan kayo?! Naman eh hindi ako nakikipagbiruan ah!"sabi ni ChooChoo kaya bali nakatalikod siya.


"Tokwa naman eh! Uy! Sofia! Kiko! Ella! Francis! Pag-uuntugin ko kayo eh."Gusto ko nang i-play yung Music dito sa may gilid kaso nanginginig pa ko.


"Pag-bilang kong tatlo kapag hindi kayo lumabas aalis na ko!!"Naman ChooChoo eh Pressure!!


"ISA!"Teka Hingang malalim.. Inhale


"DALAWA!!"Exhale okay game!


"TAT-"natigilan siya kumanta na ko eh.



"Di ko pansin ang kislap nang bituin pag kapiling ka sinta,
Kahit liwanag ng buwan sa gabi di ko ma-sisinta,
Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo oh..
Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko oh.."napalingon siya, Kitang kita ko madilim kaya hindi niya ko makikita.



Biglang Bumukas yung ilaw dito sa bandang Stage kaya napatingin siya halatang tuwang-tuwa siya.



"Di ko pansin ang bango ng Hasmin pag kapiling ka sinta,
Kahit ga-dagat ang dami ng rosas hindi matataranta ahh..
Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak,
At ikaw nga Tanging ikaw sinta ahh.."kinakabahan ako habang siya nangingiti, Kinikilig kaya siya?


Lumingon siya sa bandang gilid kung na saan sila Gino, Nag-Huhumming din sila eh.. Second Voice kumbaga.



"Ikaw ang tunay na ligaya tanging ikaw sinta,
Umaga, Hapon kahit magdamag laging ikaw sinta,
Hindi mag-sasawa sa piling mo ohh.."Ikaw lang ChooChoo, Ikaw lang talaga Hindi ako mag-sasawang mahalin ka.



"Di ko pansin ang bawat sandali pag kapiling ka sinta,
Bagyo't ulan, kidlat o kulog man di napapansin sinta,
Iisa lang ang hinihiling kong kasagutan
Ang ngayon at kailan ma'y makapiling ka ahh.."Bagay talaga yung Kanta para sa iyo.. Bakit? Kapag kasama kita di ko napapansin yung oras, Parang humihinto ang paligid, Kaya sana pag nagtanong ako eh sasagutin mo ko.



"Ikaw ang tunay na ligaya tanging ikaw sinta,
Umaga, Hapon kahit magdamag laging ikaw sinta,
Hindi mag-sasawa sa piling mo ohh.."papalapit na ko sa kanya habang tinitignan siya sa mata, Na-sorpresa kaya siya?



"Happy Monthsary ChooChoo."sabi ko sa kanya,.



"Happy Monthsary din Cakepie ikaw kasi eh di ka man lang nag-paramdam simula kaninang umaga nagalit tuloy ako sa iyo kanina."sabi niya at pinagpapalo ang dibdib ko, Galit siya? Teka..



"Magagalit ka pa kaya sa akin kung gagawin ko ito?"sabi ko, kumunot naman ang noo niya.



"Gagawin ang alin?"tanong niya kaya lumuhod ako sa harap niya.



"Six years had passed ChooChoo, Dahil sa ChooChoo Cake Pie kaya tayo nagkakilala nung Grade 2 tayong dalawa, Madalas pa nga kaming mag-away ni Jason dahil nga Crush kita noon pa sinabi ko lang na si Mikay para di ka ma-ilang dahil alam kong crush mo si Jason noon."speech ko medyo nasimangot din siya ^_^ Cute niya.



"Huwag ka ngang sumimangot ChooChoo di pa ko tapos eh.. Hanggang sa naging tayo nung 2nd year college tayo at dahil na naman iyon sa ChooChoo Cake pie kaya Tammy Loyzaga, Will you marry me?"sabi ko sabay labas ng platito ng ChooChoo Cake pie.



"Hahaha Jao Ano ba yan?! Hahaha ang Sweet mo naman ang Unique !! Akala ko Box yung ilalabas mo yun pala platito nang ChooChoo Cake pie !!"Compliment ba yun o Nang-aasar siya? Humugot pa ko nang lakas ng loob tapos tatawa lang siya?



"Ayaw mo naman ata eh.."sabi ko at tumayo, aakmang aalis na ko pero kinuha niya yung platito sa kamay ko.. Tinitigan niya yung ChooChoo Cake pie at nangingiti-ngiti..



"Thank you Jao kahit na walang singsing."sabi niya at yinakap ako, kinagat niya yun pero parang may hinahanap siya.



"Sinong nagsabing walang singsing?"sabi ko kaya tinignan niya yung Pie at nakita ko na kinuha niya yung singsing, Gulat pa nga siya eh kinuha ko yung singsing at pinunasan ng Tissue, Humugot ulit ako nang lakas ng loob.



"Again.. Tammy Loyzaga Will you marry me?"tanong ko nakita kong nilapag niya yung Platito sa Table at..



"Of Course it's a BIG YES!!"sabi niya at yinakap ako.



"Talaga?! YES!! I Love you Tammy."sabi ko sa kanya kaya yinakap ko din siya nang mahigpit.



"I Love you too Jao."pagkasabi niya nun kumalas ako ng yakap at sinuot yung singsing sa kanya.



Di ako mag-sisisi Ms. Carla Tammy Montes Loyzaga soon to be Del Mundo...

________________________________________

Ansaveh?! Haha Malapit ng ikasal ang JaoMmy.. Sino gusto nung Side Story nila The ChooChoo Cake pie Love Story?! Comment Below ^_^ Nga pala Singsing ni Tammy External Link =)

Lahat ay magsisimula sa isang malaking akala....

~Cynthia

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon