Kabanata 10: His Friends

96.3K 1.5K 22
                                    

All rights reserved @ 2016 by Lynne Rose

"There is nothing better than a friend, unless it is a friend with chocolate." ― Linda Grayson

🌹🌹🌹

Zara Amelia's POV

"Salamat, Zara at pinaunlakan mo ang paanyaya kong makausap ka." 

Nakangiting pinaandar na ni Eva ang magara nitong sasakyan. Ngumiti lang ako sa kanya at nahihiyang umupo ng tuwid. 

Nakamaong pants lang ako na medyo luma na at baby blue na t-shirt na katamtaman ang hapit sa katawan ko. Samantalang siya, nakabestida ito ng hanggang hita lang  na kulay dilaw. 

Napakasosyal parin nitong tingnan kahit hindi ito masyadong naka-makeup. Maputi kasi rin ito at dahil nga hindi nababad sa araw at sa trabaho, pino ang kutis nito at ang puti ay flawless hindi tulad niya na mamula-mula dahil sa araw at ang kutis niya, medyo may kagaspangan dahil wala naman siyang pambili ng lotion para araw-araw gamitin.

"Kumain kana ba?" tanong nito kapagkuwan.

"Oo," kiming sagot ko.

"Sa Starbucks tayo, okay lang ba sayo? Hindi pa kasi ako nag-agahan eh,"

"Okay lang," sagot ko naman.

"Nasabi naba sayo ni Gabriel kung anong plano niya sa birthday niya?" tanong nito after a long silence. Pinasok nito ang sasakyan niya sa parking lot ng Starbucks.

"Wala naman siyang nababanggit," medyo nahiya ako dahil wala talagang nabanggit si Gabby.

"Gusto ka sigurong sorpresahin," umiiling-iling na sabi ni Eva. Tumango nalang ako dahil wala akong alam isagot dito.

"Kaya siya naman ngayon ang sosorpresahin natin. Since magiging busy ito sa liga this Christmas, yun din ang time na guguhulin natin para iprepare ang birthday party niya. Sosorpresahin natin siya," excited na sabi ni Eva. Naexcite din ako.

Medyo nahiya ako dahil nuon ang pangit ng tingin ko kay Eva. Hindi pala ito snobbish tulad ng pagkakakilala namin. Buti pa ito dahil pinahahalagahan nito ang kahit na anong bagay na patungkol kay Gabby samantalang ako, ni birthday niya hindi ko alam. Di ko rin naisip na itanong kung kelan.

"Halika," lumabas na ng sasakyan si Eva kaya sumunod narin ako. Inilingkis pa nito ang kamay niya sa akin at parang magbestfriend kami nito dahil sa ginawa niya at magkasabay kaming naglakad papuntang entrada ng Starbucks. Nakangiti pa ito ng maluwag at medyo nawala narin ang asiwang nararamdaman ko kanina. Nakakahawa din kasi ang enthusiasm nito.

"Hanap kalang ng mauupuan natin at ako na ang oorder," sabi nito na biglang kong ikinatingin sa kanya.

Naalala ko, may konti akong pera sa wallet ko. Binuksan ko ang sling bag kong dala ngunit pinigilan niya ako.

"Ako na, Zara," nakangiting sabi nito. "I know you're working hard, please just let me pay para makabawi ako sa pang-iistorbo sayo," dagdag pa nito at ngumiti ito ng matamis.

Nahihiyang tumango nalang ako. "Salamat," wala sa sariling sabi ko.

Iwinasiwas nito ang kamay. "Sus, wala yon," umiling pa ito. "Anong gusto mo?" kapagkuwan, tanong nito.

"Ah, eh," bigla akong napipi dahil wala akong alam sa menu sa starbucks. Biglang lumipad ang tiningin ko sa taas ng counter kung saan ang barista at tumingin sa digital display ng mga menu drinks nila. Ngunit hindi ako sigurado kung ano ang masarap. Marami kasi ito at mukhang lahat masarap.

"How about, I'll surprise you?" parang nakuha agad ni Eva na wala nga akong ideya.

Tumango ako saka ngumiti. "Please," nahihiyang sabi ko at tumango ito.

Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon