All rights reserved ©2016 by Lynn Rose
"Often people that criticise your life are usually the same people that don't know the price you paid to get where you are today. True friends see the full picture of your soul." ― Shannon L. Alder
🌹🌹🌹
Zara Amelia's POV
I lazily watched the heavy raindrops, pelting down the roofs, the winds whipping mercilessly against the window.
It was Saturday, and I was supposed to work, but I was stuck here in our apartment since I can't go out. The road was disaster after the typhoon Mameng hit Manila last night and until now, the rain never seems to dwindle.
Mabuti nalang may kataasan ang sa kanila kung hinde, sobrang baha din sa kanila. Ilang bahagi na ng metro manila ang nabaha mula sa radyo kanina.
"Anak," boses ni nanay. Mabilis akong umalis sa harap ng bintana at pinuntahan ito sa kusina. Nakapajama pa si nanay at mukhang pagod na pagod ito.
"Okay kalang, nay?" tanong ko. Mukhang ang tamlay kasi nito. Buti nalang hinatid siya ng driver ng mga Latsis kagabi bago dumating ang bagyo saktong hating-gabi.
"May nararamdaman ka po ba, nay? Ang tamlay mo kasi," hindi ko mapigilang mapansin.
Umupo ako sa katapat niyang upuan. May pritong kanin, itlog, at leftover na pinakbet mula kagabi.
Ngumiti ng tipid si nanay. Pinapakiramdaman ko ito habang sumasandok ito ng kanin.
"Nay, kumusta na ho ang pakiramdam niyo? Inaatake po parin ba kayo ng sakit niyo?" tanong ko. Kumunot ang noo nito at napangiting tumingin sa akin.
"Anak, okay na ako," pagsisigurado nito ngunit parang hindi ako naniniwala. Tumango lang ako.
"Kumusta ang pag-aaral mo?" tanong niya.
Inalis ko ang tingin ko sa kanin na sinasandok ko at inilipat sa kanya. Sumusubo ito habang nakatingin sa akin. "Okay naman po, nay. Wag po kayong mag-alala, nay. Pipilitin ko pong maging Valedictorian para makakuha ng scholarship sa college abroad."
Ngumiti si nanay habang tumango-tango. Nababanaag ko sa kanyang mga tsokolateng mga mata ang pagmamalaki sa akin. Nabuhay na naman sa puso ko ang pagnanais na maihango kami sa kahirapan. Maibigay sa kanya ang buhay na pinapangarap nito.
Naramdaman ko na naman ang luhang gustong kumawala. Tuwing nakikita ko siyang nahihirapan sa pagtatrabaho kahit na may sakit ito, sige parin, lalong tumitindi ang pagnanais kong makatapos agad at makahanap ng magandang trabaho at bigyan siya ng magandang buhay.
"Anak," panimula ni nanay. Tumaas ang tingin ko sa kanya mula sa kanin. Parang nag-ilap ang mga mata nito ng sinalubong ko. "Pinagretiro na ako ng mga Latsis, pero wag kang mag-alala, tuloy parin daw ang scholarship mo." Parang nahihiyang tumingin sa akin si nanay.
Parang nabulunan ako sa narinig. Kinuha ko ang tubig ko saka ito tuloy-tuloy na nilagok. Parang mangiyak-ngiyak si nanay na nakatingin sa akin.
"Okay lang, nay." Ngumiti ako ng malapad sa kanya kahit na nagsisikip ang puso ko sa nakikita kong paghihirap sa mukha ni nanay. Hindi narin ako nagtanong kung bakit bigla siyang pinagretiro dahil ayaw kong isipin niyang pati ako naaapektuhan. Now, I really need to get more hours sa trabaho ko at baka pati ang pagtutoring siguro kukunin ko narin.
"Wag kang mag-alala anak, maghahanap ako ng trabaho," ngumiti si nanay habang kinuha ang isa kong palad na nakapatong sa mesa at ginagap ito at pinisil-pisil. "Pasensya kana, ha? Pati ikaw nahihirapan," kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata at alam kong pilit nitong nilalabanan ang pag-iyak sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
Storie d'amoreWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...