Chapter 4
Pag gising ko ay wala na ang asawa ko sa tabi ko, bumaba ako at hinanap siya. Nang pumunta ako sa kusina ay may nakahanda nang pagkain doon at may nakita din akong isang sticky notes.
- Hon I have to go to palawan to fix the problem there, I'll be gone in 3 days. Di na kita ginising, Always take care hon, I love you.-
-Your husband
Napangiti na lang ako at nagsimula ng kumain. Pagkatapos kong kumain ay nagligpit na ako at naghugas. Umakyat na ako sa taas saka agad kinuha ang cp ko. Tinext ko lang ang asawa ko na mag ingat siya at mahal na mahal ko siya.
Pumasok na ako sa trabaho , pero buong araw hindi ako nakapang focus sa trabaho, I always look at my phone kung nag reply na ba siya, pero dumating na lang ang hapon hindi pa rin siya nagreply, I guess his so busy.
Me: Hon, I guess your very busy but please don't skip your meal mahal. I love you always.
I just text him again, I waited for too long but he still didn't reply. I just sighed and sakto naman na may dumating na taxi kaya sumakay na ako. Pagdating ko sa bahay nagluto lang ako saka nagligpit.
Pasado alas 10 na at hindi pa rin ako makatulog, lagi kong tinitignan kung nag reply na ba siya but still wala pa rin. Pinilit ko na lang ang sarili ko na matulog and a few hours later nakatulog din ako.
Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko, agad akong napamulat dahil may tumatawag, I immediately grab my phone at tinignan kung sino ang tumatawag. Bigla akong nanghina dahil hindi pala ang asawa ko ang tumawag kundi ang kaibigan ko. I answer her call at halata sa boses ko ang pananamlay.
"Oh, anyare teh ang aga mo namang walang energy." Sagot ng kaibigan kong walanghiya.
" Wala lang to, bat ka ba kasi napatawag?" Walang ganang sagot ko,
"Loh bawal, ang nega naman nito, labas naman tayo mamaya oh, miss na kita eh hihihi."
As if, sure akong may bago na naman tong chika, or baka mag eemote na naman to. Napairap na lang ako dahil alam na alam ko na ang mangyayari, anyways wala din naman akong ganang magtrabaho eh kaya pumayag na ako.
"Saan ba? At anong oras?"
" Sa coffee shop beh malapit sa kompanya ng asawa mo, don't be late ha, papatayin talaga kita, see you later sis byers."
Kahit kailan ang kapal talaga ng mukha ng babaeng to eh, pinatayan pa ako tch, Siya yung upakan ko eh. Ibababa ko na sana ng mapansin kong may nag text, it's him, agad ko itong pinindot.
My husband: I'm really sorry, been busy lately, don't skip your meal, love you hon.
Even though it was a short reply, it really made my day, I just send him a happy emoji then naligo na ako.
KANINA pa ako nag aantay sa bruha kong kaibigan dito sa coffee shop, my god natapos ko na lang ang kape ko, siya hindi pa din dumating. Tinawagan ko siya pero binabaan lang ako ng gaga. I sighed again, darating pa kaya yun hays. I look at my watch and malapit ng mag 12 kaya pala nagugutom na ako, umorder na lang ako ng cake saka ito nilantakan.
Pagkatapos kong kumain ay napagdesisyunan kong umalis na lang, saktong papunta na ako sa pinto ng biglang pumasok ang kaibigan ko. Napatingin siya sakin kaya bigla siyang tumakbo papunta sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"BFF miss na miss na miss na kita huhu Hindi mo lang alam na tumakbo ako mula sa amin hanggang dito para makita ka lang." May pa pekeng pa-iyak pa siya habang niyayakap ako. Tinulak ko siya at naglakad na pabalik sa table ko, naramdaman ko naman na sumunod siya.