All rights reserved ©2016 by Lynne Rose
Zara Amelia POV
*Beep.. Beep..*
Tumunog ang cellphone ko na binili ni Gabby para sa akin kahapon. Latest Iphone iyon, at nakaka-asiwa ang ganda.
Gusto ko sanang ibalik, kaso alam kong siguradong ibabalik din niya sa akin. Sa ilang oras ko itong kasama, agad kong napagtanto na magaling itong humikayat ng tao. Bagay nitong maging salesman.
Binunot ko ang phone na nakasilid sa bulsa ng uniform namin. Nakita kong may dalawa na siyang messages.
Meet me at the canteen, Z.
Hey, you didn't respond?
Hays, ang kulit.
I decided to respond, kaso ang bagal kong magtext kasi di pa ako sanay sa bagong phone. Laging iba ang napipindot ko kaya ayan tuloy, lagi akong back to zero dahil nga naguguluhan ako sa phone na to, isang touch screen.
Di pa alam ni nanay na may phone ako, at ayaw kong malaman niya. Baka akala eh binili ko. Pang mayayamanin lang kase ang klase ng cellphone na to. Alam ko dahil almost ninety percent ng mg aestudyante sa LEHS ay naka iPhone, kung hindi naman android.
Katatapos lang ng klase ko.
I texted back.
Saka ko ulit binulsa ang sobrang laking phone sa aking skirt at saka ko niligpit ang aking mga libro at sinilid sa aking bag, at binitbit na palabas. Wala si Chinny dahil isa siyang varsity ng volleyball, kasama si Nica, habang si Gwen, nauna na sa library.
Naramdaman ko na naman ang pagtunog ang phone ko. Kinuha ko ito at sinukbit ang bag ko sa balikat ko bago tininingnan ang message.
Hurry. I missed you already!
I texted back habang naglalakad sa pasilyo, at paminsan-minsan nililingon ang aking dinaraanan. Buti nalang halos lahat ng mga estudyante ay nasa malaking field kundi man nasa gym nanonood sa mga players na nagpapractice, kaya't hindi busy sa pasilyo.
I'm coming, alright.
Tss.. impatient masyado.
Maraming estudyante and nakakalat ngayon sa malaking ground ng LEHS mostly nagpapractis. Yung iba nagkukwentuhan, just having fun.
Ako lang ata ang laging present sa lahat ng klase. Sa totoo lang sa nalalapit na Christmas League ang LEHS and MEHs, abala mostly mga estudyante at teachers sa preparation.
Some weren't but seventy percent were there.
Pagdating ko sa harap ng recreational building kung saan ang canteen, dumiretso ako sa may entrada agad, stalking up the wide concrete entryway stairs, two steps at a time, and jog to the double door wide glass door. "Salamat, Mang Berting," nakangiting sabi ko pagkatapos akong pagbuksan.
Siya ang isa sa gwarduya dito sa LEHS. Mabait ito at lagi kong kabiruan.
Ngumiti din ito. "Walang anuman, Amy. Mukhang nagmamadali ka ata ah?" tukso nito na tinawanan ko lang.
Pagpasok ko sa lobby, dumiretso ako sa maluwang na hagdanan papuntang second floor kung nasan ang canteen.
Nakita ko kaagad si Gabby.
As usual kasama ng mga barkada niya. Nakaupo siya sa may mesa samantalang ang mga kaibigan ay sa bench na magkaharap sa pagitan ng mesa. Nakapatong ang mga paa ni Gabby sa mesa at napailing nalang ako.
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
RomanceWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...