Chapter 6

166 20 2
                                    

"Pauleen, where are you going?" Sumunod sa akin sina Gigi at Meriam, nagtataka kung bakit umaalis ako.

Tumigil ako sa paglalakad at tumingin kay Meriam. "Cancel the meeting,"

There's no way Simon would know I am the CEO of Medrano Enterprise, baka maghinala siya.

Kita kong hindi mapakali si Meriam sa sinabi ko. Bahagya namang napakunot-noo si Gigi.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Nakapunta ka na dito't lahat tapos sasabihin mong e-cancel ang meeting? Are you kidding me, Pauleen? Sabihin mong hindi at masasampal kita! Kanina pa sila naghihintay tapos ipapa-cancel mo?" panenermon ni Gigi sa akin.

Problemado akong napasabunot sa buhok ko. "Bakit kasi siya pa ang engineer na kinuha mo, Giana! Marami namang iba!"

Pinandilatan niya ako nang mata. "Nang sinabi kong siya ang kinuha ko ay pumayag ka kaagad, anong kaibahan no'n sa ngayon?"

"Malaki! Malaki ang kaibahan," problemadong saad ko.

"Bakit, anong problema?"

Napailing-iling ako at nagp-problema parin. I wanted to tell her now, pero alam kong hindi ito ang oras para sabihin ko sa kanya. Alam kong magtatanong siya nang magtatanong, at wala akong masyadong oras para riyan, ang dami-dami ko pang aasikasuhin.

"Meriam, please find a way to cancel the meeting. Hindi pala ako puwede ngayon," saad ko bago tumalikod.

Rinig ko ang malutong na mura ni Gigi sa likuran ko. Taranta namang sumunod si Meriam sa akin.

"Miss Medrano, Engineer Rawlins is known as the strict, perfectionist engineer. Once something's settled, dapat on-date po."

Bahagya akong napatigil sa paglalakad at nakakunot-noong napatingin kay Meriam.

"Hindi naman lahat ng meeting, natutuloy. Please cancel it, Meriam."

"Pero ma'am---"

"Meriam," matigas na saad ko. "Please cancel the meeting."

"Pauleen Arya Medrano, hindi lahat napapasunod mo," ani Gigi, lumalapit sa akin. "Engr. Rawlins is the best, famous, and top engineer. Siya ang kinukuha ng mga malalaking kompanya para gumawa ng mga buildings tapos ikaw na mas pinili ni Engr. Rawlins, sasayangin ang pagkakataon na 'to na makuha ang pinakamagaling na engineer? Tanga ka ba? Sabihin mong hindi at ako mismo ang magpapakita sa 'yo kung gaano ka katanga!"

Napasimangot ako sa sinabi niya. Kahit kailan, ang sakit niyang magsalita! Kaibigan ko ba talaga 'to?

"And Miss Medrano, Engr. Rawlins' schedule is hectic. Masuwerte na tayo at napili niya tayo ngayon. Kapag po may isang sablay, aayaw na po si Engr. Rawlins, marami rin kasing nakapila na kumuha sa kanya. Hindi niya po kawalan,"

Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Meriam. "Then get a new engineer if he'll decline us after this," desididong saad ko at nagsimulang maglakad.

"Ma'am!"

"Pauleen!"

I can hear their frustrated voices. But I didn't listened to them. I continued walking.

"Hon?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig iyon. Marahas akong napamura nang marinig ang boses ni Simon.

Fuck!

Akmang maglalakad na ulit ako nang marinig kong muli siyang magsalita. "Pauleen? What are you doing here?"

Napapikit ako at napabuntong-hininga. I'm really doomed.

Humarap ako kay Simon at pekeng ngumiti. "Ano... Dito ako nagta-trabaho."

Bahagya siyang napanganga sa sinabi ko. "Wow. This company's really awesome,"

I Am You [COMPLETED]Where stories live. Discover now