Kabanata 17: Déjà Vu

4K 74 1
                                    

All rights reserved ©2016 by Lynne Rose

"What do we call this moment? A serendipity mixed into a nostalgia mixed into a deja vu mixed into an epiphany!" ― Avijeet Das

Zara's POV

Nasa harap na kami ng Vie Nocturne Bar. Sa harap palang, nagkikislapan na ang iba't-ibang kulay ng lighting. May mahabang pila ngunit sabi ni Mary, nakabooked na siya before then. Kilala pala ang bar na iyon kaya't dinadagsa ng customers.

Agad naman kaming pinapasok.

I was hoping a busy room, tulad ng bar na napuntahan ko na ngunit taliwas sa ineexpect ko. Oo nga't maraming tao, pero hindi ito nagsisiksikan. Or maybe we are early?

Medyo hindi rin maingay pa ang tugtog pero may ilang parehang nagsasayawan sa gitna.

Sinundan namin si Mary na dumiretso sa bar counter. Parang sanay na sanay ito sa area.

"Let's forget about our problems tonight," sabi nito saka hinarap ang bartender na lalake na may konting balbas sa baba. May itsura ito at matangkad.

Agad siyang umorder ng inumin. Umorder din ako ng French Quarter Martini. Pareho kami ni Ysabel.

Pagkakuha naming ng aming mga kanya-kanyang drinks, itinaas ni Mary ang kanyang Vodka.

"Laissez Les bons temps rouler!" Let the good times roll!

Sinundan namin ang sinabi nito sabay kumalansing ang aming mga baso.

Napangiti ako ng dumaloy ang lasa ng alak sa mula sa dila pababa ng aking lalamunan. It was sweet, fruity but with a punch.

"You look lovely in that green dress," komento ni Mary sa akin at pinaraanan ang aking katawan ng kanyang asul na mga mata. Isa sa dalawang damit na nabili ko sa boutique kanina na kasama sila.

"I knew it would make her pop out the color of her eyes once she wears it," sabi ni Michelle.

Siya nga ang pumili nito. Medyo hesitant ako nuong una dahil hanggang binti ko lang ito. But I was wearing a black leggings dahil maginaw sa labas. Nakalugay din ang aking buhok na lagpas balikat. Nag effort din akong magmake-up making my eyes smokey.

Who knows, may makakapagbuwal ng toreng nakapaligid sa akin. At baka muling tumibok ang aking puso.

"Thank you," nakangiting sabi ko kay Michelle at Mary.

"Don't waste that beauty with Miguel," sabi ni Mary kapagkuwan na ikinatawa namin.

"Oh, never cross my mind," nakatawang sagot ko.

Paunti-unti akong sumisip-sip ng aking martini. Samantalang paubos na ang mga inumin ng aking mga kasama.

"Good," si Mary. Umikot ito upang mag-order muli ng Vodka cocktail sa bartender na nakatoka.

Nakapagitan ako kina Mary at Ysabel. Si Michelle nasa kabila ni Ysabel.

Pinapanood namin ang mga naggigilingan sa gitna. Ang musiko, medyo nagiging malakas na at wild. Habang gumagabi, nakakailang baso narin ako ng martini, pero aware pa naman ako sa nangyayari.

I was sipping my martini when my eyes caught the sight of one our pilots over the rim of my martini glass.

Lumapit ito sa amin at may maluwang na ngiti.

It was Lucas Walker. Nasa early 30's ito. Tall, handsome at kulang nalang dark skin. But, he's also a well known heartbreaker. Matso rin ito. Tipong bad boy look.

Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon