Kabanata 3: Auspicious Night

110K 2K 39
                                    

All rights reserved ©2016 by Lynne Rose 

|Gabriel's POV|

Nakangiting nakatitig ako sa TV habang inaantay ang oras ng pagsundo ko kay Zara. Mga alas diyes na daw ito matatapos sa trabaho. While waiting, naisipan kong puntahan ang pinsan ko. Sakto namang andito ang mga pinsan niya rin na sina Zack at Wilmer. Nag-iinuman sila. Nakilala ko rin ang babaeng mukhang nakakuha na ng atensyon ng babaero kong pinsan at baka magpatino sa kanya at tumigil na ito sa mga kalokohan niya, lalo na sa mga babae. 

"Mabilis paba yung almost four months?" Nang-iinsultong sabi ni Wilmer. Pinsan ito ni Tristan na pinsan ko rin. Buong magpinsan ang nanay ko at tatay niya. 

Napalingon ako sa kanila. Pustahan? Akala ko tumino na ang gunggong na Tristan na ito? Ang swerte nga niya dun sa Chantal na yun eh. Mukhan hindi ito tulad ng mga babaeng naghahabol sa kanya. 

"Anong panalo? Bakit anong meron? Pinagpustahan niyo si Chantal?" tanong ko ng diko napigilan. Ayaw na ayaw ko sa ganyang kalokohan. Ang mga babae, minamahal. Hindi pinaglalaruan. Kaya ayaw ko masyadong nakikipaghang-out sa mga ito eh. Wala ng ginawa kung hindi magbilang ng babae.

"Wala." Zack responded. "Ituloy mo na yang pagtetext mo." dagdag pa ni Zack. Sasagot pa sana ako ng  tumunog ang cellphone ko.

Umiling-iling nalang ako at itinuon ko na ang atensyon ko sa fon ko.  

Mamaya kana magtext. Mawawalan ako ng trabaho sayo eh! - Zara

Naramdaman kong may ulong nakikitingin din sa screen ng fon ko. "Aba, mukhang babae ang katext mo ah?" Nakikiusyong si Zack. Ang laki ng ngisi nito. Bigla kong iniwas ang fon ko bago nito mabasa ang palitan namin ng text ni Zara. "Sus, ang sikreto naman neto," nangingiting sabi nito. 

Ngumis ako sa kanya ng nakakaloko. "Wala!" Tumawa sila Wilmer at Tristan. Tinabig niya ako sa balikat bago natatawang umupo ulit ito sa pwesto niya malapit kay Wilmer.

Umiiling-iling akong ibinalik ang atensyon ko sa pagtetext. Nireplyan ko agad siya habang ngingiti-ngiti.

Kaya naman kitang buhayin kung sakali. Namiss lang kasi kita. - Me

Nakangiting itinuon ko ulit ang tingin ko sa TV. Nasa last quarter na ang laban ng maya-maya nagbeep ulit ito.

Ang kulit mo rin ano? Wala kabang ginagawa?  :) - Zara

Wala nga. :) kung sana andito ka eh di may gagawin ako, :) - Me

:O at ano naman ang gagawin mo aber? - Zara

Ikaw! Ah este, kalambingan ka, :) :) pakiss nga! :P - Me

Di nga nakapagtataka ikaw ang kapitan sa basketball, ang galing mong mambola eh! :) - Zara

Di naman. Hindi nga kita mabola eh! :-( - Me

"Huy!" Napataob ang ulo ko sa screen ng fon ko dahil sa malakas na impact ng pagkakapalo ni Tristan sa cushion sa likod ng ulo ko. Tawanan silang tatlo. Umiling lang akong inignora sila. "Sinong kausap mo? Si Eva ganda?" tanong ni Tristan. Mukhang lasing na ang mga ito. 

Ngumisi lang ako sa kanila. Hagalpakan sila. Akala nila siya kausap ko. 

"Masarap ba siya, bro?" tanong ni Zack. Ang laki ng ngisi nito. Umiling ako. Ayaw kong sagutin ang tanong niya. Oo naikama ko na si Eva, pero kahit hindi kami at ang relasyon lang namin is friends though pag may tawag ng laman, we do it, but no string attached and she knows it. And I respect her, too. I may not the only guy who bedded her, I still respect her. I'm not the kiss and tell type guy.

Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon