Kabanata 16: Nostalgic

4.2K 82 1
                                    

All rights reserved ©2016 by Lynne Rose

"The past should be your stepping stone, a lesson to learn, not a millstone to crush your ambition and you as a person." — Lynne Rose

Zara Amelia's POV

"Here's your drink, Sir." Pilit ang ngiting iniabot ko sa kanya ang kanyang inumin ng may pag-iingat na wag matapon sa kanyang mamahaling suit kahit na natutukso na akong gawin iyon.

Ilang beses na akong pinabalik-balik nito, at kung anu-ano ang hinihingi.

Napkin, tubig, snacks. Ngayon nama'y inumin. At pangalawang hingi na nito.

Medyo umalog ang pulang laman ng wine glass ng sadyang pinagsagi nito ang kanyang mainit na palad sa aking kamay.

At ngiting-ngiti naman ang gago.

Kala mo kagwapuhan! Di porke't mayaman, feeling naman si Leonardo Di Caprio na!

Nagtitimpi lang ako dahil intern palang ako sa Belmont Air, First Class flight. Mga mayayaman ang mga pasahero namin at valued customer.

Sabi nga ng head namin, kailangan we make them feel comfortable and happy. Kaya't kahit mangiyak-ngiyak na ako sa inis, pilit parin nakapaskil ang aking ngiti sa aking mga labi.

Panigurado pagbaba namin sa eroplanong ito, ang aking mga labi ay nangangapal na sa pagkakangiti ng pilit.

"Is there anything else, Mr. Wright?" tanong ko kapagkuwan, kinkontrol ang tonong huwag tumalim o tumigas.

Medyo malayo ang distansya ko rito para kahit papano, hindi nito mapansin ang paminsan-minsang pagtalim ng aking mga mata sa kanya.

Nasa edad kuwarenta na siguro ito.

"Ms. Hasting, where do you usually spend your time while waiting for your next flight?" may kahulugan ang pagtatanong nito.

May ngising nakaguhit sa makakapal nitong labi na may kaitiman at sigurado akong dahil sa sigarilyo.

Ang kanyang mga matang may kabilugan at itim na itim, parang hinuhubaran ako at duon ako lalong naiinis ngunit hindi ako makapalag.

"With my friends, Sir." Bahagyang tumalim ang aking praktisadong tinig, ngunit nakangiti parin ako.

"How about an invitation? I'm throwing a big party on my yacht after the exhibit. Bring your friends?" pag-aanyaya nito at hindi na nagpaliguy-ligoy pa.

Ang ngiti nito, nag-aanyaya pero hindi ko ito pinansin. I know what's happening sa mga ganyang party.

"I'll ask my friends, Sir," nakangiti paring sabi ko ngunit naghuhumiyaw ng paghinde ang aking isip.

Lalong lumapad ang ngiti nito. "Please call me Steve," sabi pa nito.

Tumango lang ako, ngunit hindi ko binigkas ang pangalan ng lalaki.

"I think the lady at the back needs me," agad kong pagpapaalam.

Ngumiti naman si Mr. Wright saka tumango. 

Agad naman akong tumalikod at naglakad papuntang pinakalikuran para hindi isipin ng lalaki na nagsisinungaling ako.

At habang mabagal na binabagtas ko ang pasilyo ng eroplano, nginingitian ko ang mga pasaherong aking nadadaanan at paminsan-minsan tinatanong kung may kailangan sila or komportable ba ang mga ito.

Nang sa wakas, wala na yatang mahingi si Mr. Wright, hindi na ito nangulit pa sa akin. Matiwasay namang nakarating kami sa France.

Tinutulungan ko si Mary; isang French-Canadian, sa paglilinis ng munting kusina o galley ng eroplano ng biglang may nagsalita mula sa aking likuran.

Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon