All rights reserved ©2016 by Lynne Rose
"The twists and turns of your life can be so unexpected, and that's a good thing to learn."
—Christina Baker Kline
🌹🌹🌹
Zara's POV
"Hey," pinahid ko ang luhang tumulo sa aking mga mata saka tumingin kay Chinny at pilit na ngumiti. "Okay kalang ba?" tanong nito sa nag-aalalang boses.
Tumango nalang ako dahil pakiramdam ko nagbabara na naman ang lalamunan ko at ang luha nagbabadyang bumuhos. "I know how much it is hard for you, Zara, but you are too young. Time will heal, you will be fine," nakangiting saad nito saka nito hinawakan ang kamay ko at pinisil pisil ng marahan.
Nasa pinakarooftop kami ng science building, malapit sa gym. Wala kasing tao dito masyado kaya dito ko gustong magtambay. Chinny followed me sa pag-aakalang magpapakamatay ako.
"Salamat," mahinang sagot ko saka tumitig sa buong campus mula sa itaas ng five story building. Kitang-kitang mula sa taas ang soccer field/football field, ang lawn tennis court, and buong front ground ng LEHS. Napakalaki nitong lupain at mahirap makita ang duluhan mula sa itaas at napapaligiran din ito ng mga puno ng Palm trees at evergreen trees. It was beautifully landscaped. A curled-pattern grey brick walkway runs the center of the LEHS large garden of artfully carved trees and greenery on one end of the property, where it called 'LEHS botanical garden'. Bright, random-swirled concrete walkway scattered all over the ground into the connecting buildings and benches on the opposite side under a tree.
Lumingon kami ni Chinny sa pintuan kung saan bumungad ang dalawa pang kaibigan ko na si Gwen at Nica na hihingal-hingal. Parehong tumalungko ang dalawa at natatawang lumanghap ng hangin.
Tamayo kami ni Chinny sa aming pagkakaupo at nilapitan ang dalawa. Buti nalang may mga totoo akong kaibigan na hindi humusga sa akin. Sila nalang ang kakampi ko against sa lahat ng estudyante ng LEHS.
"Okay lang kayo? Bakit kayo hinihingal?" natatawang tanong ni Chinny. Pati ako natawa narin kasi para silang mga aso habang hinihingal. Kulang nalang lalabas ang dila nila tuwing humihinga.
"Tinakbo kasi namin ang hagdanan kung sinong mauna dito," natatawang sagot ni Gwen. Si Nica tumatawa narin.
"Kaya pala eh," natatawa't umiiling na sabi ni Chinny. Tiningnan ako ni Gwen ng may pag-alala ang ngitin nito unti-unting nawawala.
"Buti nalang napigilan ka ni Chinny. Akala ko hindi kana namin maabutan!" parang nagagalit na sita nito. Pinanlakihan ko ito ng aking mga mata.
"Hindi ako magpapakamatay!" sita ko.
Natawa si Chinny at Nica. "So hindi ka magpapakamatay sa lagay na yan?" sabay lahad ni Nica sa kamay nito, at pinadaan pababa.
"Anong ibig mong sabihin?" naiiling at naiiritang tanong ko kay Nica. Oo nga mababait ang mga ito sa akin pero minsan OA ang mga ito.
"Araw-araw kanalang nagmumukmok at lagi kang nagbabantay sa exit door ng gym. Para ka ng tanga!" inis na pinanlakihan ako ng mga mata ni Nica.
"Nica," tawag ni Gwen sa atensyon nito ng may warning. I know nagagalit sila sa pagiging desperada kong kausapin si Gabriel kahit obvious naman na iniiwasan na niya ako. He never listened to me, to my pleadings. My call just always goes to his voicemail and my text, I'm not even sure kung binabasa ba niya ito.
"Zara, kaibigan mo kami. Ang ginagawa namin para sa kabutihan mo, hindi para sa kasamaan. See what happens when you trust too much? Itsinapwera mo kami samantalang kami ang mga kaibigan mo simula pa!" medyo nagtatampo ng sabi ni Nica. And she's right. Nagsinungaling ako sa kanila. I didn't tell them dahil alam kong ayaw na ayaw nila kay Eva lalo na sa grupo ni Gabby. I know they also doubted him, pero dahil kaibigan nila ako, they accepted him.
BINABASA MO ANG
Kapag Langit Ang Inabot BRS1 (Unedited)
RomansWARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makilala niya ang gwapo at anak ng bilyonaryo na si Gabriel o Gabby Montevares. Umibig siya rito at siya...