Namamaga ang mga mata ko habang nakatulalang nakatayo sa elevator. I am here in the condo, on my way to my unit.
Nang buksan ko ang unit ko ay sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha nina mama at papa pati narin ng mga kaibigan ko.
A tear escaped from my eye. Ni hindi nila ako hinanap para manlang damayan. Ni hindi nila ako sinundan para ipagtanggol ako at tulungang bawiin ang pamilya ko.
"Anak, okay ka lang? May masakit ba sa 'yo?"
Really? They're asking me if I'm okay when it was so obvious that I'm not? At... tinatanong nila kung may masakit sa 'kin? I am not hurt physically. 'Yong pasa ko sa braso dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Simon sa akin? Wala lang 'yon. Wala lang 'yon kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon. I felt like I was betrayed. No, I was being betrayed by my twin sister. I was being betrayed by my friends. I was being betrayed by my parents. Sino nalang ang kakapitan ko? Sino nalang ang sasandalan ko sa mga sadaling 'to?
I can't trust them anymore. I know they knew what the truth is, but they chose to kept silent. Hinayaan nilang mangyari sa 'kin 'to. Hinayaan nilang gawin ni Maureen sa akin 'to.
"Ma, kayong lahat..." I say, my voice is trembling. Napapatiim-bagang ako para pigilan ang tuluyang pag-iyak. I was trying not to broke down in front of them, kasi gusto ko pang malaman ang totoo kahit alam ko na kung ano 'yong totoo. I just wanted to hear it from their mouth. Kahit alam kong masasaktan ako ay gusto ko paring marinig. "Tell me the truth," I say, looking at them. "Alam niyo bang ginagago ako ni Maureen? Alam niyo bang inagaw niya ang pamilya ko? Alam niyo bang inilayo niya sa akin ang pamilya ko?"
"Anak, I'm sorry," umiiyak na sabi ni mama dahilan para mapahagulhol ako.
"'Ma! Akin sila, e! Pamilya ko 'yon, e! Bakit niyo hinayaang maagaw ng iba ang sa akin?"
"Anak," ani mama, lumalapit sa akin. "Patawad. Nagawa ko lang 'yon dahil naaawa ako sa kapatid mo."
Bahagya akong nasaktan sa sinabi ni mama. "At sa 'kin, hindi kayo naaawa? Ma! Anak niyo rin naman ako pero bakit kasiyahan lang ni Maureen ang iniisip niyo! Anak niyo ako pero bakit ginaganito niyo ako!" malakas kong iyak, humahagulhol.
Ito ba ang sinasabi ni Maureen na paborito ako ng lahat? E, putangina! Kaya nga hinayaan ng mga magulang ko na maangkin niya ang pamilya ko dahil siya ang paborito, e!
Lumapit sa akin si papa at hinawakan ang kamay ko. "Anak, alam naming mali ang ginawa namin kaya itatama na sana namin---"
"Pa! Kung hindi ko pa nalaman, may balak pa ba kayong ipaalam sa akin na may pamilya ako? Pa!" humahagulhol na sabi ko. "Kung hindi ko pa nalaman, kailan niyo balak itama ang lahat? Kapag huli na? Kapag nainlove na ang asawa ko sa kapatid ko? Kapag naagaw na nang tuluyan ni Maureen ang pamilya ko? Papa naman!"
I looked at my friends and they were bowing their heads, crying. I disappointedly looking at them.
"Kayo, nagbonding pa tayo bago ako umalis para pumunta rito, hindi niyo manlang nabanggit sa 'kin ang lahat ng 'to?"
Nang hindi sila makasagot ay napailing-iling ako, humahakbang paatras, palayo sa mga taong nanggago sa akin.
Tiningnan ko pa sila bago ako tumakbo paalis. I run without destination. Kung saan lang ako makakarating ay doon ako.
Kagaya noong pinaalis ako ni Simon sa buhay nila ay naramdaman ko ulit na mag-isa ako. Na kahit alam kong mayroong mga taong handang sumuporta sa akin, hindi parin sapat. I still feel alone. I still feel lonely.
My sight becomes blurry. I stopped running at the middle of the street, crying. I shouted, voicing out all of my resentment.
I can hear some beeps in my side, yet, I didn't move. If my life would end here, then so be it. I don't care anymore. Nawalan na nang saysay ang buhay ko. Nawalan na ako nang pag-asa.
YOU ARE READING
I Am You [COMPLETED]
RomancePauleen Arya Medrano and Maureen Asha Medrano are twin sisters, an identical one. Dahil sa isang aksidente, si Pauleen ay kailangang umakto bilang si Maureen, para sa naiwang pamilya nito. Will she be able to act accordingly as to what her twin told...