Chapter 15

151 16 0
                                    

Simon's not in the room when I woke up. Napapangiti nalang ako kapag naaalala ko ang sinabi niya kagabi sa akin.

Flashback

Coleen's already in our room, hinatid ni Selene kanina. And now, we, the three of us were now lying on the bed, Coleen in between of me and Simon.

"Simon? Are you still awake?"

Simon's hand were on my waist, niyayakap kaming dalawa ni Coleen.

"Hmm," he says in a husky voice.

"Did you... Did you really file a case against them?" mahinang tanong ko, napakagat-labi. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang isiping 'yan. It really bothers me.

Matagal siyang sumagot kaya labis ang kaba ko habang inaantay ang sagot niya. Bumuntong-hininga siya kalaunan.

"Hindi ko tinuloy," aniya dahilan para mapagalaw ako nang wala sa oras.

"Really?" napapataas ang boses ko. Doon ko lang naalala na natutulog na pala si Coleen. Bumalik ako sa pagkakahiga at mahina itong tinapik, pinapatulog.

Napangiti akong muli nang maalala ang sinagot niya. "Bakit? I mean... Anong naisip mo at hindi mo tinuloy? You've already decided earlier. Desididong-desidido ka na kanina, anong nakakapagpabago sa isip mo?" sunod-sunod na tanong ko.

He sexily chuckled. "Hindi ko na itinuloy, nagagalit ka, e," aniya sa malambing na tinig.

Napangiti lang ako sa sinabi niya. I appreciated it.

Bumangon siya nang kaunti at lumapit sa akin, binibigyan ako nang halik sa noo, ganoon din si Coleen.

End of flashback

Napailing-iling nalang ako, lalo na kapag naaalala ko ang eksenang 'yon. Ilang minuto lang, napakunot-noo ako nang mapansin ang mabigat na bagay sa dibdib ko. Tumingin ako sa gilid at sumalubong sa akin ang maamong mukha ni Coleen. She was hugging me, snaking her arms around my chest with her feet around my stomach. Napangiti ako sa magandang tanawin na 'yon.

Selene send her yesterday after she yelled at me. Ilang minuto lang noon ay bumukas ulit ang pinto at pumasok ang papaiyak nang si Coleen. Bumuntong-hininga lang si Selene bago umalis, napailing-iling.

Mahina kong hinaplos ang buhok ni Coleen. "I knew Maureen loves you all. Anak niya kayo, e. May pagkamaldita talaga ang isang 'yon pero mapagtatyagaan naman 'yon," mahina kong sabi, hinahaplos parin ang buhok ni Coleen.

Napatigil ako sa ginagawa nang biglaang gumalaw si Coleen. Nagmulat siya nang mata at tumingala sa akin bago ako binigyan ng isang malapad na ngiti.

"Good morning, 'Ma," marahang bati niya.

Ngitian ko siya at binati pabalik. Napatawa ako nang yakapin niya ulit ako, pero sa mahigpit na yakap.

Sabay kaming lumabas ni Coleen. Kakabukas ko lang sa pinto nang bumukas naman ang kabila, Selene's room. Nagkatinginan kami. Kita ko ang pagbaba ng tingin niya kay Coleen at sinusuri ito bago bumuntong-hininga, umiiwas nang tingin sa akin. Nauna siyang bumaba kaya sumunod nalang kami ni Coleen.

We were just walking downstairs when I smelled something. Someone's cooking in the kitchen! Was there a possibility that Simon's the one who cooked today?

Bahagyang kumunot ang noo ko nang pagdating namin sa kusina ay hindi lalaki ang nadatnan namin, kundi isang babae.

Who the hell is she?

Napatingin sa amin ang babae. Ngumiti siya sa amin at yumuko nang kaunti, nanatiling nakahalo sa niluluto.

"Good morning, Ma'am," aniya, magalang na bumabati. She's like in her mid-thirties.

I Am You [COMPLETED]Where stories live. Discover now