All rights reserved ©2016 by Lynne Rose
"Kahit langit at lupa ang agwat, kung sila ang itinadhana, sila parin kahit anong mangyari, hanggang sa huli." — Lynne Rose
🌹🌹🌹
Zara Amelia's POV
Nakatitig lang ako sa papel kung saan ang pangalan ko na naka bold pa ang mga letra, na nagsasabing ang islang iyon, na ngayo'y tinawag na 'Isla Zara Amelia' ay pag-aari ko na.
Sa nanlalabong titig, tumingin ako sa aking asawa.
Nakaharap kami ngayon sa abogado nito, hinihintay ang aking pirma.
"It's my wedding gift," masuyong sagot ni Gabby.
Nakaputing t-shirt lang ito at tuxedo pants. Ngayong araw ang aming kasal, dito sa isla.
Nasa loob kami ng kwarto kung ilang beses namin unang pinagsaluhan ang mainit na gabi. Kung saan nauna ang honeymoon.
"Gabby, this is too muc," umiling-iling ako. He doesn't have to do this. Siya at ang anak namin ang pinakamagandang regalo sa akin.
Umiling si Gabby, at masuyong tinitigan ako. Tinuyo nito ang naglandas na luha sa aking isang mata at nangingislap ng sobrang pagmamahal ang ma nangungusap nitong mga mata.
"Everything that I have is all yours too. And this, I really want you to have it. In here, you gave me hope, you gave another chance, and you took me back ng walang pag-alinlangan," masuyong paliwanag nito at may konting guilt akong naramdaman.
It was supposed to be just a game, ngunit sa aking kaibuturan ng aking puso, totoo ngang tinanggap ko na siyang muli.
Nagyakapan kami at pinigilan kong mapa-iyak dahil maka tuluyang masira na ang make up ko, at uliting ni Rosette.
"Sige, pirmahan mo na, baby para matapos na ang kasal natin. Hindi na ako makakapaghintay na tuluyang kang maging akin," nakangiting humiwalay si Gabby, at napatango naman ako.
Binigyan ako ni Gabby ng isang malalim ngunit panandaliang halik.
Pinirmahan ko na ang papeles, saka ibinigay sa abogado upang itago muna at saka ko na kukunin pagkatapos naming ikasal.
Umalis na si Gabby at si Rosette, ngiting-ngiti sa akin.
Tinutulungan na nila ako sa pagsusuot ng aking traje-de-boda.
Ginawa pa ito ng isang kilalang designer.
"Ang ganda-ganda mo, Zara. Siguradong magiging baliw na naman ang magiging asawa mo sa pagbabakod sa iyo pagdating mo sa dadausan ng seremonya," nakatawang turan ni Rosette at napatawa lang ako.
"Oo nga pala, I saw Michelle and your friend Julius looking cozy last night," pagpapalit nito ng paksa at tumango ako.
Napansin ko nga rin kagabi.
Nasa tabi kami ng dagat, lahat ng mga lalapit kong kaibigan dito sa Pilipinas at ang ibang nakatrabaho ko sa pagiging air attendant ko.
"Oo nga, baka masaktan na naman si Michelle. Kakadiborsyo lang nila ng animal na wright na iyon. Dapat wrong ang pangalan nuon," iritadong sabi ko.
Natawa si Rosette.
"Ewan ko ba kasi kay Michelle. Bat pinatulan iyon, mapera lang naman. Wala namang itsura, oo nga at matikas ang katawan, ngunit hanggang duon lang iyon."
Nakaramdam ako ng guilt. "Sana pinanindigan kong hindi pumunta nuon sa party nito, ito lang si Michelle ang makulit."
Napairap ako ng maalala ko ang nangyari nuon.
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
RomanceWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...