All rights reserved ©2016 by Lynne Rose
"Tears are words the mouth can't say nor can the heart bare."
― Joshua Wisenbaker
🌹🌹🌹
Gabriel's POV
"Hey," narinig kong tawag ni Jeron pero hindi ako nag-atubiling tumingin rito. Katatapos lang ng laro namin at kahit pagod na pagod na ako, hindi parin ako tumigil hanggang sa hindi na kaya ng binti ko.
Nakatalungko ako habang nakatitig sa sahig.
Kahit anong gawin kong pagbura sa imahe nilang dalawa ay parang sira itong plakang paulit-ulit na naglalaro sa aking isip.
Parehong hubad na magkayakap at mukhang katatapos lang sa kanilang kahayupang ginawa. Hindi ko kailanman naisip na magagawa niya ito sa harapan ko mismo at sa kaarawan ko pa.
Son of a bitch!
"Andyan si Zara. Kanina pa nagmamakaawang kausapin ka," medyo mahinahong sabi ni Jeron. Saka ako tumingala at wala sa sariling tiningnan siya.
"I don't want to see her, neither want to talk to her!" galit kong asik at marahas na tumayo saka dire-diretsong nagtungo sa locker.
Dali-dali akong nagshower at nagbihis, saka dumaan sa likod ng gym upang maiwasan kong makita siya.
Baka hindi ako makapagpigil, masaktan ko siya. Sa oras na ito, gusto kong pumatay ng tao.
Parang nawalan ng kulay ang mundo ko. Para akong pinatay. Sa ginawa niya, tila pinatay narin niya ako.
My phone rang at ng tingnan ko, it was her.
I turned my phone off. Kahit ang mga text nito, nagpapaliwanag siya, hindi ko pinansin.
It's been three weeks pero sobrang sakit parin. Parang nakatatak na ito sa puso ko at isipan.
Tuwing naririnig ko ang pangalan niya, naglalaro naman ang hubad nilang imahe sa isipan ko, bumubuhay sa matindi kong galit.
Pinatawad ko siya sa pagsisinungaling niya. Pero ang makitang...
FUCK! pinagbabayo ko ang manibela dahil sa matinding galit... at sakit. Bakit ganito kasakit? Bakit hindi naghihilom. Kahit mabawasan man lang ng kaunti.
Animo'y lumalaki ito habang lumilipas ang araw.
At tulad ng mga nakaraang araw, uuwi ako ng mansyon at mag-iinom hanggang sa makatulog ako.
Hindi na ako bumabalik sa condo simula ng pinuntahan ako duon.
Minsang pinuntahan ako, hindi ko siya pinagbuksan. At rinig na rinig ko ang iyak nito mula sa likod ng aking pintuan.
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
Roman d'amourWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...