Chapter 24

154 14 0
                                    

"Simon!"

I secretly cussed Giana for forcing me to flirt with that guy! Sinasabi ko na nga ba, e! May mangyayaring hindi maganda!

"Simon!" I hissed when he didn't listen nor look at me.

Napakaarte! Wala naman akong balak makipaglandian sa lalaking 'yon! 'Di hamak na mas guwapo naman siya roon--- ay puta! Pauleen, stop comparing them! Kaya ka napapagalitan ni Giana, e!

"Simon---"

"Pauleen!" sigaw ni Simon sa akin pagkalabas namin sa bar. Giana's nowhere to be found. Mukhang tumakas pa ang gaga!

He heaved a deep sigh before looking at me again. "Puwede mo namang sabihin sa 'kin kung anong problema, e. Puwede ka namang mag-share sa 'kin kasi nangako tayo sa isa't isa na kung may problema ay magkasama nating haharapin 'yon! Bakit hindi ka nagsabi? Bakit nagpunta ka pa rito? Pauleen! I can drink with you if you want! Just don't go here, or any bars kasi delikado!"

Puta kasi 'tong nararamdama ko, e! Pa'no ko masasabi sa 'yo 'tong problema ko, e, tungkol 'to sa 'yo? Nainlove ako sa 'yo! Now, tell me, Simon... how would I tell it to you when you yourself is my problem?

"Get in the car," malamig na utos niya.

"Simon---"

"Please, Pauleen. I was cooling down myself so please just get in the car."

Hanggang sa pagdating namin sa bahay ay hindi niya ako kinikibo. Pinagbuksan niya ako pero hindi niya parin ako kinikibo. Even Selene was confused upon looking at us.

Simon's anger towards me lasts for how many days... at hanggang ngayon ay hindi niya parin ako kinikibo. He was currently chopping the meats in the kitchen while I was looking at him through the door, sitting at the sofa in the living area.

Napapabuntong-hininga ako. Akala ko ba ay hindi niya kayang magalit sa 'kin? Bakit ang tagal-tagal niyang suyuin? Jusko ka Simon ha! Fake news ka!

"Back hug..."

Napapatingin ako kay Selene na nakaupo rin sa sofa, sa kabila. Napapakunot-noo ako sa kanya.

"Gusto mo ng back hug?" saad ko, naroon ang pagdadalawang-isip at ang pagtataka sa boses.

She immediately hissed and rolled her eyes off me. "Bakit ang slow mo?"

Napapanguso ako sa panininghal at pampaprangka niya sa akin.

"Si dad, just give him a back hug. Effective 'yon sa kanya kapag galit siya sa 'yo... 'yon ang napapansin ko. Tsaka, 'yong..." Napapangiwi si Selene sa naisip niya. Umiwas siya nang tingin sa akin bago nagsalita. "Back hug at 'yong malambing na boses ang makakapagpawala sa inis niya. Subukan mo." She hissed, looking at me. "Ang cringe! Bakit kasi napakaarte niyo?"

Mas lalo akong napanguso sa sinabi niya sa akin. Nang makaalis siya ay tiningnan ko si Simon na naghihiwa naman ng mga gulay.

I heaved a deep sigh as I stood up and walked near him. Nang mapalapit sa kanya ay napapangiwi ako.

What should I do? Should I hug him in the back like what Selene told to me earlier?

Napapanguso ako. Madadagdagan na naman ba ang magiging kasalanan ko sa kapatid ko?

"I am cooking. Let's just talk later---" Napapatigil siya sa pagsasalita nang niyakap ko siya mula sa likuran. "Pauleen---"

"Simoniii." Napapanguso ako. Dumaan naman saglit ang saya sa mukha ko nang mapansin na hindi siya gumagalaw, natatahimik at hinahayaan akong niyayakap siya mula sa likuran.

I smirk secretly. Seems like Selene's right. Kahinaan nga ni Simon ang pangyayakap mula sa likuran.

"I'm sorry if I didn't ask for a permission to go to the bar. Gusto ko lang kasing pumunta ro'n, kasama si Giana. Hindi na ako nakakapagpaalam sa 'yo lalo at busy ka sa site," pagsisinungaling ko.

I Am You [COMPLETED]Where stories live. Discover now