Chapter 12

183 7 2
                                    




Chapter 12






Today is our wedding  anniversary, malungkot akong bumangon sa kama namin. Napatitig ulit ako sa litrato namin, hindi ko alam kung ilang minuto ko itong tinitigan ngunit naramdaman ko na lamang ang likido na nagsisilabasan sa mga mata ko.

Agad ko itong pinahid saka napagdesisyunan na maligo muna.

Pagkababa ko ay nakasalubong ko si manang Lucia.

" Oh iha, mabuti naman at nagising kana, halika't  mag-agahan ka na."

Malungkot lang akong ngumiti sa kanya saka umiling. I don't have appetite to eat.

Wala talaga akong gana ngayon, halos araw-araw ata eh.

" Iha naman, nangangayayat kana eh, masama  yan sa kalusugan."

"Hindi na po Manang, mamaya na lang po."

" Sigurado ka? O siya sige, maglilinis muna ako."

Sabi nito sabay dampot ng walis.

" Ah manang si Denver po?"

" Hindi pa umuwi eh,"Malungkot na saad nito, bilang tugon ningitian ko lang siya.

Tinawagan ko na lang ito, naka ilang ring lang saka niya ito sinagot.

" Where are you? Bat hindi ka umuwi?"

" Work."

E end call ko na sana ng may nagsalita sa kabilang linya.

" Who's calling?"

Boses pa lang nito ay kilala ko na, mapait akong napangiti saka binaba ang tawag. Maaga pa para dito.

Pumunta ako sa mall para bumili ng lulutuin. Umaasa pa rin ako na baka sakaling mababalik ang trato niya sakin noon.

Isinantabi ko muna ang malungkot na nararamdaman ko at nag focus muna sa pamimili.

Magbabayad na sana ako ng may biglang naglapag ng card sa harapan ko, pagtingin ko rito ay sumalubong sakin ang isang  lalaking  ngiting-ngiting nakatitig sakin .

Nagtataka ko itong tinignan, napatingin rin sa kanya ang cashier at agad itong namula saka napaiwas ng tingin.

" Sir, Hindi pa kasi ako nakapagbayad-" he cut me off.

" I know, kaya I'll treat you."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

" Who are you to treat me sir?"

Napahawak naman ito sa baba na tila  nag-iisip, saka ngumiti ng pagkalapad.

" Let's just say I'm your brother in your past life, I'll pay for you and then you'll give me your number. How 'bout that"

I sneer on what he  said, saka inirapan siya.

" Sir, I don't have time for your games, so can you please, get out of my sight."

Nabaling ang tingin ko sa cashier ng humagikhik ito. Nang nakita niya akong. nakatingin  ay agad itong tumahimik.

" I'm not playing, okay I won't ask for your number, just remember me , Ryan."

Ngumiti ito sakin ng nakakaloko  at kumindat saka dinampot ang card niya at walang pasabing umalis.

Lakas ng trip, napailing na lang ako saka binaling ang tingin sa cashier.

Inabot ko ang card ko pero tinanggihan niya ito saka inabot ang pinamili ko.

Wala na akong nagawa kaya kinuha ko na lamang ito. Walanghiya nagka-utang na loob pa ako tss.

Forgetting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon