All rights reserved @ 2016 by Lynne Rose
|Zara's POV|
Lumipas ang mga araw at lalong naging mas possessive si Gabriel.
Hindi pwedeng hindi nito alam kung nasaan ako.
Hindi ako pwedeng lumabas na hindi siya ang kasama. Kailangan kasabay ko itong kumain pag break time at lunch. Minsan nao-awkward si Nica pero si Gwen carry parin, and Chinny doesn't care kasi she knows them naman, kalevel nila ito eh.
At siyempre, kailangang nasa praktis niya ako most of the time. Kahit pagtatrabaho ko medyo pinapaslow down na ako, kesyo daw siya magbabayad ng bills namin na laging nauuwi sa debate.
We argued most times lalo na sa mga bagay na iyon, ngunit ako lagi ang bumaba dahil mahal na mahal ko siya. I found out habang tumatagal na domineering talaga ito at pag nagalit, ang hirap paamuin.
Ako lagi ang sumusuyo rito. Siyempre mahal ko siya. Ako ang madali niyang mapaamo pero pag siya, mas matindi pa yata sa naglilihing babae. Daig pa ang dinatnan ng PMS. Minsan nakakairita, pero syempre walang patutunguhan ang relasyon namin kung lagi kong iniisip ang konting pagkakamali at laging isinasara ang isip ko sa positive sides naman nito.
Alam kong kapag parehong pinapairal namin ang aming pride,we wouldn't last.
Hays, hirap pala ng may boyfriend na lumaking spoiled. Kaya ayan tuloy, pag sinumpong ng pagtatampo, pati trabaho ko naapektuhan na. Minsan iniisip ko, siguro sinasadya nitong magtampo, upang magkaroon ito ng rason na mabawasan ang oras ng aking pagtatrabaho.
Hindi kaya iniisahan ako ng kumag na ito? Minsan naisip ko.
Kasi naman nuong isang araw, sumama ako kay Duff. Yung President namin kasi nagpapatulong, eh syempre scholar ako, kailangan kong mamaintain yung grades ko at kailangan din may extra curricular.
Tuloy nakalimutan kong may praktis ito at nakapagpromise ako, at dahil nawili sa pagtulong kay Duff, ayun nalate sa panonood.
Pagdating ko, sandamukal ang mukha nito. Kawawa mga teammates nito dahil panay ang siko niya, halatadong galit nga ito. Lukot na lukot ang mukha.
Naalala ko tuloy ang nangyari at hindi ko maiwasang mapasimangot.
"Hi, babe!" paglalambing ko ng matapos ang praktis.
Tiningnan lang ako nito ng masama. Tinawanan ko lang. "Sorry na," nakapout kong sabi, nagpapacute sabay bigay ng puppy dog eyes pero dyaske, ayaw talagang bumigay ang damuho.
Natatawa pa mga kaibigan nitong sila Jeron.
Binato niya ng bola ang mga kasama nito at nagtatawanang nilayasan nila kami sa may bench kung saan nakaupo ang mga players.
Nakatayo parin ako samantalang siya nakaupo habang natatagalan ito sa pag-alis ng sapatos nito. Ni hindi ako nililingon. Mukhang sinasadyang bagalan ang paggalaw.
Arrghh..
"Sorry naman na eh. Nagpatulong kasi si Duff na matapos yung tarpaulin," paglalambing ko. Pagkarinig nito sa Duff, tumingin ito sa akin na parang nag-uusig. Nginitian ko lang siya saka ako umusog ng konti para dumikit ang tagiliran namin.
"So inuna mo pala itong Duff?" hindi maitago ang iritasyon sa boses nito.
Nawala tuloy ang ngiti ko at umatras ako. Kahit na ngali-ngaling batukan ko ito, pilit ko paring itinatago ang iritasyong biglang bumangon.
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
RomanceWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...