Kabanata 1: Where It Started

191K 4.5K 134
                                    

All rights reserved ©2016 by Lynne Rose

Zara Amelia's POV

           Mula sa classroom namin, naririnig ko ang mga halakhakan ng grupo nina Gabby. Isa lang naman siya sa pinakagwapong varsity player at captain pa ng Latsis Elite High School basketball team.

Siya si Gabriel Sean Montevares, ang lalaking nakakuha ng aking atensyon. 

Kasama niya ang mga kapwa nitong nagsisigwapuhang mga basketbolistang kaibigan din. Wala kang kapit-kabigin sa kanila dahil pare -parehong silang mga malalakas ang appeal. Ngunit para sa akin, si Gabriel and pinakagwapo sa lahat at pinakamabait pa.

Wala pa kasi akong naririnig na binubully nito, malayong-malayo sa pinsan niyang si Tristan Montoya sa Montoya Exclusive High School. Kalaban ito ng Latsis  Elite High School, na laging laman ng magazines, at kahit anong skul kilala sa pagkababaero at mayabang.

Hindi ko maiwasan ang mapabutung-hininga, saka maglumikot ang aking imahinasyon. Kung saan dito ko lang nayayakap si Gabby. Naaamoy ang napakaswabe nitong pabango, at syempre boyfriend ko daw siya, pero hanggang isip-isip lang.

Dahil alam kong hindi iyon mangyayari kahit kailan. 

Kailan pa nagtagpo ang langit at lupa? 

Dahil sa totoong buhay, hanggang ngayon, sila parin ni Evangeline Chi. Anak rin ng isang milyonaryo, at nababagay sa kanya. Cheerleader at queen bee ng aming skul na pag-aari ng pamilya nina Luke Markos Latsis, anak ng isa sa pinakamayamang tao sa mundo.

Si Andreas Latsis,  CEO ng Latsis Shipping Corporation na nakabase sa Greece. At ang amo ng aking ina. 

Si Gabriel ay nag-iisang anak naman nina Angelina na dating beauty queen at ang ama nitong si Guizmundo Montevares na may lahing espanyol. 

May ari ng Montevares Airlines at stockholders ng 80 porsyento ng businesses dito sa buong Pilipinas. From electronics to clothing line, food, gas, name it. Kahit anong produkto nakakabit ang pangalang Montevares.

"Hay. Ang sarap mangarap," mahinang napabuntung-hininga ako. "Kung maabot lang sana ang pangarap ng walang kahirap-hirap," napapailing na sambit ko saka humalukipkip. Umiling-iling ako saka hinamig ang aking nawawalang sarili na naman, at nagtuluy-tuloy na sa paglalakad, papunta sa mga kaibigan kong naghihintay na sa akin sa lobby.

Nadaanan ko ang grupo ni Evangeline kasama ng mga malditang alipores niya na sina, Margot, Lillian, at Grisel. Mga cheerleaders ng LEHS. Mga pawang magaganda at sikat rin. 

At dahil anak mayaman, sinalo na lahat. Kagandahan, kaartehan, at kasungitan.

Konti lang ang mga anak mahirap dito sa LEHS. Ang mga mahihirap na nandito ay mga pawang scholar lamang.

Pribado ang LEHS at tulad ng MEHS, may kaya ang mga estudyanteng nag-aaral dito. Tila dito lahat natapon ang mga mayayamang anak ng mga taong kabilang sa mga matataas na antas ng lipunan.

Kung hindi dahil sa katulong si mama sa bahay ng mga Latsis, di ako makakapasok sa eskwelahang ito kahit na matataas pa ang aking mga grado.

Sapilitan din akong pumasok sa eskwelahang ito dahil sa benepisyong makukuha kung sakaling makagraduate ako ng valedictorian. 

May recommendation na makukuha para makapasok sa University sa Greece na pag-aari din ng mga Latsis, at full scholarship pa, kasama na books at allowance.

Pangarap ko talaga yun para naman maiahon ko na si nanay sa kahirapan.

"Amy, dito!" Narinig ko ang boses ni Chinny malapit sa entrance door. Nakangiti silang tatlo habang nakahalukipkip sila. Siguro kanina pa nila ako inaantay.

Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon