Chapter 23
Nagising ako dahil sa ingay sa baba.Wala na rin sa tabi ko ang bata, napakunot ang noo ko habang bumababa dahil parang may nagtatalo sa baba.
"What the hell are you people doing in my house?" wika ng isang lalaki, kaya lalong napakunot ang noo ko. Nakabalik na ba siya?
"Well its my mom house?" The little child proudly said.
Nakita ko ang gulat na reaksiyon ni Ryan. He's my only friend, His full name is Ryan Villacorte, his the only son of the famous doctor in the town aside of Doctor Ramirez. Nakilala ko ito dahil kay Doctor Ramirez, he's more like a brother to me.
"P*tang*ina, nawala lang ako ng isang buwan may pamilya na siya?"
Denver stare at him angrily.
"Watch your mouth." He state coldly.
" Ryan?" Nagtataka kong sambit habang nakatingin sa kanya. Napatingin silang lahat sa akin, lumapit sa harapan ko si Cade kaya dahan-dahan kong hinaplos ang mukha nito.
"Good morning baby." Masiglang bati ko rito.
"Good morning mommy, you look so beautiful today, as always " a smile form in my lips as I heard those words.
"Serene, m-may anak ka na?" Nauutal na wika ni Ryan kaya hindi ko maiwasang matawa .
"Kailan ka dumating?" Pag-iiba ko sa usapan.
" Ngayon lang," may hawak itong balot ng pagkain at itinaas niya ito. " Dinalhan nga kita ng pagkain eh,"
" Salamat" I smiled sweetly at him, napabaling ang tingin ko kay Denver, I feel a little scared when I saw how angry his expression is. Bakit kaya to galit?
" Umm btw, Si Mr. James Denver Cassidy nga pala and his bodyguard Theo, then his son Cade, then he's Ryan my-"
May sasabihin pa sana ako, but Ryan interrupt.
" Husband, I'm her husband." Proud na sabi nito, at ngumiti pa na parang nanalo sa lotto.
Napangiti na lamang ako sa kapilyohan nito. Kahit kailan talaga, di ito nagbabago.
" Mr. Cassidy, dito na tayo mag-agahan since may dinala namang pagkain si
Ryan eh." Magalang na alok ko dito, pero nagulat ako dahil sa galit na ekspresyon nito. Bakit ba galit tong tao na to?" No, we're leaving." Kinuha nito ang kamay ng anak na nasa tabi ko at walang pasabing umalis.
Nakalabas na sila ngunit nakatanga pa rin ako sa kinatatayuan ko. Anong problema non?
Nabaling ang tingin ko kay Ryan ng seryoso itong nakatingin sa akin.
"Anong problema?" Nagtatakang tanong ko rito.
" Bakit mo sila kilala? Anong koneksiyon mo sa kanila, at saka bakit tinatawag kang mommy nong batang yun?" Seryosong wika nito.
I kuwinento ko sa kanya ang buong pangyayari at tahimik lang din siyang nakinig.
" Next time huwag ka ng lumapit sa kanila o ang papuntahin man sila rito, you don't know them."
I feel a little bit irritated on what he just say.
" Why?" Hindi naitago ang irita sa boses ko. He just sigh and then say.
" It's for your own good Ren, just listen to me okay?"
I didn't answer him, I'm still confused on what he say. Ano ba talagang meron sa kanila?
He did not wait for my answer . Marahan niyang tinapik ang balikat ko saka ako nilampasan at nagtungo na siya sa kusina.
Napabuntong hinga na lamang ako saka umakyat at naligo. Pagkatapos ay bumaba na rin ako, nadatnan ko si Ryan sa kusina na nag ci cellphone, nakahanda na rin ang pagkain sa lamesa.
Umupo ako sa harapan nito, binaba naman niya ang kanyang cellphone saka ngumiti sa akin. Bumalik na ang dating ekspresyon sa mukha ng lalaki, he acted like nothing happened and I do the same.
Masaya kaming nag ku-kuwentuhan habang kumakain.
