Chapter 30
Walang pasabing tumayo ang lalaki at saka ako hinila. Hindi na ako na kaangal pa. Nang malapit na kami sa pintuan ay napalingon ako sa table, nakangisi si Jake habang nakatingin sa akin. I find it weird, what's with him?
Nandito na kami sa kotse niya. Walang umimik ni isa sa amin. Saka hindi rin ako mapakali dahil katabi ko siya. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango ng lalaki. Habang si Cade naman ay natutulog sa front seat.
Pabaling-baling ang tingin ko kung saan saan. Minsan ay hindi ko maiwasan ang mapatingin sa lalaki, ngunit agad din akong iiwas. Baka kasi mahuli niya akong nakatingin sa kaniya mag-assume pa Siya.
"Whats wrong?"
I can feel the chills in his voice soon as I hear it. Nag-isip ako ng idadahilan, hanggang sa naisip ko ang 1M."Umm ahh y-yung 1 million."
Kinakabahan kong saad, I don't know why I feel nervous."I already send it." Napakunot ang noo ko sa sinabi ng lalaki.
" Send?"
He look at me for a second then he look away. He is still emotionless.
"Yeah, I know, you want to help the home of the orphanage right?"
Napatango naman ako sa sinabi nito, pero agad rin itong napalitan ng pagtataka.
"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko sa kaniya.
" I know everything."
Maikling sagot nito, magtatanong pa sana ako ngunit nakarating na kami sa shop ko kaya nagpaalam na ako sa kanila.
Nag-ayos lang ako saglit saka napagdesisyunang tumawag sa bahay ampunan.
Nakumpirma ko na pinadala na doon ang pera. Hindi ko naman maiwasang natuwa sa narinig, kaya buong araw magaan ang loob ko.
Habang nagbabasa ako ay narinig kong tumunog ang bell, hudyat na may pumasok. Hindi ko na ito tinignan at pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa.
"Ang busy ata natin ah."
Napatingala ako ng marinig ko ang boses ni Ryan. Malaki ang ngiti ng lalaki at sinuklian ko rin ito ng ngiti.
"Hindi naman." Sagot ko, habang inaayos ang nakakalat na libro sa lamesa ko.
" Iwasan mo na sila Serene." Seryosong saad ni Ryan, nawala na ang maliwanag na ngiti ng lalaki, kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
" Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
He sigh heavily, " Hindi sila makakabuti sayo."Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Why?" Seryosong tanong ko sa kaniya, I can sense that he's hiding something from me.
" Just avoid them."
I immediately shook my head.
""No, I won't, unless you tell me the reason." I stated firmly.
"Leave them."
"Bakit? Parte ba sila ng nakaraan ko?"
Lalo akong napuno ng kuryosidad sa tunay na dahilan kung bakit ko iiwasan ang mag-ama.He sigh and look at me hopelessly. He was about to say something when someone interfere.
"Avoid them." That powerful tone, Boses pa lang nito ay kilala ko na.
Napabaling ang tingin ko sa taong iyon.
"Pack your things, were going somewhere far away from here." I was shock, bakit naman kami aalis?
Napailing ako,
"No."
His aura become more colder because of what I said.
"Your going with me and that's final, Serene."
I was a little bit stunned, Ngayon ko pa lang narinig ang kalmado ngunit nakakatakot niyang boses.
"No! Wala kang karapatan na mag desisyon sa buhay ko, You are just my Doctor."
Nabigla siya sa sinabi ko, pati rin ako ay nabigla sa winika ko. A pain cross form his eyes. I immediately cover my mouth. I shouldn't have said that.
"Umalis na kayo, UMALIS NA KAYO!"
Walang ni isa sa kanila ang gumalaw, I was crying at tanging hikbi ko lang ang maririnig sa paligid. I don't want to hurt them again especially my Doctor.
Then they walk away. Nong wala na sila ay isinarado ko ang pinto saka patakbong nagtungo sa kwarto ko.
Tulala lang ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto . Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mukha ng mag ama. Hindi ko sila kayang iwan sa hindi ko malamang dahilan.
Ilang minuto ang nakalipas at biglang bumigat ang talukap ng mata ko hanggang sa ako ay nakatulog.
Naalimpungatan ako dahil sa kakaibang init at amoy na nalalanghap ko. Pagdilat ko ay agad rin akong napapikit dahil sa usok sa paligid. Labis akong nagulat kung bakit napapaligiran ng usok ang kwarto ko.
Nagtungo ako sa pintuan. Pagbukas ko sa pinto ay natigilan ako sa nasaksihan. Napakalaki ng apoy na halos inuupos na ang hagdanan at pader ng bahay.
Impossible rin akong makalabas dahil sa unti unti ng nauupos ang daanan. Isinara ko ang pinto at nagtungo sa bintana. Ngunit hindi ko ito mabuksan, kaya labis akong nagtaka. Pinilit ko itong buksan ngunit hindi talaga ito mabuksan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay kinakapos na ako sa paghinga. Napahiga ako sa sahig dahil tuluyang ng nauubos ang enerhiya ko.
Pagod akong napangiti, dito na ba magwawakas ang buhay ko?
Tuluyan ko na sanang ipipikit ang mga mata ko ngunit may naaninag akong isang maliit na kahon sa ilalim ng kama.
Parang may nag uudyok sa akin na tignan ang laman nito.
Unti-unti ng kinakain ng apoy ang kwarto ko. Inabot ko ang kahon at saka sumandal sa kama . May kandado ito kaya pagod na inilapag ko ito sa sahig.
Napahawak ako sa leeg ko at bigla kong naalala ang kuwintas na binigay sa akin noon ni Doctor Ramirez.
Kinuha ko ito, isa itong maliit na susi. Hindi ko alam kung bakit niya ako binigyan ng susi.
Gamit ang nanghihina kong kamay ay kinuha ko ang kahon saka ito binuksan.
Nabuksan ko ito, ngunit nandidilim na rin ang paningin ko.
Puro litrato ang laman nito, at may bracelet din. Kinuha ko ang isang litrato at nilapit ito sa mukha ko.
Natigilan ako sa nakita ko.
Wedding picture ito ni Denver at ang yumaong Asawa nito.
Nabalot ng pagtataka ang puso ko dahil sa nakita. Bakit nasa akin ito? Saka bakit nagtugma ang susi na binigay ng Doctor sa kahon?
Binaliktad ko ito at nakita ko ang isang sulat kamay ng babae.
'Serene, Rain'
Napatitig ako dito, bigla na lang kumirot ng matindi ang ulo ko saka tuluyan na akong bumagsak.
May mga ala-alang pumapasok sa isipan ko na parang isang napakalakas na agos ng tubig.
Bago ako tuluyang nawalan ng malay ay bigla kong nasambit ang mga katagang hindi ko inaasahang maririnig ko mismo sa sarili ko.
"Hon, Denver."
06-28-23