All rights reserved ©2016 by Lynne Rose
|Zara's POV|
Pagkapalit ko para maghanda na para matulog, saka naman nagring ang fon ko. Dali-dali ko itong kinuha mula sa bag ko na nakapatong sa isang maliit na silya sa isang dulo malapit sa pinto at saka ko kinonekta habang naglalakad ako papuntang kama ko.
"Hello," nakangiting sagot ko. Tumihaya ako at hinila ang kumot ko hanggang dibdib.
"Hi, baby." Boses ni Gabby at super lambing nito. Napapangiti tuloy ako. Sobrang kinikilig ako. God, I never thought this day would come. Kung nuon, palagi ko lang itong tinatanaw at minsan pinagpapantasyahan pag hindi matino ang isip ko, ngunit ngayon, ito na, totoo na ito. Kami na nga. Parang akong mangingisay sa kilig ngunit pinigilan ko ang sarili kong mapahagikgik. Ayaw ko namang malaman nito na kinikilig ako. Nakakahiya. "Matutulog kana?" tanong nito sa sobrang malambing na boses.
"Hindi pa naman ako inaantok," nakangiting sagot ko. Mapupunit na ito sa sobrang lapad.
I rolled on my side, at inipit ko ang cellphone in between my pillow and my head habang parang baliw na ngumingiti. "Ako rin," sabi nito na lalo kong ikinangiti.
"Anong suot mo, babe?" tanong nito. Nawala ang ngiti ko sa tinawag niya sa akin.
Babe? Parang nababastusan naman ako. Bigla tuloy akong natahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o isasagot ko sa tanong nito.
"Zara?" tawag nito sa akin. Lalo tuloy akong naguluhan.
"Ha?" parang tangang sagot ko. "Ah-eh," hindi ko mahagilap kung anong tamang sabihin. Ano ba?
"I can see you blushing from here," narinig ko ang tawa nito sa kabilang linya. Kahit tawa nito napakaseksing pakinggan. Lalakeng-lalake talaga. Sobrang malalim ang boses nito at napakaswabe. Parang bedroom voice. Kahit nga lang sa boses, alam na alam mo ng magandang lalake ito. At hindi lang magandang lalake, parang nililok ito ni Da Vinci.
"Baby," tawag nito ulit.
"Hmm..." sagot ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nahihiya ako and at the same time, I felt overwhelmed sa atensyong binibigay nito. It's just so sudden and I'm still adjusting.
"Miss na miss na kita ulit. Bakit ganun?" parang batang tanong nito na ikinatawa ko.
"Sira!" nangingiting sagot ko.
"Oo nga eh. Para na nga akong sira dito. Sana kayakap kita," lalo ko tuloy siyang namiss. Ano kayang pakiramdam na kayakap ko siya sa pagtulog?
"Hey, kakaofficially on palang natin ah, yakap kana agad?" kunwari maktol ko.
"Mabagal pa nga iyon no? Yung iba nga, kiss na agad, or sex na agad, hindi pa nga officially on," reklamo nito, pero alam kong nagjojoke lang ito pero pakiramdam ko, insecure ako. Hindi ko tuloy maiwasan na medyo mainsecure.
"Di dun ka sa kanila!" hindi ko napigilang sabihin at bigla akong napabangon ng marealize kong nasabi ko ang nasa loob-loob ko.
Shit! mura ko sa aking isip.
"Hey," naramdaman ko naman ang biglang pagkaalerto sa boses niya. "I didn't mean to offend you, Za. I'm just kidding alright, wag kana sanang magalit," naglalambing na ang boses nito ulit. Nawala naman bigla ang inis at tampo sa puso ko.
"Okay na. Wag mo nalang sasabihin sa susunod. Hindi pa kasi ako sanay sa boyfriend thingy eh. Wala pa kasi akong naging boyfriend." Paliwanag ko. "Nag-aadjust palang ako."
"I'm glad I'm your first," ramdam ko ang saya sa tinig nito at napangiti naman ako.
"Am I your first?" tanong ko sa kanya bago ko napigilan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
RomanceWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...