"He's your what?! Can you say it again, Pauleen, mukhang nabibingi na yata ako," ani Gigi, exaggerating things.
"He's my husband---"
"What the fuck!" malutong na mura ni Gigi, hindi ako pinapatapos sa pagsasalita.
I made a face. Pinapasalita lang ba niya ako ulit para lang putulin ako?
"How come you already have a husband? Bakit hindi ko alam? Kailan pa? Teka, kailan ang naging kasal niyo? 'Wag mong sabihing hindi pa kayo nakakasal, Pauleen!"
Malapit ko pa siyang mabatukan sa pagiging praning niya. Can't she wait for my explanation?
"Naniniwala ka bang asawa ko siya?" tanong ko sa kanya.
"Bakit hindi? Teka!"
I hissed upon hearing her exclaimed. Ang lapit-lapit lang namin, sumisigaw siya.
"How come you already have a husband when all I know, you're a fucking single?"
Napangisi ako. "May anak na nga ak---"
"What?!"
Napatimpi ako nang sumigaw na naman siya.
"Ano ba, Giana! 'Wag ka ngang sumigaw!" singhal ko sa kanya.
"Pa'no ako hindi mapapasigaw, e, ang shocking ng mga sinasabi mo! Single ka, tapos malalaman ko nalang na may asawa ka na pala! Ang mas malala pa, may anak narin kayo! Sinong hindi magugulat, huh?!" Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa opisina ko. "Ipaliwanag mo! Walang aalis sa kompanyang 'to nang hindi mo nasasabi sa 'kin lahat ng detalye kung bakit biglaan kang nagkaasawa!"
I scoff. I was about to say something sarcastic when my eyes laid on the wall clock. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala sina Coleen at Codie. I promised to them I'll fetch them in school.
Tumingin ako kay Giana. Pinanlakhan naman ako ng mata ng bruha, pinapaliwanag.
"I'm sorry to say this but I'm busy, Giana. I have to fetch my twins at school, so as much as I wanted to explain it all to you, I can't."
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "S-School? Malaki na ang mga anak mo? And... t-twins? Are you fucking kidding me, Pauleen?!"
I smirk, shaking my head. "I'm not," Tumayo ako para sana umalis nang magsalita siya.
"Pauleen, you still have to explain something to me! 'Wag mo akong takasan!"
Inis akong humarap sa kanya. "Ipapaliwanag ko naman sa 'yo, pero hindi na muna ngayon. I have to fetch them, nakapangako na ako. And..." Inis ko siyang tiningnan. "Kapag nalate ako sa pagkuha sa kanila, sasampalin kita."
Naiwan siyang nakanganga. Hindi ko siya pinansin at lumabas na ng kompanya.
I was glad when I arrived on the school, kakalabas lang ng mga bata. Kaagad kong hinanap sina Codie at Coleen. When my eyes caught them, I raised my right hand and waved at them, making them recognize me easily.
"Ma!" Coleen happily shouted as she runs toward me. Kaagad niya akong niyakap dahilan para mapatawa ako.
"Sweetie, you don't have to run," saad ko, nakatawa parin.
She flashed a happy and genuine smile. "I was just happy seeing you fetching us, 'Ma."
Nginitian ko siya at tiningnan si Codie na kakarating lang. "Codie, you okay? What's the problem?" tanong ko nang makita kung paano kabusangot ang mukha niya.
Hindi niya ako pinansin at tiningnan si Coleen na napapatingin narin sa kanya. I chuckle upon seeing Codie loured his face upon staring at Coleen. Mukhang nagtatampo sa ginawang pag-iwan ng kapatid niya.

YOU ARE READING
I Am You [COMPLETED]
RomancePauleen Arya Medrano and Maureen Asha Medrano are twin sisters, an identical one. Dahil sa isang aksidente, si Pauleen ay kailangang umakto bilang si Maureen, para sa naiwang pamilya nito. Will she be able to act accordingly as to what her twin told...