Chapter 10

174 18 0
                                    

"What, dad?! Can you hear yourself?! Did you really said I should cook?" Selene exclaimed, naroon sa mukha na hindi siya makapaniwala sa narinig.

Simon smirked. "Yes, sweetheart. You heard it all clearly." Simon looked at me. "Hon, teach her on how to cook. Since wala na tayong stocks, you two shall buy for the ingredients."

In the late afternoon, Selene and I were now on our way to the mall. Ang kambal ay naroon kay Simon, on his office. Walang mapagbibilinan sa dalawang 'yon kung naroon sila sa bahay, kaya sinabihan ko si Simon na siya na ang sumundo.

"Kumuha ka ng pushcart," parang natural lang na utos ko sa kanya bago ako naunang pumasok sa department store.

Kumuha ako ng mga kakailanganin namin para sa pagluluto, more like the seasonings and other ingredients. Tumingin ako sa likuran nang hindi ko makita si Selene sa gilid ko. Halos mapahagalpak ako ng tawa nang makita kung gaano na kasama ang tingin niya sa akin, pinipigilan ko lang ang sarili ko, baka mas lalong magalit.

Tumikhim ako at umaaktong parang wala lang ang sama ng tingin niya sa akin. "You have to stay by my side." Ramdam ko ang pag-irap niya sa akin. "Pa'no ko mailalagay yung mga napili ko kung hindi ka nakasunod sa 'kin?"

"Edi ikaw ang magdala niyan!" aniya, naninigaw.

Nabigla ako nang biglaan niyang itinulak ang pushcart papunta sa direksyon ko. Because I was shock, hindi na ako nakaiwas pa at dumiretso ito sa akin. Napangiwi ako nang dumiretso ito sa may bandang tiyan ko, mabuti at magaan pa dahil wala pang nakalagay kaya hindi masyadong masakit.

Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Selene. I saw how she got worried seeing the pain in my face. She wanted to walk near me, but she was hesitant.

Nang mapansin na nakatingin na ako sa kanya ay kaagad niyang tinakpan ang pag-aalala sa mukha niya. She really knows how to cover the real emotion on her face. Still, I was glad I saw some trace of worry on her eyes, akala ko ay wala lang ako sa kanya. I'm glad I have something---like part, in her heart.

Naglakad siya palapit sa akin at kinuha muli ang pushcart. Tahimik niyang hinawakan iyon at bahagyang nakatingin sa mga products na nakadisplay, umiiwas ng tingin sa akin.

Ngumiti lang ako bago ko inilagay ang mga napili ko. We're just roaming around the store to choose different products. Kasalukuyan akong namimili ng mga pagkain para sa kambal nang mamataan ko ang lalaking pumunta sa amin kahapon.

The Harrison guy.

Natigilan ako nang makitang may babae siyang kasama at kaakbay.

That jerk! How dare him find another girl when he's doing a move on my niece?

Napatingin ako sa likuran ko nang may mauntog doon. It was the pushcart again, tulak-tulak ni Selene.

Kaagad siyang natigilan. Maya-maya lang ay nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. "That's not my fault anymore. That was yours," pagtataray niya sa akin, dumidepensa.

Nagtaka siya nang biglaan ko siyang pinatalikod. "Anong problema mo?" pagtataray niya, naroon ang inis sa boses niya.

"May nakalimutan ako ro'n, balik tayo," saad ko habang tumitingin-tingin sa puwesto kung nasaan sina Harrison at yung babae niya.

Humanda ka sa 'kin, jerk!

Nang matapos ay inginuso ko kay Selene ang counter. Pinanlisikan naman niya ako ng mata. "Bakit ako? Ikaw na. Ikaw naman ang may balak niyan, edi ikaw ang magbayad."

Napasimangot ako sa sinabi niya. "Para matuto ka---"

"I know how to pay on the counter, okay? Anong tingin mo sa 'kin, ignorante kaya hindi alam maski ang pagbabayad?" may inis sa boses niya nang sabihin iyon. Hindi ko naman sinabing hindi niya alam, I just want to see her paying what we had bought.

I Am You [COMPLETED]Where stories live. Discover now