Tinanong ko rin siya kung ano ang dahilan nito pero hindi niya ako sinagot bagkus iniiba lang nito ang usapan kaya Hindi na rin ako nangulit pa.
Pagkatapos naming mag-agahan ay nagpaalam na rin si Ryan dahil pupunta siya sa hospital at ako naman ay nagtungo na sa flowershop ko.
Lumipas ang ilang oras, may natanggap akong tawag mula sa bahay ampunan.
" May problema po ba Mother?" Tanong ko rito dahil sa lungkot ng boses nito
" Iha, may pera ka ba?" Nahihiyang tanong nito, kaya agad akong nagtaka.
" Bakit po Mother?"
" Nagkasakit kasi halos lahat ng bata dito sa ampunan , tapos ang iba naisugod na sa hospital, iha kapos na kapos na kami, kaya naman ngayon baka sakaling may maitutulong ka kahit konting halaga lang." Wika nito sa pagod na boses.
Agad akong nanghina sa aking narinig, napamahal na rin sa akin ang mga bata doon. Linggo-linggo akong nag dodonate sa bahay ampunan na iyon upang makatulong sa mga bata. Kaya nakaramdam ako ng labis na kalungkutan sa narinig.
" Gagawin ko po ang lahat "
Nagpaalam na si Mother habang ako naman ay napatulala sa kawalan at nag-iisip kung saan kukuha ng pera. Halos lahat kasi ng naipon ko ay nagastos kona dahil sa gamot ko. Madalas din akong nagkakasakit kaya pabalik-balik ako sa hospital
Nasa gitna ako ng pag-iisip ng nag ring ulit ang telepono.
"Hello?"
" Hello, good afternoon Maam, are you Ms. Serene Valdez? "
" Yes, bakit po?"
" The CEO of CRD Company is requesting your presence, please come here, asap, thank you."
CRD? wait nakita ko na yun ah, magtatanong pa sana ako ngunit bigla nitong pinatay ang tawag.
Nag-alangan ako kung pupunta ba ko o hindi, pero sa huli ay napagdesisyunan kong pumunta na lamang.
Hindi na ako nagpalit ng damit dahil hindi ko naman alam kung anong gagawin ko doon.
Ilang minuto lamang ay nakarating na ako. Napatingala ako sa maganda at mataas na gusali. The owner of this company must be so freaking rich. Papasok na sana ako ng hinarang Ako Ng guard.
" Sino ka?" Tanong nito at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.
" Serene Valdez po."
Tumango lamang ito saka ako pinapasok.
When I enter, I was mesmerized of how beautiful the place is. Para akong teenager na naligaw doon dahil sa suot ko.
lahat ng empleyado ay napapatingin sa akin. Ang iba naman ay pinagtatawanan pa ako, ngunit hindi ko na lang sila pinansin.
Nagtanong-tanong lang ako kung saan ang opisina ng boss nila kaya nakuha ko ang direksiyon nito.
Hindi ko naman napigilang mapanganga dahil punuan ang elavator, seriously?
Naghanap na lamang ako ng hagdan, ngunit napatigil ako dahil may nakita akong isang elavator at wala ring sumasakay dito, kaya lalo akong nagtaka.
Kakaiba ito sa elavator kanina. Nakaramdam ako ng labis na pagod kaya napahawak ako sa gilid nito. Ngunit nagulat ako ng bigla itong bumukas. Kahit nag-aalinlangan ay pumasok ako dito saka pinindot ang panghuling floor.
Secretary ng boss ang sumalubong sa akin at iginiya niya ako sa isang pintuan.
" Nandiyan po si Boss sa loob pumasok na po kayo."
I just mouthed 'thank you' then she just smile.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa aking nadatnan.
Maraming tao ang nasa loob, sa aking palagay nasa kalagitnaan sila ng meeting. Mga professional at disente itong mga tao, ngunit mas lalong napalaki ang mata ko sa lalaking nakaupo na parang hari sa unahan.What the hell. Denver?
"Finally there she is."
05-29-23