Kabanata 20: Boomerang

94.6K 1.9K 77
                                    

All rights reserved ©2016 by Lynne Rose

"A people without the knowledge of their past history, 

origin and culture is like a tree without roots." 

— Marcus Garvey

🌹🌹🌹

Gabriel's POV

Tuwid na tuwid ang likod nito kahit balikat, at nasasaktan ako ng hindi ko mawari. Ramdam na ramdam ko kasi ang galit ni Zara, and that is what bothering me. Ako ang dapat na may karapatang magalit.

She lied to me and she cheated on me. She betrayed my trust.

At ano ngayon at ito ang umaaktong tila nasaktan? 

But why do I feel like I did something wrong? Na parang ako ang may kasalanan and I feel somewhat guilty. At kung bakit nasasaktan din ako sa nakitang kong sakit na dumaan sa mga mata nito?

Nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga. Ilang oras palang kaming magkasama, and I'm changing heart. 

Get your shit together, Gabby!

Hinamig ko ang aking sarili. Pilit isinisiksik sa aking isip na wala na akong pakialam kay Zara. At nasasaktan ako dahil sa ginawa nito sa akin.

And that's all it is. 

Humabol ang aking tingin sa kanyang makurbang likod. May mga buhangin pang nakadikit sa itim nitong shorts, at wala sa sariling napapangiti ako.

"ZARA!" malakas na tawag sa pangalan nito at hagikgik ng isang babae ang tumawag ng aking pansin. 

Nang tumingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses, isang matangkad na babae, na halos kasing-tangkad ni Zara ang tumatakbo palapit sa dalaga.

Maganda rin ang hubog ng katawan nito na hindi naitago sa puti nitong damit na hanggang tuhod. 

May itim itong buhok na bumagay sa maliit nitong mukha. 

Nagyakapan ang dalawa habang palapit ako at nakita kong nakasunod din ang aking mga kaibigan, at iba pang mga bisita na ngayon ko lang nakita. 

Markos is not here today. Baka nasa Greece pa iyon. Ang gago, wala na akong balita sa kanya.

Bumalik ang tingin ko sa dalawang magkaibigan na nagtatawanan habang nagkukumustahan, lalo na kay Zara. Napansin kong malapit ang dalawa sa isa't-isa. And they contrast. From skin to hair. Nagkukulay mais na buhok ni Zara kumpara sa itim na itim na buhok ng kaibigan nito. Malaporselanang puti ang kutis ni Zara at Morena ang isa.

"Hey, bro!" Julius walked over to me na siyang nagpabaling ng aking paningin palayo sa dalawang dalaga, and returned Julius' hug.

"Babe," tawag nito sa babaeng nakaputi. 

Ang lapad ng ngiti nito ng lumapit kay Julius. Hinapit nito sa beywang saka inumpisahang ipinakilala. "Gabriel, this is my fiancee, Rosette Guilliermo,"  saka ito bumaling sa dalaga with his eyes of that love-struck fool, "babe, this is the high and mighty, Gabriel Sean Montevares," saka ito ngumisi ng nakakaloko sa akin. 

I scowled at him playfully at lalong natawa ang mga kasama namin. 

Rosette smiled sweetly as she proffered her dainty hand. "Hi! Nice meeting you, Gabriel," she smiled sweetly and I just nodded. And forced a small smile as I took her hand and shook it briefly.

"A pleasure to meet you, finally," tugon ko as I released her hand, then cocked an eyebrow at Julius na ikinatawa lang nito. 

Rosette looked up at him, and gave him a sweet fondly smile before returning it to me. 

Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon