Kabanata 27: Devil's Wrath

4.7K 97 1
                                    

All rights reserved ©2016 by Lynne Rose

"It was pride that changed angels into devils; it is humility that makes men as angels." — Saint Augustine

Ang malakas na hagikgik nito ay tila musika sa aking pandinig. Lahat ng sakit ng nakaraan at pinawi ang mga ilang taong pangungulila ko sa kanya.

Nakaone piece swimsuit ito ngunit hantad ang malakremang likod nito na walang kamantsa-mantsa. Ang kulay maroon nitong pangligo ay lalong nagpatingkad sa balat nitong tila gatas.

Humahalo ang lakas ng tawa nito sa motor ng jetski at ang along ng dagat.

Ang bilis nitong magpatakbo ng jetski at humahabol ako sa kanya. Paikot-ikot lang kami sa aking yate, at nasa laot kami.

Ang liit na nga ang isla Cabahan mula sa amin.

Palingon-lingon ito sa akin at nakatawang hindi humihiwalay ang aking sa kanya ng biglang bumaligtad ang motor ng iikot na sana siya.

Tumahip ang aking dibdib at mabilis na pinasibad ang jetski. "ZARA!" malakas kong sigaw na inilipad lang ng hangin.

Natatarantang tumigil ako at agad pinatay ang makina saka tumalon sa tubig.

Pakiramdam ko tumalon sa aking lalamunan ang aking puso.

Nakalimutan kong marunong na lumangoy si Zara.

Natatawang umahon ito mula sa tubig at saka halos maiyak na nilapitan ko siya at saka isang kamay yumakap sa kanya.

"Christ you scared me, baby!" humupa ang takot sa aking dibdib at nakahinga ng maluwag.

Natawa si Zara.

"I can swim, Gabby. My friends and I used to spend our day off while waiting for our next flight sa beach," natatawang paliwanag nito.

I sighed. Ayaw kong isiping lalake ang mga kaibigang kasama nito. And all these eyes ogling her while she's on the beach strutting with only two tiny pieces of fabric covering her.

Agad kong pinalis sa aking isipan bago pa man masira ko ang araw niya at saka pinatay ang jetski nito.

Kailangan kong pigilan ang masyadong pagkaseloso ko at baka tuluyang mawala ang kaisa-isang tsansa ko.

"Nag-alala lang ako. Nakalimutan kong you're a strong swimmer," mahinang saad ko at saka nginitian siya.

At kahit papano, lumaki ang aking dibdib dahil sa pagmamalaki para sa kanyang mga achievements sa buhay.

"Balik na tayo sa yate. Nagugutom na ako, saka nangangalay na ako," maya't-maya'y sabi nito na ikinatango ko.

May tatlo akong crew na naiwan sa yate. Isang namimiloto sa yate, at dalawang taga silbi at nagmimintena sa aking yate.

Sumakay kaming muli sa kanya-kanyang jetski at bumalik sa yate.

Inalalayan ko siya paitaas sa hagdanan paitaas.

Maya-maya'y pay magkaharap na kami sa pinakaitaas ng yate, sa pool deck at kumakain.

Nakalatag sa picnic blanket ang pagkaing inihanda ng aking empleyado malapit sa pool, at nasa ilalim ng shade.

Naglagay ako sa plato niya ng adobong baboy at kanin. Hiniwa-hiwa ko pa muna ang karne bago ibinigay sa kanya.

"I can do that," nahihiyang sabi nito.

"Okay lang para sumubo ka nalang. I'm happy to this little things for you," nakangiting tugon ko at nahiya namang tumango lang ito ngunit may ngiti sa labi.

Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon