Kabanata 23: My Game

104K 1.8K 84
                                    

All rights reserved ©2016 by Lynne Rose

"Trust is a dangerous game, until you convince a liar you trusted him and believed what he said, and played with their game." — Lynne Rose

🌹🌹🌹

Zara's POV

Nagkalat na ang dilim at tanging ang ilaw lang nila ay ang bonfire na dalawa. Isa sa hindi kalayuan, at ang pinakamalaki ay ilang metro sa kanila, kung saan nakapalibot ang mga grupo ng mga kalalakihan at mga kadalagahan.

Nagpapapahinga na ang mga matatanda, kasama na ang mga magulang nina Julius at ang kaibigan niyang si Rosette. Dumating din daw kanina ang mga tita at tito's nila.

Sumandal siya sa muskoka chair na yari sa kahoy at kipkip ang inumin, hindi niya inaalis ang titig sa likod ni Gabby na lulugu-lugong palayo sa kanila.

Tahasang sinabihan ni Rosette si Gabby na anduon ang mga kalalakihan sa kabilang bonfire, at nakuha naman agad ni Gabby ang ibig sabihin ni Rosette na gusto nitong mapag-isa kaming dalawa.

Ramdam kong gusto nitong magtanong and I'm just waiting for her to speak.

Naki-umpok na si Gabby sa mga kalalakihan at naririnig namin ang tawanan nila pagkatapos.

Inilapit ko sa aking bibig ang aking beer na inumin, saka inayos ang pagkakabalabal ng aking may kakapalang coat dahil maginaw ang simoy ng hangin.

"Spill it, Rosette," sabi ko ng wala parin itong imik. Tahimik lang itong sumisimsim sa hawak nitong wine. At tulad ko, nakapantalon din kami at nakasweater dahil sa malamig ang gabi.

Pasado alas nuebe palang naman, pero malamig ang hanging nanggagaling sa dagat. At tila nalalasahan ko rin ang alat ng dagat, at ang medyo malansang amoy paminsan-minsan.

"Narinig ko sa mga pinsan kong binabakuran ka daw ni Gabby?" pabirong umpisa nito at napailing ako at napatawa.

"Huwag kang maniwala sa tsismis," natatawang sabi ko.

"I've seen it, Zara. He's territorial. I've been watching, ayaw ko lang sa akin magmula. But now that my cousins had mentioned about seeing him obsessed with you," nakangiti ito at tinawanan ko lang. "I agree with them. Pansin ko na kahit yata habulin mo ng sibat, hindi mo siya mapapalayo sayo. He had been staking his territory...sa iyo."

"And I'm not surprised kung magkakagulo rito kung sakaling isa sa mga pinsan ko ang liligawan ka," natatawang sambit ni Rosette, and she just hit home.

Naalala ko ang nangyari at nagtaka pa ako at walang lumapit nuong galit na galit na nagmumura si Gabby. Pulang-pula ang mukha nito, at naglabasan pa ang mga ugat nito sa leeg at noo dahil sa matinding galit.

Sa totoo lang, natakot ako sa nakikita kong anyo nito.

Tila bumalik yung araw na nag-aapoy ang mga matang nakatitig sa akin.

Ganuon na ganuon nuon ang itsura niya, dangan nga lang dahil lumaki na ang katawan nito, mas naging mas matured ito, nagsisilabasan ang mga ugat nito.

He looked like a beast na handang maghasik ng lagim.

"At tila asong nakabuntot na sa iyo," napapalatak na dagdag ni Rosette.

"Sorry, wala akong lakas ng loob na ikwento ang nangyari sa amin. Hindi ko pa kasi kayang balikan. Ngunit ngayon, tila parang nabawasan ang sakit. Hindi na kasing hirap nuon ang balikan ang nakaraan, pero masakit parin kahit papano, dahil sa mga kaibigan niya..." lumunok ako saka tumingin sa kalmadong tubig.

Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon