Kabanata 8: Matampuhin

97.5K 1.7K 38
                                    

All rights reserved @ 2016 by Lynne Rose

"Yung lalaking sobra kung maglambing at mangulit e sila pa pala yung sobrang sensitive at matampuhin." — Unknown

🌹🌹🌹

Gabriel's POV

Nag-unahan ang mga kasama ko na umupo pagkatapos sabihin ni coach na pwede na kaming magpahinga pagkatapos ng isang oras na paglalaro. Nakita kong palapit si coach sa akin kaya tumayo naman ako ng maigi habang ang bola kipkip ng isa kong kamay sa aking tagiliran. "What's bothering you, Gabriel? You look bothered and unattentive!" panimula nito pagkalapit sa akin.

"It's nothing, coach!" umiling kong sabi. 

Tumango si coach pero hindi maitago sa mga mata nito ang hindi paniniwala sa akin. 

"Whatever bothers you, you need to shake it off when you're in the ring, Montevares. We need you, otherwise, matatalo ang team natin against MEHS," warning ni coach before he slugged my shoulder softly and then pivoted, and headed to his mini office at the very back of the gym. Kung saan din ang storage area sa lahat ng equipments para sa kahit na anong sports.

I watch his back as he walks away and then veered into the hallway. 

"HEY! KAY GABBY YAN!" nagtitiling boses ni Eva ang nagpabalik sa tingin ko sa mga kasama ko. Natatawang tumakbo si Markos. 

Iiling at natatawang sinusundan ko sila ng tingin habang papalapit ako sa grupo sa bench. Nakaupo din si grisel at Margot sa pagitan nila Julius at Richard. Si Jeron at Vance, panay tawa habang kumakain ng dalang pagkain ng mga babae. Nakacheering uniforms pa ang mga ito.

"Hindi si Gabriel lang ang andito," tawa ng tawang sabi ni Markos habang tumigil ito sa harap ko. Umiling ako. Tumigil din si Eva sa harap ni Markos ng nakapameywang. 

"Here, Gab!" paglingon ko kay Vance, saka nito itinapon sa akin ang isang gatorade. Mabilis ko namang binitawan ang bola at hinuli ang bote sa ere. 

Pagkabukas ko ng lid, nilagok ko agad ito. Ang sarap sa pakiramdam ang lamig na dulot ng drinks. Nang mangalahati ako, nakita kong pilit inaabot ni Eva ang supot ng treats ata at dahil matangkad si Markos ng ilang pulgada, hirap na hirap si Eva sa pag-abot. Inabot ko ito para sa kanya. 

"Hey!" natatawang saway ni Markos sa akin.

Umiling lang ako. "Thanks, my love!" ngingiting sabi nito na ikinailing ko lang. 

"You look like a lost pup?" paglapit ni Markos sabay patong ng kamay magkabilang balikat ko. "Penny for your thoughts?" ngingising tanong nito.

"Shut up, Luke Markos!" naiiling kong sabi sabay alis ng kamay nito sa balikat. 

"Siguro nag-away na naman sila yan ni Zara kaya ganyan yan," napabaling ako kay Jeron na ngingising nakatingin sa amin. Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin ngunit inignora lang nito.

"Ang sabihin mo, baka hindi pinagbigyan ni Zara," natatawang komento ni Vance na lalong ikinatawa ng lahat.

Umiling-iling akong umupo sa bench at kinuha ang duffel bag kong hindi ko kanina nailagay sa locker dahil sa late na ako sa praktis. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan, nagbabakasaling may text ito, ngunit ganun nalang ang panlulumo ko ng makita kong walang text or calls. 

I tap the speed dial and stared at her number for a while nang biglang magnagsnatch ng phone ko. "Sinong katext mo?" tawa ng tawang sabi ni Eva. Naiiritang natatawa ako. Nagtatakbo si Eva at hinabol ko ito.

"Give me back my phone, Eva!" natatawang sabi ko sabay habol sa kanya. Pagliko nito kay Jeron, he stretched his leg outward causing her to trip off and before she fell face first, nasalo siya ni Markos na nasa tabi lang niya. 

Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon