Isang malakas na banggaan ang maririnig mula sa gitna ng kalsada.
"Mama!"
Malakas na iyak ng isang batang babae at batang lalaki ang maririnig.
"Mama!"
Kaagad na napabangon si Pauleen nang tumunog ang telepono. Nagising siya sa ingay na nagmula niyon.
Napakunot-noo ang dalaga nang mapansing basa ang pisnge niya. Napahawak siya roon at nalamang umiiyak siya kanina.
She shook her head. "What a worst nightmare," she says in her mind.
Napatingin si Pauleen sa bedside table niya nang muling tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.
"Hello?" sagot niya sa kabilang linya.
[Miss Medrano?]
"Yes? May I know who's this?"
[This is---]
"Hello?" she says again, when someone on the other line had stopped talking.
[Pau...]
Shock hits Pauleen as she heard her twin sister's voice from the other line.
"M-mau?" She stuttered.
It's been years simula nang mawalan sila ng contacts sa isa't isa.
"Mau! Kumusta ka na---"
[T-tulungan mo ako...]
Just when Pauleen arrived at the hospital, she saw Maureen on the stretcher. "Mau!"
Kaagad na lumapit si Pauleen sa kapatid. Bumalatay ang pag-aalala sa mukha ng dalaga nang makita ang kalagayan nito.
"Anong nangyari sa 'yo?"
Napangiti nang mapait ang dalaga. "A nightmare... my worst nightmare."
Pauleen cried. How she missed her sister. How she missed her twin.
"We've been searching for you for how many years. Sa'n ka ba nagpunta, ha?" iyak ng dalaga.
Matamlay na napangiti ang kapatid. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito. "Please, don't tell mom and dad about this," ani Maureen habang pumipikit. Nanghihina na ang katawan niya.
"Mau! They've been wanting to see you! Si mama... halos hindi na kumakain kakaisip sa 'yo. Please bumalik ka na."
"Pau, please..."
Napapikit lang ang dalaga. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam kong sa papa'no niyang paraan ililihim ang pagkikita nila gayong kitang-kita sa mga mata ng ina niya kung gaano na nito ka-miss ang isa pang anak.
"Pau..."
Napatingin ang dalaga sa kapatid nito.
"Please, do me a favor."
Kaagad na umusbong ang kaba sa dibdib ng dalaga.
"What is it?"
"Please act as me, for temporary."
Doon na lumabas ang kabang nararamdaman ng dalaga.
Lumapit ang kapatid nito sa dalaga, hinawakan ang kamay niya. "Please. K-kailangan ka ng mga anak ko. Kailangan ka ng a-asawa ko."
Gulat na napatingin ang dalaga sa kapatid.
"Please, kahit pansamantala lang Pau."
"Kailangan na po siyang dalhin sa E.R.," ani ng doctor, lumalapit sa stretcher.
"P-Pau, I need your word."
Akmang magsasalita na ang dalaga nang maunahan siya ng doktor.
"Miss, kung hindi pa namin siya dadalhin sa ER ay mamamatay ang kapatid mo. Marami nang dugo ang nawala sa katawan niya,"
Napapikit ang dalaga. Kinakabahan siya. Hindi niya alam ang gagawin para sa kapatid niya.
"P-Pau..."
"I will." Hinawakan niya ang kamay ng kapatid. "Just promise me you'll keep fighting. Magpagaling ka kaagad."
Maureen smiled once more before the doctors move her in in the Emergency Room.
Nagbuga ng malalim na buntong-hininga si Pauleen.
"I am going to be you, Mau. I am going to be you. I am you."
YOU ARE READING
I Am You [COMPLETED]
RomancePauleen Arya Medrano and Maureen Asha Medrano are twin sisters, an identical one. Dahil sa isang aksidente, si Pauleen ay kailangang umakto bilang si Maureen, para sa naiwang pamilya nito. Will she be able to act accordingly as to what her twin told...