Kabanata 5: Selos at Galit

101K 2.1K 71
                                    

All rights reserved ©2016 by Lynne Rose


|Gabriel's POV|

Lumingon ulit ako sa bleachers kung saan sila Gwen at Nica. Wala parin si Zara. Dumaan ulit ang mga mata ko sa lahat ng mga nanonood ngayon and as usual, marami sila. Parang totoong laro lang sa dami ng nanonood at ninety percent my babae. "FUCK!" galit kong sigaw ng maramdaman ko ang bolang dumapo sa dibdib ko.

"ATTENTION, MONTEVARES!" sigaw ni Couch Aldrin. Galit na tiningnan ko si Markus na ngising-ngisi. Tumakbo na ito sa kabilang court ng makuha ng defense ang bola. Inis na tumingin ulit ako sa paligid. Maraming babaeng nagsisigaw ng kanya-kanyang pangalan ng idol nila. Mga mostly naririnig pangalan ko, si Jeron, at si Markus.

"MARKUS BABE, I SHOOT MO YAN PARANG PAGSHOOT MO LANG SA AKIN," rinig kong sigaw ng isang babae. Ngumisi pa ang loko saka nagflying kiss. Kilig na kilig naman ang grupo.

"GABRIEL, I LOVE YOU!" hindi ko nilingon ang grupong nagsisigaw ng pangalan ko habang nagjajog at tumingin ulit sa kapaligiran sa pagbabasakaling makita ko si Zara.

Binigay ko na ulit ang atensyon ko sa kagrupo ko. Hawak na ni Markus ang bola. Shooter si Markus at isa ring forward. Magaling din ito sa three points, kaya kung wala ako sa team, siya ang tumatayong captain din. 

Pumasok ako sa loob. Nakita kong naglay-up si Phillip. Nasa kalabang grupo siya. Tumalon ako para iblock and bola. Pagkatapon ng bola, sakto namang nasangga ko ito. Nakuha ng grupo ko, at mabilis silang lahat tumakbo sa kabila. si Jeron ang may hawak. 

Ang lakas ng tili ng mga babae pagkablock ko ng bola. Sinisigaw ang pangalan ko ngunit iisa lang ang gusto kong sumisigaw ng pangalan ko sana ngunit wala parin siya. Ramdam ko ang inis na namumuo sa dibdib ko. 

Nagpromis siyang manood kaso wala parin. Nakayuko ako habang ang mga palad ko nakahawak sa tuhod, habang ang mga mata ko tumingin ulit sa kinaroroonan nina Nica. Wala parin siya.

Tumayo ulit ako. Tumingin ako kay Coach Aldrin na nakatingin at nagsisigaw sa pagtuturo. Lumapit ako sa kanya. Nakatingin naman na itong nakakunot noo. Kita ang inis sa mga mata nito.

"What are you doing, Montevares?" galit nitong tanong sa akin bago pa man ako nakalapit.

"Sub muna ako Coach. Kailangan kong magwashroom," sabi ko. Kahit man mukhang naiinis ito, pinasub naman ako at dali-dali akong umalis sa court. Kinuha ko muna ang phone ko at pumunta ng washroom agad. 

Dinayal ko ang number ni Zara, ngunit walang sumasagot. Inis na inis na ako. "Come on, answer it, dammit!" inis kong sabi habang tumitipa ulit. Nagring ulit ito pero wala paring sumasagot.

I decided to text her. 

Where are you? - Me

Nagwashroom ako habang nag-aantay ng text niya. Wala parin. Ilang minuto pa ang nakalipas at tinawagan ko ulit ang number kaso wala parin. Nagtext ulit ako bago ako bumalik sa court.

Andito si Gwen at Nica, pero wala ka. What happened? - Me.

Paranga mabubutas ang screen ng phone ko dahil sa pagtipa ko. Parang gusto kong bumasag sa tindi ng inis ko. She promised me! She promised to watch my game!

Parang akong makakapatay sa inis and at the same time, alala dahil hindi ko alam kung anong nangyari. Bumalik ulit ako sa game. Imbes na hanggang alas sais lang naging alas otso. Pinaextend ko dahil sa inis ko. 

Umalis na sila Gwen at Nica bago ko pa man sila makausap. Almost kalahati narin ng nanood kanina ang naiwan. Pagkatapos ng game, sabay kami ni Markus at Jeron nagpalit sa changing room habang nagkwentuhan muna kanina sa bench.

Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon