Days had passed and Selene's treatment towards me worsen. It was now Sunday and we are all here in the house. Simon's in the living room, leaning at the backrest of the sofa while seriously looking at the blueprint of the subdivision he was currently working with. The twins were busy on something at the table, in front of Simon. I looked around, hoping I would see Selene, but I didn't saw her.
I just heaved a deep sigh before continuing what I was doing. I was currently baking some cookies for their snacks when the doorbell rang.
Simon was about to stand up to open the door when I stopped him. "No, Simon, just focus on what you are doing. Ako na ang magbubukas."
He nodded his head. "Thank you, hon," he says as he looked down on the blueprint he was holding.
Nagpunta ako sa pinto at binuksan iyon. There, sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Harrison.
Napakunot-noo ako. Anong ginagawa niya rito? Wala namang pasok, ah?
"What are you doing here? Wala namang pasok, Harrison."
Nahihiya siyang ngumiti sa akin, napapakamot sa ulo niya. "Bibisita lang ako, Ma'am, kung okay lang," aniya sa mahinang tinig, humihingi ng permiso.
Peke akong napairap. "Anong magagawa ko? E, nandito ka na sa bahay?"
He chuckled cutely. "That's why I went here without telling Selene."
Mapaglaro akong napaismid. "Palagi ka namang hindi nagpapaalam kay Selene sa tuwing pumupunta ka rito," pambabara ko, parang alam na alam na ang mga kilos niya.
Napatawa siya. "Kilala mo na talaga ako Ma'am..."
Kinindatan ko siya. "Ako pa?"
"Hon? Who's that?"
Napalingon ako kay Simon nang magtanong siya. Gumilid ako nang kaunti para makita niya ang binatilyo.
"Si Harrison, yung kaibigan ni Selene," saad ko, ang tingin ay naroon kay Simon.
Napapataas ang isa sa mga kilay ko nang makita ko kung paano pinasadahan ni Simon nang tingin si Harrison. Lumingon ako sa binatilyo at halos mapatawa ako nang makita kung paano siya namutla at kung paano siya napapalunok habang nakatingin sa kanya si Simon.
Marahan kong tinapik ang balikat niya. "Akong bahala sa 'yo. 'Wag kang matakot diyan, tiklop naman 'yan sa 'kin."
Dahil sa sinabi ko ay parang nakahinga nang maluwag si Harrison. Napatawa rin siya sa sinabi ko.
Simon's forehead knotted in irritation. "What's with the sudden laugh between the two of you? Anong pinag-uusapan niyo? Hon, come here. And you..." Ang tinutukoy niya ay si Harrison na natitigilan sa likuran ko. "Ang anak ko ang nilalandi mo kaya 'wag mong idamay ang asawa ko."
I gasped at what Simon had said. Nababaliw na ba siya?! Anong 'wag idamay ni Harrison ang asawa niya?! Anong tingin niya? Papatol ang binatilyong 'to sa gurang na tulad ko?!
"Naku, hindi po sir," agarang tanggi ni Harrison, umiiling-iling.
Amputa! Ang sakit naman nito, oh! Harap-harapan!
Sinamaan ko lang ng tingin si Simon. Natigilan naman siya at tumigil na sa pagsusungit sa binatilyo. Umiwas siya ng tingin sa 'kin, umaaktong nagtingin-tingin ulit sa blueprint na hawak niya dahilan para mapailing-iling ako.
"Pasok ka," anyaya ko sa binatilyo. "Should I call Selene? I'll go upstairs if you want."
Agaran siyang umiling-iling sa akin dahilan para matawa ako. No doubt, there's no assignments. He's just here to visit Selene.

YOU ARE READING
I Am You [COMPLETED]
RomancePauleen Arya Medrano and Maureen Asha Medrano are twin sisters, an identical one. Dahil sa isang aksidente, si Pauleen ay kailangang umakto bilang si Maureen, para sa naiwang pamilya nito. Will she be able to act accordingly as to what her twin told...