Chapter 14

157 15 0
                                    

Agaran akong napatingin sa pinto nang bumukas iyon sa pag-aakalang si Simon iyon, pero hindi. It was Giana.

Pumikit lang ako at napabuntong-hininga.

"O, my god! What the hell happened to you, Pauleen!"

Nanatili akong nakapikit, inis parin sa inasta ni Simon kanina.

"Pauleen---"

"Ano ba, Giana! Pagod ako!"

"Aba!" Hinampas niya ako. "Pinuntahan na nga kita rito, ikaw pa ang nag-iinarte riyan!" panininghal niya, nanghahampas parin.

"Thank you ha?" sarkastika kong saad.

Inismiran niya lang ako bago umupo sa isang monobloc malapit sa akin. "Ano ba kasing nangyari? Balita ko ay nakipagsabunutan ka raw," aniya, pinanlakhan ako nang mata. "Totoo 'yon?"

Sinikmatan ko siya. "Ano sa tingin mo?"

"Oo?" patanong na saad niya.

"Ni hindi nga ako nakapalag, tapos nakipagsabunutan ako? Ang galing naman ng nagpakalat ng balitang 'yan," sarkastika ko paring saad, umiismid.

She hissed at me. "Ang hina mo pala."

Sinikmatan ko siya. "Sorry ha? 'Di kasi ako katulad mo na palaging nakakakita ng away, mukhang sanay na sanay."

Inismiran niya lang ulit ako. "Speaking of Simon, anong nangyari ro'n? Ba't mukhang sasabog na sa galit ang lalaking guwapo na 'yon?"

Napairap ako. Kailangan talagang may guwapo? Hindi puwedeng deritsahan nalang?

"Nakakainis ang lalaking 'yon..."

"Bakit?" Napangisi siya. "Pinapa-inlove ka?"

"Anong sinasabi mo?" panininghal ko. "Ayaw lang makinig sa 'kin kaya naiinis ako!"

"Bakit, ano bang sinabi mo?"

Napabuntong-hininga ako. "Sabi ko 'wag niya nang ituloy ang balak niyang pagsampa ng kaso."

Napanganga siya sa sinabi ko. Inismiran ko siya. "Oo! Natatanga na ang lalaking 'yon! Magsampa ba naman ng kaso, e, nananabunot lang naman ang babaeng 'yon sa 'kin! Ano 'yon? Makukulong siya dahil sinabunutan niya ako?"

"Sana all pala sa 'yo!" Malakas siyang tumawa.

I sarcastically looked at her. "Sige Gi, ituloy mo."

"At ano? Sasampahan mo rin ako ng kaso?" Malakas na naman siyang tumawa.

I hissed. Nang-iinsulto ang babaeng 'to, e.

"Hindi! Sasakalin lang kita! Mas okay 'yon!"

Napatigil siya sa pagtawa at nakangiwing napatingin sa akin. "Concern lang yung tao sa 'yo," aniya sa mahinahon na boses.

"Ilang ulit din naman akong na-concern sa iba pero hindi ako nananampa ng kaso."

Nakakunot-noo siyang tumitig sa 'kin. "Bakit ka nga pala nawalan ng malay? Nauntog ka? Kung nakikipagsabunutan lang, hindi ka naman siguro mawawalan ng malay no?" ani Gigi, naroon ang kuryosidad sa boses niya.

Napabuntong-hininga ako. "'Yon na nga..." Napapatingin siya sa akin. "I didn't lose my consciousness when that woman tweaked my hair. It was when a memory came in the scene, Giana," seryoso kong saad sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya, sumeseryoso na. "Una palang 'yan?"

"Ang alin?" tanong ko sa kanya, nakakunot ang noo. "Kung ang pagpasok ng memorya sa isip ko ang tinutukoy mo ay isa palang. Pero kung ang pagsakit ng ulo ko ang tinutukoy mo, pangalawa na kanina."

I Am You [COMPLETED]Where stories live. Discover now