Chapter 23

195 16 7
                                        

"Baon..."

I was currently helping manang Nena when Selene appears in the kitchen, extending her hand on me.

Napabuntong-hininga ako bago kumuha ng 500-piso bill. Alam kong magrereklamo na naman siya kapag violet lang ang ibibigay ko.

I was about to turn around and help manang Nena when Selene stops me and gave me back the three hundred pesos.

"Why---"

"I'm okay with two hundred pesos," aniya bago tumakbo papunta sa pinto. "Bye, Mrs. Rawlins!"

Napapangiti ako nang mapagtanto ang nangyari. I hope this is the start. I just hope.

Mabigat akong napapabuntong-hininga. I'm bored... again.

Akmang tatawagin ko na si Giana para pumunta sa opisina ko nang maalala kong nasa site pala siya, tinitingnan ang naging takbo ng trabaho roon sa subdivision.

Kaagad akong tumayo. I planned on going there, too. Wala na naman akong ginagawa rito, might as well go there and look for some progress.

Pagkarating ko sa site ay kaagad na napakunot ang noo ko nang makitang nakikipaglandian si Giana sa isang engineer.

I winced a bit. Talandi!

Binaliwala ko ang nakakasukang paglalandian nila at hinanap nalang si Simon. Dahil hindi ko siya makita sa site ay nagpunta ako sa tent. I knew for sure that he was there.

Napapakunot ang noo ko nang marinig ang tawanan sa may tent. Mabilis akong nagpunta sa tent at binuksan 'yon. Napataas ang kilay ko nang makitang walang tao roon. Nang marinig na naman ang tawanan nila ay sinundan ko iyon, only to find out that they were there at the side.

Mas lalong napakunot ang noo ko nang makitang akmang hahawakan na ng architect ang kamay ni Simon.

"Why are you two here?" I interrupted as I sat down beside Simon, in between them. Peke kong nginitian ang architect. "Why does everyone's not working at this hour?" striktang pagkasaad ko.

The architect smiled at me. "Simon gave us all a break. Kakabreak lang din namin, Mrs. Rawlins---"

"Did I gave you all the right to take a break?" striktang saad ko.

Kita ko ang pagkunot sa noo niya. Akmang magsasalita na siya nang maunahan siya ni Simon.

"Hon? What are you saying?" rinig ko ang pagtataka sa boses ni Simon. Doon lang din sumagi sa isip ko ang alam nilang posisyon ko sa kompanya.

Ah, Pauleen! Bakit kasi ang tanga-tanga mo!

God knows how much I scolded myself for being frank... and harsh! 'Yan ang napapala mo, Pauleen, e! Padalos-dalos ka kasi!

"A-Ah..." I trailed off, scratching the back of my head, embarassed of what I had done. "Nothing. I just wanted to act like a cold boss," I say as I faking a laugh at them.

Simon just shook his head while chuckling lowly at me. "Silly..."

Kita ko naman ang pagngisi ng architect sa amin dahilan para tarayan ko siya. Wala siyang karapatan!

Napataas muli ang kilay ko nang abutin niya si Simon. Kaagad na nagsalubong ang kilay ko. Talagang nilalandi niya ang asawa ng kapatid ko gayong kitang-kita niyang narito ako?

Bago pa niya maabot si Simon ay humarang ako, bahagyang nagsalubong ang kilay sa kanya. "What the fuck do you think you're doing, Architect Suarez?"

Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Kalaunan ay napatawa siya, hindi makapaniwalang napapatingin sa akin. Pero mas nagulat ako nang tumawa rin si Simon, nakangising nakatingin sa akin.

I Am You [COMPLETED]Where stories live. Discover now