All rights reserved ©2016 by Lynne Rose
"Facing the truth might be uncomfortable but denying it is devastating."
— Unknown quotes
🌹🌹🌹
Zara's POV
Tiningnan ko ang orasan mula sa aking cellphone and it's already four yet Gabriel hasn't come back. Hindi rin tumawag.
Bored na bored akong nakatitig sa telebisyon ngunit ang aking diwa ay naglalakbay.
I miss him already. What happened to us was very fast, and I felt his sincerity.
I know I'm stupid to just forgive him like that, but life is too short not to forgive.
A chance was made to use, not to waste.
Kung si Lord nga, ilang beses tayong pinagbigyan, why not give him another chance?
He seems sincere naman, and I can't deny the love I felt for him anymore.
It's like calling me all the time when he's around.
His pull is too strong that I can't hide my true feelings towards him. He makes me feel all giddy and mushy inside just his mere presence.
I never felt so complete, so contented in my life. With him, I felt like I have everything I need. It feels home.
Napangiti ako.
Ano ng nangyari sa 'play with him' na plano mo? Tila nang-aasar na tanong ng isang bahagi ng aking isipan.
Anduon parin naman ang pagnanais kong masaktan din siya tulad ng ginawa nito sa akin, ngunit sa ilang araw na kasama ko siya, walang oras na hindi nito pinaramdam ang pagmamahal nito.
Oo nga't may pagkamatigas parin ng ulo nito, but he was always tender. Kaya't nag-aatubili akong ituloy ang aking plano.
Bahala na nga!
Perhaps I'll enjoy it habang nagbabakasyon ako.
Kinuha ko ang aking cellphone at akmang pipindutin ang call button ng marinig ko ang malakas na tunog ng doorbell.
Agad nawala ang aking atensyon sa cellphone at bitbit ko itong pinuntahan ang pintuan..
Dahil sa excitement ko, hindi ko na naisip na may sariling susi at alam nito ang code ng door.
At napindot ang call button ng cellphone ko.
Para akong natuod sa aking kinatatayuan ng bumungad sa akin ang mukhang hindi ko kailanman makakalimutan, at di inaasahang makikita agad.
"Eva?" namamaliktang sambit ko.
Gulat na gulat din itong nakatitig sa akin.
"Zara?" gulantang sambit nito, at kumurap-kurap pa ito na tila nakakita ng aparisyon.
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
Roman d'amourWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...