Chapter 19

186 6 0
                                    







Chapter 19




Nilibot ko ang aking tingin sa paligid, nagulat ako dahil nasa isang paaralan ako. Napakaraming estudyante ngunit labis ang aking pagtataka dahil hindi nila ako nakikita. Patay na ba ako? Wala sa sariling tanong ko.

Isang babae ang nakaagaw ng aking atensiyon. Nilapitan ko ito, malungkot itong naglalaro sa swing habang nakatulala lang sa kawalan. Umaalon ang buhok nito at hindi ko napigilang mapahanga sa taglay nitong ganda . Kumikintab ang makinis at maputing balat nito habang nasisinagan ng araw, her face look so innocent, she look so carefree, but her eyes look so sad. I suddenly feel hurt while staring at those eyes.

Nakatayo ako sa harapan nito ngunit hindi niya ako nakikita. May isang lalaking biglang dumating. Matangkad ito at moreno , ngunit ito'y payat pero kahit na ganun ay hindi pa rin nito naitatago ang taglay nitong kagwapuhan .

Tumayo ito sa gilid at hinawakan ang lubid ng swing kaya biglang nagulat ang babae. Napatingin ito sa lalaki at agad itong bumusangot ngunit tumawa lamang ang lalaki.

"Malungkot ka na naman, ulan. Bagay talaga sayo pangalan mo laging naglalabas ng tubig." Inirapan siya ng babae, ngunit tumawa lamang ito kaya lalong nainis ang babae.

" Kahit kailan bwi*et ka jejemon na payatot." Ang kaninang lungkot sa mukha nito ay napalitan ng inis.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa nasaksihan, the boy was trying to comfort the girl in his own way.

" Ano bang problema ulan? Magkwento ka na oh, libre na to, mahal kasi ang oras ng mga guwapong kagaya ko no. Busy akong tao, dapat nga nasa gasoline station ako ngayon eh." Tumingin pa ito sa pulso niya na para bang tinitignan nito ang relo kahit wala naman.

" Wag mo nga akong lokohin, alam kong day off mo ngayon no." I can see a ghost smile in her face, but she acted like she's annoy.

" Hehehe, ano ba talagang problema mo ulan?" Napakamot pa ito sa ulo. I noticed that his a hardworking guy, may mga dumi ang kuko nito, nakasuot rin ito ng maduming polo at maitim ang ilalim ng mga mata nito.

" Papalapit na kasi ang family gathering tapos wala akong pamilya, hahaha." She's laughing fakely, bigla akong nasaktan, may dumaan na lungkot sa mukha ng lalaki. Ngunit agad din itong ngumiti. His trying to hide his sadness.

Sinapak nito ang ulo ng babae, kaya nanlilisik ang mga matang tinignan siya ng babae.

" Ano ba! Kahit kailan may saltik yang utak mo eh." Galit na sambit nito habang napahawak sa ulo.

" HAHAHHA Ang pangit mo kasi, huwag kang mag-alala, pakasalan mo na ako para may parents kana, tapos may instant pogi ka pang Asawa. Solve ang problema mo, tsaka alam kong may pagnanasa ka sakin no." Mahangin na sabi nito sabay kindat at nagpa pogi pose pa.

Forgetting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon