I was currently sitting in a beach chair, leaning over the backrest while staring at the guests who were enjoying the day in the beach.
I heaved a deep sigh. I just hope I wouldn't be able to see them today--- Rawlins Family, because I don't know what to react.
I knew for sure they wouldn't be in the beach today knowing they just arrived, for sure, pagod pa ang mga bata, kaya dito ako nagpunta. Kapag sa dining ako mag-aasikaso ay baka makita ko lang sila roon.
"You're here again?"
Kaagad akong napairap nang marinig ang boses na 'yon. Kahit kahapon pa kami nagkita ay kilala ko na kaagad ang boses niya, nakakainis, e. Mabilis akong makakadetect ng taong nakakainis.
"Anong pake mo kung nandito na naman ako?" pagtataray ko.
"Because I care? Come on, don't be harsh on me. Stop throwing your frustrations on me, I'm being friendly here."
Maldita akong napaharap sa kanya. "Anong 'wag kong ibato sa 'yo ang mga frustrations ko? Ibinubunton ko ba 'yon sa 'yo, e, ikaw ang dahilan kung bakit naiinis ako?!"
Napapangiwi siya sa pagsigaw ko. "Bakit ang sungit mo sa 'kin? Are you like that? Or you're only like that when it comes to me."
"Sa 'yo lang ako nagmamaldita at nakakainis ka," pagtataray ko, nagsasabi ng totoo.
Napasimangot siya. "Why is that? I didn't remember I did something serious towards you."
Bahagya akong napaismid sa sinabi niya. "Porke wala kang seryosong ginawa sa akin ay wala na akong karapatang magalit sa 'yo? Giatay!"
He chuckled, shaking his head. "What should I do to lessen your frustrations toward me?"
Peke akong ngumiti sa kanya. "Tinatanong mo kung anong dapat mong gawin?"
He nodded his head on me.
"Umalis ka lang sa harap ko ay okay na ako!"
Natahimik siya sa sinabi ko, umiiwas pa ng tingin, pinapaguilty ako.
Akala niya ay madadala niya ako sa pagganyan-ganyan niya? Borit!
"Okay, I'll leave. Sorry for the disturbance I had gave."
Napanganga ako nang dumiretso siyang tumayo at umalis.
Puta! Ano 'yon? Anong mukha 'yon?! Nagpapaguilty? Neknek niya kong mag-guilty ako!
Kasalukuyan akong napapaismid, naiinis parin sa ginawang pag-alis ni Cianne nang sumalubong sa akin ang masamang tingin ni Simon. Bahagya akong napakurap-kurap at napapanganga.
Tumingin ako sa likuran ko at baka nagiging assuming ako, baka nasa may likuran ko lang si Maureen. Napakunot-noo ako nang makitang wala nang ibang tao maliban sa akin na nakaupo sa beach chair.
Lumingon ako pabalik sa puwesto kung saan nakatayo si Simon at bahagyang napakurap-kurap nang makitang wala na siya roon. Mukhang namamalik-mata lang ako.
I shook my head in disappointment. Seems like I'm seeing things that would be impossible to happen. What happened to you, self?
Tumayo ako at naglakad-lakad sa beach. I looked at the souvenirs being displayed. There were lots of 'em. I bought one before leaving the area.
To avoid being in contact with the Rawlins family and to ease the boredom I am feeling right now, I looked for the diving team. I think I should go diving for now for me to unwind a little.
Kakasakay ko palang sa malaking bangka na hinanda ng diving team nang sumalubong sa akin ang napakasungit na titig ni Simon. Napakurap-kurap ako at tumalikod at akma na sanang aalis nang may umakyat naman dahilan para mapaatras ako. I was about to get off the boat again when the girl who just got on the boat spoke up.
YOU ARE READING
I Am You [COMPLETED]
RomancePauleen Arya Medrano and Maureen Asha Medrano are twin sisters, an identical one. Dahil sa isang aksidente, si Pauleen ay kailangang umakto bilang si Maureen, para sa naiwang pamilya nito. Will she be able to act accordingly as to what her twin told...