All rights reserved ©2016 by Lynne Rose
"Welcome to the Karma Cafe!, No Menu here, everyone gets served what they deserve."
— Unknown
🌹🌹🌹
Gabby's POV
Kanina pa ako restless. Hinahanap ng aking mga mata ang mga taong hinihintay ko sa labas ng malaking simbahan. Marami naring reporters na naka-antabay sa magaganap na wedding of the year.
Kahit hindi ko masikmura ang kasalang ito, I had to.
"What's that screen for?" tanong ni mommy ng makapasok kami sa loob ng malaking simbahan sa pinakasentro ng Davao.
Wala naring akong magagawa sa venue ng ceremony. Plano ito ng mga Chi at ang aking ina. They are patrons of this church for as long as I can remember. Halos masuka ako sa katotohanang mga deboto ito na kristiyano, ngunit mga sugo ito ng demonyo.
Nakangiti ng maluwang ang aking ina, at hindi ko alam kung papano ko natagalang kaharap ito ng wala akong nasasabing hindi kanais-nais na mga salita. Hindi maikakaila ang sobrang saya sa mukha nito para sa kasalang ito.
Ito ang pangarap nila ng bestfriend niya simula ng ipinanganak kami ni Eva.
Ako nama'y kanina pa patingin-tingin sa paligid, sa lahat ng mga taong nakaupo, nagbabasakaling isa si Zara duon ngunit wala ni anino nito.
Tumingin ako sa malaking double door na pintuan at pinanood ang mga iba pang guest na dumating upang masaksihan ang pag-iisang dibdib namin ni Eva.
Napaismid ako.
Nasa duluhan naman ng simbahan ang mga reporters. Nagtaka pa ang aking ina na may mga reporters akong inanyayahan, at si Eva, agad na sumang-ayon. Hindi maipinta ang mukha sa sobrang saya nito.
"I believed my friends made a videos for us," pilinit kong ipinaskil sa aking mga labi ang ngiti kahit na sukang-suka ako sa pagkaplastik ng aking sariling ina. Hindi ko ito mapapatawad sa ginawa niya kay Zara.
Paano kung wala sa tamang pag-iisip si Greg?
He coud have done something grave kay Zara. Kumuyom muli ang aking kamao at disimuladong ipinasok iyon sa aking mga bulsa.
Nakagown ito ng mamahalin at kumikislap pa ang stone na nakalagay sa mababang neckline ng gown niya. Ipinagawa nito sa isang kilalang designer sa buong bansa.
"I'm so happy for you, and very happy that you finally find some sense. Kayo talaga ang para sa isa't-isa," hindi nito maitago ang sobrang kaligayahan. Nginitian ko lang siya pero hindi abot sa aking mga mata. Magkalapat ang aking mga labi na tumango-tango.
"Are you ready son?" tanong ni daddy na nasa kabilang gilid ko. Nahagip ko si Greg na papasok kasama si Zara na nasa pinakalikuran sa isang sulok ng mata ko.
Bigla akong napangiti at ang tibok ng puso ko, hindi magkamayaw. Hindi ako makapaghintay at parang ang bagal ng oras.
Kahit gusto kong sundan ng aking tingin si Zara, pinigilan ko ang aking sarili. Baka mapansin ng aking ina ang hinayon ng aking mga mata, at malaman niyang andito si Zara, masisira ang plano kong ito.
Pumuwesto na ang pare na magkakasal sa amin sa harapan ng mesa kung saan may dalawang upuan na nakapwesto paharap sa kanya.
Nang lingunin ko si Greg, nagthumbs up ito.
Tinanguan ko lang siya at ng tiningnan ko si Zara, nakatitig ito sa akin.
Pigil na pigil ko ang sariling wag takbuhin palapit rito at yakapin siya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
Storie d'amoreWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...