All rights reserved ©2016 by Lynne Rose
"Hatred is the coward's revenge for being intimidated."
― George Bernard Shaw
🌹🌹🌹
Zara's POV
"Thank you, sir," nakangiting sabi ko sa manager naming si Mr. Clinton Montrose. They approved my one month vacation at bukas, I'm flying back to the Philippines.
Akala ko hindi nila aapubrahan dahil sa maraming naka leave na staff, pero dahil in my four years I haven't use any of my vacation days except for that three days dahil inatake si daddy, other than that, I worked all the time.
"I hope you have a fun vacation, Ms. Hasting," nakangiting tumayo si Mr. Montrose na sinabyan ko rin saka nagshake hands kami.
Bumalik ako sa bahay ng daddy ko dahil bukas pa ang flight ko. Pagdating na pagdating ko sa bahay, nasa sala si Madison na nanonood ng netflix while munching popcorns.
"Where's dad?" tanong ko. It's Saturday and he said he's not working. I need to tell him I'm leaving to Philippines tomorrow.
"I don't know!" iritado nitong sagot. Kahit kailan maldita talaga itong kapatid ko. At until now, wala paring matinong trabaho. Kakaquit na naman nito bilang sales representative. Bored na daw ito kaya ayun, palamunin ni daddy. Kaya nga ito dinivorce ng asawa dahil wala ng ginawa kung hindi mag-inom sa gabi, magbar-hopping at palaging nasisisante sa trabaho.
"I'm here," narinig kong sagot ni daddy mula sa likuran ko. I saw him heading towards me with his coffee mug. Nakapajama parin ito.
"Hey, dad!" saka ako lumapit sa kanya at humalik sa pisngi.
"I'm glad you're home today," nakangiting sabi nito. Kita ang excitement sa mga mata nito. I heard Madison scoffed pero inignora ko nalang ito. Ayaw kong mag-umpisa ng away.
"I'll be packing today, dad," sabi ko sa mababa at apologetic na tono. Sumimangot ito na ikinatawa ko. "I'm sorry. Promis, pagbalik ko, I'll make it up to you," paglalambing ko saka ako nakisabay rito papuntang sofa. Umupo ito sa gitna namin ni Madison.
Narinig ko ang pagpadyak nitong umusog pero inignora ko na lamang. "So where is your next flight?" tanong nito saka sumipsip sa kape nito.
"Philippines, dad. I'll be gone for a month," sagot ko ng malumanay. Unti-unti itong parang nalungkot.
"You should be staying there," biglang sabad ni Madison na ikinalingon namin ni daddy. Tumalim ang tingin ko rito pero nakatitig lang ito sa screen habang kumakain ng popcorn na parang walang sinabi.
"Why were you watching? Shouldn't you be looking for job?" nagtitimping tanong ni daddy. Biglang tumingin ito kay daddy ng may inis.
"Dad, I'm looking. I'm just waiting for calls," sagot nito ng pabalang saka ako binigyan ng pagkatalim-talim na titig.
Tinitigan siya ni daddy ng matiim. "You're 31 and still no secured job!" galit na sabi ni daddy.
Tumayo ako na ikinatingin ni daddy sa akin. As much as gustong-gusto kong pinapagalitan siya ni daddy, I don't want to hear her talking back at him ng walang pagrespeto.
"I'll leave you two. I need to pack," kako saka tumalikod at tinungo ang hagdanan paitaas sa kwarto ko. I heard Madison shouting already at him at pinigilan ko ang sarili kong bumaba ang pagsabihan siya.
It happened once already at ang nagyari, nagsabunutan kami. I don't want that to happen again.
Inignora ko na lamang ang pagsasagutan nilang dalawa saka pumasok sa loob ng room ko. Dire-diretso ako sa aking kama at parang nanghihinang napahiga.
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
RomanceWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...