"Magandang hapon po, Aling Magda. Andito po ba si Gabby?" Tanong ko sa mayordoma nila Gabby. Simula nung gabing iyon hindi na talaga ako tinetext or tinawagan man lang.
Diko alam kung wala na kami o nagpapalipas lang ito ng galit.
Pero mag-iisang buwan na siyang di nagpapakita. Kahit sa school, hindi ko narin nakikitang pumapasok.
Andyan na naman ang lakas ng pintig ng aking puso. Ang sakit na na tila hinihiwa literal ng kutsilyo, saka binabad sa suka at dinikdik pa ng asin.
Kumurap-kurap ako para mapigilan ang pagdaloy ng luha. Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. Sumasabay ang aking lalamunan dahil sa mga magkakahalong mga emosyon.
"Ah, wala siya anak eh. Hindi ba siya pumasok?" magkakasalubong ang mga kilay ng mayorodoma nina Gabby. Lalong dumami ang mga kulubot nito sa gilid ng mga mata at sa noo.
Umiling ako. Ramdam na ramdam ko ang pagbalot ng lungkot sa aking buong pagkatao.
Nakatingin lang sa akin si Aling Magda na para bang nag-iisip. "Ay ganun po ba, aling Mameng. Saan po ba sya?" Tanong ko ulit, pilit na pinapasaya ang aking tono. Kahit ang aking boses, pinipigilang huwag mabasag.
"Di sinabi eh, anak." Napakamot sa batok ang matanda at hindi ko na ito kinulit.
Ngunit biglang nakarinig kami ng ugong ng sasakyan na palapit sa amin.
Lumingon ako sa aking likuran, at rumagasa ang kaba at kasiyahan sa aking katauhan. Nakita ko ang pulang bagong sports car na parating.
"Oh, ayan na pala siya." masayang sabi ni Aling Mameng.
Awtomatikong tumabi ako. Niluwangan ni Aling Magda ang pagkakabukas ng pagkalaki-laking gate nila para makapasok ang pulang sports car nito.
Nakita ko agad ang kasama nitong napakagandang babae na nasa tabi niya, dahil nakabukas ang bintana ng sportscar nito.
Tila tinarak ng punyal ang aking dibdib. Mabigat at naninikip. Pakiramdam ko, naninikip ang aking paghinga dahil sa sobrang sakit at pagseselos.
Naramdaman ko ang luhang gustong kumawala. Ang bilis ng kabog ng aking puso, at pakiramdam ko, ako'y nabibingi. Pilit kong pinatatag ang aking sarili kahit na kumikirot ang aking puso.
I need to talk to him.
Sabi nga ni Gwen, perhaps I needed a closure.
Ngunit naghuhumiyaw sa aking puso ang matinding pagtanggi.
Pagkapatay ng sasakyan sa tabi ng iba pa nilang sasakyan, agad akong humakbang palapit. Determinadong makausap siya, once and for all. Ngunit umaasa parin naman ako na sana'y makapag-usap kami at malinawan ang lahat.
At sana... sana'y bumalik ang dati sa pagitan namin. Kahit na alam kong imposibleng mangyari pa iyon.
Natigil ako sa paglapit ng bigla itong magsalita sa malamig at nanunuyang tono. "Pakisara na po ang gate, nanay Magda, at maraming pulubi ngayon na pakalat-kalat," pasaring nito, sabay baba ng sunglasses at tiningnan lang ako ng matalim at parang nandidiri siya sa akin.
Ang sakit sa dibdib na marinig dito ang mga salitang iyon, lalo na ang dating masuyong tingin nito sa akin ay tuluyan ng napalitan ng pandidiri, ng pagkasuklam. Pero pilit kong iginigiit sa aking isipan na galit lang ito kayat nasabi niya ang mga katagang iyon.
"Yeah. You're right darling. These beggars these days are too shameless." Maarteng pagsegunda naman ng babaeng kasama nito. At saka ako binigyan ng babae ng nagdududang tingin.
Hindi ako umiwas ng tingin, nakatitig parin ako sa kanila. Kay Gabby na at panay ang aking paglunok. Nilulunok lahat ng kahihiyan dahil mahal ko siya. At ako ang nagkamali. Kung hindi sana ako nagsinungaling, kung sana... sana...
