Kabanata 12: Lying

81.1K 1.4K 38
                                    

All rights reserved @ 2016 by Lynne Rose

"I'm not upset that you lied to me, I'm upset that from now on I can't believe you." ― Friedrich Nietzsche

🌹🌹🌹

Gabriel's POV

"Alright," bumuntung-hininga ito ng malalim saka hindi lumilingong nagpapaliwanag. Hindi ko tuloy alam kung totoo ito oh hinde. Pakiramdam ko parang nagsisinungaling ito pero dahil sa bigat ng boses nito na parang iiyak, unti-unting natutunaw ang galit at selos na naramdaman ko. 

"I need to find another job, kaya ako andun sa Starbucks. Baka may spot sila at madagdagan ang kitain ko. Wala na kasing trabaho si nanay, at temporary lang naman ito hanggang sa makanahap siya ng trabaho," paliwanag nito ng hindi lumilingon saka yumuko. 

Sobrang bigat sa dibdib ko ang marinig itong nahihirapan. Pagkaliko ko sa subdivision kung saan ang bago kong condo, pumasok ako sa driveway saka tumigil sa mismong harap ng garahe. 

"Why don't you let me help you?" nanlulumo kong tanong. Tumingin ito sa akin, ang kanyang mga mata nagbabadya ng luha.

She shook her head as she looked down. "Mas lalo lang bababa ang tingin ko sa aking sarili, Gabby. Minsan pakiramdam  ko totoo ang mga sinasabi ng tao na baka nga security and habol ko sayo? I don't want to feel that. I want to feel na minahal kita dahil sayo, not because of your money, your status in life," medyo pumiyok na paliwanag nito. 

Pilit kong pinapatay ang inis na namumuo na naman sa aking dibdib. I don't know who's being unreasonable here. Ako ba o siya?

I just want the best for her, lalo na ang safety nito. I want her to concentrate din sa pag-aaral niya kasi alam kong iyon ang isa sa pangarap niya. 

"Let's get inside," pag-iiba ko ng topic. I pushed the sensor button, clipped on the visor above my head, and the gate opened. 

I want her to show her my place. 

"Ha? Kaninong bahay ito?" gulat nitong tanong ng pinaandar ko ulit ang sasakyan at ipinasok sa garahe.

"Mine," matipid kong sagot saka pinatay ang makina at lumabas na ng sasakyan. 

Nag-atubiling sumunod ito sa akin. Inantay ko siyang makarating sa tabi ko saka iginiya sa harapan ng condo ko. I punched in my unit code and then a click sound made me smile. I pushed the door open and welcomed her in before me, and then I closed the door behind me.

"Sayo ito?" hindi makapaniwalang tanong nito. Ngiting-ngiti namang tumango ako.

I wrapped my hands around her waist as I nuzzled her neck. "Yes. Regalo ng parents ko," saka ko siya inamoy-amoy. "I miss you so much," masuyo at naglalambing na turan ko saka siya iginiya sa living room. 

"Kompleto ka narin ng gamit?" namamanghang tumingin-tingin ito sa paligid. 

Ngumiti ako saka tumango. Pinagmamasdan ko lang itong nakatayo sa gitna ng maluwang kong living room habang namamanghang lumingon-lingon. 

"Do you like it?" tanong ko habang nakasandal sa black leather coach. 

Tumingin ito sa akin saka tumango. "It's beautiful kaso masyadong plain lahat. All black, gray, and white." Ngumuso ito na ikinatawa ko.

"Because, I'm a man. Pag pumayag ka ng pakasal, pwede mo na itong dekorasyonan," nangingiting sagot ko.

Kunot-noong lumingon ito sa akin saka lumapit at umupo sa tabi ko. "Ang babata pa natin para magpakasal. Tsaka hindi mo alam kung ako na nga ang gusto mong makasama pag dumating na tayo sa tamang edad?" taas kilay nitong wika.

Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon