Chapter 33

148 14 0
                                    

"Kanina pa kita hinahanap, hindi ka naglibot sa buong subdivision?" ani Giana pagkapasok palang sa loob ng kotse dahilan para mabilis kong pinahiran ang luha ko.

"H-Hindi na. Hindi pa naman tapos. Saka nalang kapag tapos na," I say as I tried my voice to be sounded firm and solid.

Napapatingin ako sa kanya nang biglaan siyang matahimik. Napapaiwas ako ng tingin nang makita ang awa sa mga mata niya.

"Up until now, hindi ka parin nakakamove-on sa kanya?"

Mas lalo akong napaluha sa sinabi niya. That I was not yet over towards him even if I don't have the rights. Na hindi pa ako nakakamove-on sa kanya kahit alam kong wala namang kami. At 'yon ang mas masakit.

Napapayuko ako, napapakagat sa pang-ibaba kong labi, humihikbi. Mas napaiyak ako nang hapitin niya ako palapit sa kanya at niyakap.

"Ewan ko, Gi. Wala namang kami, e. Hindi ako ang asawa niya, alam ko 'yon. Itinatak ko 'yon sa kukote ko nang umamin na ako sa sarili kong mahal ko na siya... pero wala, e. Mahal parin siya nito," saad ko habang nakaturo sa puso ko.

"Nami-miss mo?" aniya sa malumanay na boses.

Tumango ako sa kanya, napapangiti ng mapait. "Palagi naman, e. Kahit anong tanggi ko, kahit anong pilit kong kalimutan siya, wala, e. Nandito na, e."

She sighed as she leaned on the backrest. "Then it is now the time for you to manage the subdivision."

Nanlaki ang mga mata ko. "Tanga ka? Ni ang makita nga lang siya sa malayo, nasasaktan na ako, pa'no pa kaya ang makita at makausap siya tungkol sa trabaho?" panininghal ko sa kanya.

"Mas tanga ka!" panininghal niya pabalik sa akin. "Pa'no ka makakamove-on kung hindi mo sasanayin ang sarili mong nakikita at nakakausap siya bilang empleyado mo? Pauleen, you should learn to get used by his presence! Kasi kung palagi kang iiwas, walang mangyayari! Mas lalala lang ang sitwasyon!"

Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni Giana. She's right. Kung palagi nalang akong iiwas ay walang mangyayari. I should face it. I should face Simon and let myself get used by his presence--- to normally see him, for me to move on.

"Engr!"

Nang marinig iyon ay kaagad akong kinabahan. I wanted to run away. I wanted to go back to my car to hide, but I tried myself not to.

"Engr. Rawlins, the real owner's here." Binalingan ako nang tingin ng lalaki. "She's---"

"I know, Rindon, you don't have to introduce her to me," says Simon. I don't know if I was just the one who recognized something on his voice but I felt like he was saying it coldly.

Gulat akong napapatingin sa kanya sa sinabi niya. He knew? How come?

We were just looking at each other--- eye to eye. Nang makaalis na ang lahat ay napapangisi siya sa akin.

"What about that reaction? Akala mo ay hindi ko malalaman?" He smirks again. "Sorry, but if it's all about you, I know all the lies."

Bahagya akong nasaktan sa sinabi niya. Nakakainsulto. Never in my whole life that I have being told like that, ngayon lang.

Nang tumalikod siya ay sunod-sunod na umagos ang luha ko. I wanted to say sorry for acting like his wife. I was so sorry for loving him secretly. I was so sorry that he was hurt because of me.

I'm sorry, Simoniii.

Nang sumunod na araw ay hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Kapag napapansin kong napapatingin siya sa akin ay kaagad akong iiwas dahil alam kong titingnan niya lang ako nang masama. At masakit sa parte ko 'yon. Na kahit wala akong kasalanan ay may taong ganoon tumingin sa akin. Na kahit wala akong kasalanan ay ang sama ng tingin niya sa 'kin.

I Am You [COMPLETED]Where stories live. Discover now