All rights reserved ©2016 by LoveMishap
"A confession of pain always leads to revenge."
— Anonymous
🌹🌹🌹
Gabriel's POV
Ewan ko kung bakit binalot ako ng kahihiyan ng malaman nito kung sino ang aking fiancee. Actually ex-fiancee. Hindi narin ako nag-abalang itama ang sinabi ni Julius at hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng lakas.
Siguro nakita kong nakamoved on na ito. At ako lang ang naapektuhan sa pagkikita naming muli.
At kung bakit nagalit ako sa nilalaman ng tono nito, ng mga salita nito, hindi ko mawari. Nababaliw na yata ako.
But, in my heart, I never once believed that she meant it when she's happy for me. Her laughter was lacking that spirit, that soul. Hindi siya totoong masaya para sa akin.
Nararamdaman kong nakapaloob parin sa tono nito ang pagkasuklam, ang galit sa akin.
Naiintindihan ko ang galit niya dahil tuluyang isinara ko ang aking isip, ang aking puso sa anumang sasabihin nito. Sa kanyang rason kung bakit magkasama sila ni Greg at hubo't-hubad.
Ngunit hindi lang iyon ang ikinasasama ng loob ko.
Kahit na nahuli ko na itong nagsisinungaling, pinatawad ko siya. Hindi ko siya kinompronta, which I regretted. I should have at baka hindi humantong sa paghihiwalay namin.
I could have save her kung totoo mang isinetup siya.
Naalala ko ang sinabi ng aking mga kaibigan.
"Paano nga kung sinet up siya?"
"At wala siyang kaalam-alam sa nangyari?"
Paano nga kung ako ang mali?
Bigla ang pagragasa ng mga negatibong emosyon sa aking dibdib. Ngayon ko napag-isip-isip na baka ako nga ang mali. At gusto kong maglabas ng sama ng loob.
Dahil sa galit ko at pagseselos, isinara ko ang aking isip. Hindi ko siya pinakinggan.
Minsan pang dumaloy sa aking ala-ala ang itsura nilang dalawa sa kama.
Ang aking mga kamay ay biglang kumuyom sa matinding galit na nabuhay sa aking dibdib. Hanggang ngayon, kahit anong gawin ko, napagkit na sa aking isip ang hubad nilang katawan.
Greg, mapapatay kita hayup ka!
Malakas na hiyawan ang biglang kumuha ng aking atensyon mula sa direksyon ng pool at mabibilis ang aking mga yapak papunta duon.
Nakita ko ang likod ni Zara na naglaho sa likod ng matataas na palumpon ng mga palm trees, at napapaligiran ito ng mga gumamela at mga iba't-ibang halaman na may iba't-ibang kulay ang bulaklak.
Unti-unting pinakalma ko ang aking sarili, dahil tuwing nagagalit ako, nagiging makitid ang aking utak. Nawawala ako sa katwiran.
I need to get her alone and talk. Marami kaming dapat pag-usapan. It's maybe too late. It has been ten years, what should I expect.
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
RomanceWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...