Chapter 14
Ilang minuto na ang nakalipas ngunit paulit-ulit pa ring naglalaro sa isipan ko ang sinabi ni Doktora.
We don't have a choice but to kill the child.
Napahawak ako sa tiyan ko at maingat itong hinimas, nagbabadyang tumulo ang mga luha ko ngunit iniangat ko agad ang aking ulo upang pigilan ito.
Hindi ko alam kung pinaparusahan ba ako ng tadhana, ngunit ayukong patayin ang anak ko. Siya na lang ang natitirang pamilya ko dito sa mundo.
Naisip ko ang asawa ko, dali-dali akong bumangon at walang pasabing umalis. Pinigilan ako ng ilang nurse ngunit wala din silang nagawa.
Hindi ako nawalan ng pag-asa, baka kaya pang isalba ng anak namin ang relasyon namin. Habang nakasakay ako ng taxi ay tumawag ako sa bahay, nalaman kong wala doon ang Asawa ko at sinabing na kay Don Feleciano ito, ang kanyang Lolo kaya doon na ako nagtungo.
Pagkababa ko ay agad bumungad sa'kin ang napakaganda ngunit simpleng bahay. Napapaligiran ito ng ibat-ibang uri ng bulaklak.
Pipindutin ko na sana ang doorbell ng saktong dumating si Mang Ando, Ang care taker sa bahay kaya pinapasok niya na ako sapagka't kilala niya rin ako .
Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko si Lolo na mag-isang nakaupo habang seryosong nakatingin sa papeles na hawak niya.
Noong una ay hindi ko ito masyadong makita but I froze when I finally see it clearly.
Divorce paper
Lahat ng pag asa ko ay bigla na lang naglaho. Nanginginig ang kamay kong nilapitan ang matanda. Nang makita niya ako ay agad siyang nabigla ngunit hindi rin maikakaila ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Iha, ano't naparito ka?"
Mahinahon ang boses na tanong nito." L-lo .. p-pakiusap wag mo p-po kaming h-hayaaang maghiwalay.. p-parang a-awa niyo na p-po L-lo."
Mas lalo akong napaiyak ng niyakap niya ako.
" Huwag kang mag-alala iha, Hindi ko kayo hahayaang maghiwalay, kahit ano pa ang mangyari."
Hinagod niya ang likod ko, nabasa ko na nga ang damit ng matanda dahil sa mga luha ko.
" Lo Hindi kami pwedeng maghiwalay dahil-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may biglang nagsalita sa likuran ko.
" What's going on here?" Malamig na sambit ni Denver. Boses pa lamang niya alam kung siya na iyon.
Lumapit ako sa kanya ngunit bigla siyang naglakad at nilampasan ako, kinuha niya ang divorce paper na nakapatong sa lamesa.
" You should sign it."
His voice was full of coldness, coldness that pierce my heart into pieces.
" Hindi! Walang maghihiwalay"
Napatingin kami kay Lolo ng bigla itong nagsalita. Mariin ang tinig nito na parang isang Hari na nag-uutos.
I was relieved deep inside I know that he can't provoke his grandfather.
Pero bigla akong na estatwa sa sunod niyang ginawa.
He kneel in front of his grandfather. He lower his head and then he said the word that I never expected him to say.
" Lolo, I don't want this relationship anymore, please get her out into my life, I am not happy with her anymore, please, I don't want to see her ever again."
His eyes say it all, sasagot pa sana ang matanda pero nabigla ito sa sunod kong ginawa.
My body was shaking and my hands were both trembling. I slowly walk toward the center table, with my trembling hand I sign the divorce paper.
Then, all those years with him end.
Before I walk out through the door, I smile sadly while touching my stomach, na tila kinakausap ang walang muwang kong anak.
Anak, pasensya na pero hindi na kaya ni mama.
Paglabas ko ay nakita kong nakaparada pa ang taxi na sinakyan ko kanina. Walang pagdadalawang isip na sumakay ako rito.
" Manong dalhin niyo po ako sa tabing dagat."
Walang buhay na sambit ko.
Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa labas, nakatulala. Hindi na rin nagsilabasan pa ang mga luha sa aking mga mata, napagod na ata ang mga ito.
" May problema ba iha?" Hindi na yata napigilan ni manong ang mang-usisa.
" Naghiwalay na po kami." Malungkot na saad ko.
Nabigla ito ngunit agad ding nakabawi.
" Bakit mo siya pinakawalan?"
Bakit nga ba? Dahil sa tanong na ito, naalala ko na naman ang mukha niya habang nakikiusap na burahin ako sa mundo niya.
Malungkot akong ngumiti kay Manong.
" Dahil sa sobrang mahal ko siya,, kaya ko siyang pakawalan maging masaya lang siya kahit sa iba na."
Ramdam ko ang awa sa akin ni Manong at hindi na muli itong nagsalita pa.
Hapon na ng narating namin ito, pagkababa ko pa lamang ay agad na sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin.
Walang katao-tao sa lugar na ito, umakyat ako sa malaking bato doon. Nakatayo lamang ako habang nakatingin sa malawak na karagatan sa harapan ko.
Habang tinititigan ko ito ay isa-isang bumabalik ang mga masasayang alala ko.
Kumikirot ang dibdib ko habang na aalala ko ang mga ito.
Hinubad ko ang aking tsinelas at ang aking relos, ipinatong ko din ang maliit na bag ko. Humarap ulit ako sa malawak na karagatan.
Bigla kong na miss ang mga magulang ko, nais ko na silang makasama.
Napayuko ako at hinawakan ang tiyan ko, at saka ngumiti.
Anak huwag kang mag alala sasamahan ka ni mama, pupunta tayo sa Lola at Lolo mo. Pasensiya na kung hindi mo masisilayan ang mundong ito.
Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan- dahang humakbang, hanggang sa wala na akong natapakan.
Agad na yumakap sa akin ang napakalamig na tubig, nakapikit pa rin ako, at sa hauling sandali ay nakaramdam ako ng labis na pagod.
Sa wakas matatapos na ang lahat.
Gumuhit sa aking labi ang isang mumunting mga ngiti.
Hanggang sa wala na akong naramdaman. Everything went black.
05-22-23
( Hi I have new fb account, if you have time kindly follow me,
FB: Graciella Rain
thanks a lot, godbless:> )