"Who's that guy?"
Napalunok ako nang marinig ang seryosong boses ni Simon, nakakunot pa ang noo niya habang nakatingin kay Harrison. Hindi ako ang tinatanong niya pero pakiramdam ko ay ako ang natatakot sa seryoso niyang boses.
"H-He's a friend, dad---"
"You didn't forgot what I have told you, did you?"
"I told you, he's just a friend!" napapataas na ang boses ni Selene, naiinis.
Kita ko ang pagsalubong ng kilay ni Simon.
"Selena, you don't have to shout," mahinang pagsasaway ni Harrison, nakahawak sa balikat ni Selene.
Wait... Did he just called Selene Selena? What the fuck was that?! Namali ba ako ng rinig?
"And you don't have to hold her in her shoulders," ani Simon, seryosong nakatingin sa kamay ni Harrison na nakahawak kay Selene.
Kaagad na yumuko si Harrison kay Simon. "Sorry, sir," magalang na saad ni Harrison.
Hinawakan ko si Simon at hinarap. "I knew him. He's just really a friend of Selene, you don't have to worry."
I, myself, also wondered why the fuck he was exaggerating things. Dumaan din naman siya sa ganito. Normal lang naman 'to sa mga teens na kagaya nila.
Habang naglalakad ay nakita ko kung paano iniwasan ni Selene si Harrison. Nasa may bandang likod siya, nakasunod sa amin at nagpapahuli. Dahil si Simon ang nakahawak sa dalawang bata ay nagpahuli ako para samahan si Harrison sa likod.
"Bakit nandito ka?" Umaakto akong nagtataray, nakatingin sa daan. "You ruined our family bonding," I jokingly say.
He smiled at me. Inginuso niya si Selene na salubong ang kilay na naglalakad pasunod kay Simon.
"Hindi namamansin kaya pinuntahan ko rito. Akala ko ay siya lang mag-isa ang gumala, sasamahan ko sana," aniya sa mahinang tinig, napapabuntong-hininga.
Palihim akong napangiti. I am glad Harrison thought of Selene. Napatigil ako sa paglalakad nang maalala ang nakita ko kahapon. Napatigil din siya sa paglalakad at kunot-noong napatingin sa gawi ko.
"Bak---" Nakanganga siyang napapatingin sa akin nang lapitan ko siya at mahinang binatukan. "Anong ginawa ko?" naguguluhan at parang tangang saad niya.
"Be a jerk again and I'll really slap you hard on your face," inis na saad ko sa kanya bago ako sumunod kila Simon.
Hinabol naman niya ako, pumapantay sa paglalakad ko. "Ano ngang ginawa ko, Ma'am?" naguguluhan niya paring saad.
Nakapamaywang akong humarap sa kanya. "Hindi mo talaga naaalala ang kagaguhang ginawa mo kahapon? Dumadamoves ka sa anak ko tapos makikita kitang may kasamang iba sa mall? E, kung sampalin kita?" paninikmat ko sa kanya.
"Wala naman..." Napanganga siya kalaunan.
Bahagya ko siyang inismiran at iniwan. Humabol na naman siya sa akin, naroon ang ngisi sa mukha. "She's not my new girl. A friend of mine just instruct me to accompany his cousin to make the latter's boyfriend jealous. Hindi ko naman alam na nakita mo pala ak---"
"I told Selene about that," pagsingit ko sa pagsasalita niya.
Napanganga siya sa akin. "You what?"
Napangisi ako sa kanya. "Sinabi ko kako kay Selene ang nakita ko." Mahina kong sinuntok ang braso niya, nanunudyo. "Baka ay nagalit dahil may kasama kang iba," saad ko, kinikindatan siya. "Ano na, galaw-galaw par."
I can't explain how happy he was. Just by looking into his face, kitang-kita ko kung gaano siya kasaya sa sinabi ko.
"Bakit?" tanong ko nang mapansing ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya.
YOU ARE READING
I Am You [COMPLETED]
RomancePauleen Arya Medrano and Maureen Asha Medrano are twin sisters, an identical one. Dahil sa isang aksidente, si Pauleen ay kailangang umakto bilang si Maureen, para sa naiwang pamilya nito. Will she be able to act accordingly as to what her twin told...