All rights reserved ©2016 by Lynne Rose
"If you think the most courageous and difficult thing you can do is stubbornly stand your ground, try graciously giving in."
― Richelle E. Goodrich
🌹🌹🌹
Gabby's POV
"Buti naman at sinagot mo na ang tawag ko. I hope malinaw na ang isip mo this time. Nag-aalala na ako sayo. Kahit sina mommy," bungad ni Eva pagkasagot ko sa tawag nito.
Sinagot ko nalang ito para ipaintindi sa utak nito na wala na kami.
Banaag ang excitement sa malambing niyang boses, ngunit walang anumang kislot na aking nadama sa aking dibdib.
Ang tanging nararamdaman ko ay galit at pagkasuklam.
"I meant it when I said I don't want to marry you, Eva," walang paliguy-ligoy kong sabi at narinig ko ang matalim nitong pagsinghap. "And when I come back, you have a lot of things to explain," may babalang pahayag ko sa matigas at mabalasik na tono, at ramdam ko ang kaguluhan sa tono nito.
"Gabby, you don't mean it. Galit ka lang at hindi ko alam kung bakit, so I will let it slide this time. Please, let's talk when you come back. Hindi ko alam kung anong nakain mo, o kung lasing ka. Let's not talk here," at tumigas lalo ang aking mga panga. Nagkiskisan ang aking mga labi.
Paano naatim ng babaeng ito ang ipahamak ang kapwa niya babae? Iyon ang hindi ko maintindihan.
Hindi ko maisip na napakaitim ng budhi nito. Na kayang gawin ang isang bagay na ganuon. Ipain ang isang inosenteng kapwa niya babae sa mga katulad ni Gred na mapagsamantala!
"Don't expect a wedding to happen!" walang pasubaling pahayag ko saka pinatay na ang tawag dahil kung tatagal pa akong kausap siya, I might not control myself.
Sa ngayon, I need all the evidences at alamin ang puno't dulo kung bakit niya nagawa iyon.
Tinawagan ko ang aking pinagkakatiwalaang pribadong imbestigador. Dati itong nagtatrabaho sa CIA at bago lang nagretiro.
Nang sinagot nito ang tawag, dire-diretsong sinabi ko ang aking kailangan.
Pagkatapos ng tawag, ang aking sekretarya naman ang tinawagan ko.
"Call me when you get all the information I needed and don't ever mention it to Ms. Chi." Matigas kong pahayag sa aking sekretarya na si Ellen.
Nasa edad kwarenta na ito at dating sekretarya ni daddy. Hindi na ako nag-abalang palitan ito dahil sanay na sanay naman ito sa kanyang trabaho at wala na akong oras na magpalit at magtrain ulit ng bago.
Naramdaman kong may paparating sa aking direksyon. Lumingon ako at napangiti ng makitang si Zara.
I stashed my phone in the inside pocket of my pinstripe coat and dug my hand inside my pants' pockets as I ambled slowly, meeting her closer.
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
RomanceWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...