Huminga ako ng malalim at pilit na pinipigil ang pagbalong ng aking mga luha.
Sana'y kami parin hanggang ngayon.
"Come on. Let's go in, babe!" turan ni Gabby at binigyan ako ng isang titig, at hindi ko mabasa ang nilalaman ng mga nasa mata niya, ngunit kita ko ang tigas ng kanyang mukha na nagsasabing nasusuklam ito sa akin. Inabot nito ang kamay ng dalagang kasama, at saka magkahawak kamay na tumalikod na.
Kahit parang sasabog na ang aking dibdib, mabilis kong tinawag ulit siya sa malakas na tinig. Gusto ko paring marinig mula sa bibig nito kung wala na talaga kami, kahit sobrang sakit na.
Sabi nga, para may closure, kahit na nagdurugo na ang puso ko.
"Gabriel," tawag ko sa matatag na boses at napatigil naman ito. Pilit nilulunok ang takot at sakit na ngayo'y unti-unting kumakain sa aking sistema.
"Pasensya na anak, pero kailangan ko ng isara tong gate." Nagpapaumanhing sabi ni aling Magda ngunit inignora ko lang ito.
"Gabriel please, mag-usap naman tayo?" Pagmamakaawa ko, hindi na alintana ang kahihiyang kalalabasan nito pagkatapos.
I felt desperate, but I felt like dying if I couldn't clear things out with him. I want him back, to be honest.
"Who's that?" narinig kong tanong ng babaeng kasama niya.
"Just some whores who can't get enough of one night!" Mapait niyang saad at tila ako binuhusan ng isang dump truck na kutsilyo at nagdulot ito ng matinding kirot sa aking buong pagkatao, tumatagos hanggang buto.
Ramdam na ramdam ko ang galit at hinanakit sa boses niya, at tumatagos iyon sa aking buto at pinanghinaan ako.
Nahaluan ng galit ang sakit na aking nararamdaman.
Umiiling at tila baliw na sarkastikong tumawa.
At naniwala pa siya sa kanyang mga demonyong kaibigan.
Wala sa sariling napasigaw ako. "Wala akong kasalan—"
Pinutol ng maawtoridad nitong tinig ang aking mg sasabihin. "Pakisara nalang ang gate, nanay Magda. Wag papasukin ang pokpok na yan!" Malakas at mariin nitong utos, na ikinasabog na ng nararamdaman kong sakit.
Sabay-sabay na nagtuluhan ang mga luha ko habang pinapanood silang dalawa na pumasok sa loob ng hindi man lang lumingon muli.
Sa nanlalabong paningin, pinanood ko ang kanyang likod, tuluyang isinara ang anuman sa pagitan namin.
"Pasensya na, anak." halos maluha-luhang turan ni Aling Magda, na nakatitig sa akin ng puno ng awa sa mga mata.
Tumango na lamang ako.
Wala na akong lakas para magsalita.
Matagal ng nakasara ang bakal na gate, ngunit nakatitig parin ako rito habang panay ang pag-agos ng aking mga luha.
"Wala akong kasalanan," mahinang hikbi ko.
"Akala ko mahal mo ako?" basag ang boses na usal ko sa kawalan. Halos hindi na ako makahinga dahil tila pinipilipit pati ang aking lalamunan sa sobrang sakit. Tila may bakal na nakahawak sa aking puso at pinipilipit ito ng mahigpit. "Pero pinaniwalaan mo ang mga kaibigan mong manloloko. Magsama-sama kayo!" Tuluyan na akong napahagulgol, at tila kandilang nauupos akong napaupo sa maduming semento, at ngayon ay nakasalampak sa gilid ng saradong gate nila.
Pagkaraan ng ilang minuto, tinuyo ko ang mga basa kong mga mata gamit ng likod ng aking kamay.
"This will be the last time I will shed tears to a man." Tumiim ang aking panga na nausal ko sa aking saloobin. "I will never trust anyone again."
Oras na para kalimutan ang lahat at mag-umpisa muli.
Kailangan kong makagraduate ng valedictorian para makuha ang scholarship at makapag-aral ng kolehiyo.
Life must go on.
And without a second glance, I left the place, with me heart filled with hatred, grudges, to the point it felt numbed.
.................
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
RomanceWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...