Kabanata 30: Just Give Me A Reason

88.3K 1.7K 35
                                    

All rights reserved ©2016 by Lynne Rose

Just give me a reason

Just a little bit's enough

Just a second we're not broken just bent

And we can learn to love again

It's in the stars

It's been written in the scars on our hearts

We're not broken just bent

And we can learn to love again

Just Give Me A Reason

(I was listening to this while writing this part ...)

🌹🌹🌹

Zara's POV

Gabby left to work and I'm alone again. He would come home at lunch, but today, he's in an emergency meeting. 

Ang aking kaibigang si Julius naman, hindi parin bumabalik mula sa business trip. 

Nakausap ko narin si daddy bago ito natulog at may trabaho na daw ulit ang aking kapatid. 

Si Rosette at ang asawa nitong kaibigan din ni Gabby na si Julius ay nasa Paris for their honeymoon. Kaya wala na akong makausap at kanina pa ako bored na bored dito sa kwarto ni Gabby. 

Mula ng araw na iyon, napagdesisyonan kong hindi bibitaw sa kanya. Nanalo ang aking galit para kay Eva. At hindi ko pinaniwalaan ang sinabi nitong buntis ito. Kumapit ako sa sinabi ni Gabby na imposibleng kanya ang bata.

Kahit gustuhin man ng konsensya ko, ang buong puso ko ay ayaw din magbigay. Iniisip ko palang, parang tinatadyakan na ako ng milyo-milyong kabayo ang dibdib ko. 

Bakit ganun nalang magpalit ang puso ko? 

Dati, galit ako sa kanya. Hindi ako magdadalawang isip na wag siyang balikan. Pero ng makita ko siya, ang puso ko, biglang naging traydor. Ngayon, hindi ko siya kayang iwanan. Parang unti-unting namamatay ang isip at puso ko. 

At ang larong iniisip ko para saktan din sila, tuluyang nawala na sa aking puso at isipan. 

Hindi ko pala kayang lokohin si Gabby. 

Nakita ko naman na bumabawi siya. At bumalik ang dating Gabby na minahal ko. Maalaga, maaalahanin, at mapagmahal.

Wala sa sariling napapabuntung-hininga nalang ako.

Ibinaba ko ang mga nobela ni Martha Cecilia na may titulong Ang 'Ang Sisiw at Ang Agila'. Nakailang ulit ko na itong binasa, at ang iba pang libro ng Kristine series.

Napatingin din ako sa ilang pirasong mga historical romances na nakapatong sa ibabaw ng center table dito sa sala. Lahat ng iyon, tapos ko na.

Bumili ako ng mga iyon ng minsang dinala ako ni Gabby sa mall, at duon ko gustong magshopping sa National bookstore. 

Naging libangan ko tuwing umaalis ng opisina si Gabby, at ayaw ko rin namang pumunta ng opisina niya at baka maging pagulo lang din ako. Kahit papano, hindi naman ako nainip sa condo dahil nga sa mga binabasa ko, at minsan, kausap ang ama at ibang mga kaibigan ko sa facebook. 

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa sofa at pahinamad na tumayo at saka naglakad patungong kwarto ko. Nag-uumpisa na akong mabored.

Lalabas ako ngayon at magpapahangin. 

Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon