Chapter 13
Nakaupo lang ako sa isang sulok habang yakap yakap ang aking mga tuhod , patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiyak. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.
Nasilawan ako sa liwanag na nagmumula sa bintana kaya binuka ko ang aking mga mata. Nagtataka ako kung bakit nasa kama na ako. Ang huli kong natandaan ay nasa isang sulok pa lamang ako non. Isinawalang bahala ko na lamang ito. Masyado ng maraming nangyari para isipin ko pa ito.
Nakaramdam ako ng labis na gutom kaya bumangon na ako.
Nang makita ko ang mukha ko ay agad akong napangiti ng malungkot. Pugto ang aking mga mata, at nangingitim na rin ang ilalim nito. Naghilamos lang ako at nagbihis saka bumaba.
Naabutan ko si Manang sa kusina na naghahanda ng almusal. Nakita ko rin na malinis na ang kusina.
"Oh ineng halika rito't mag almusal kana, napagod ka ata kaga-"
Napatigil siya sa pagsasalita ng mapansin niya ang mukha ko. Agad akong napaiwas ng tingin.
" Iha anong nangyari sayo?"
Umupo ako saka nagsimula ng magsandok ng kanin. I try to act normally and hide the fact that I'm hurt, pero hindi ata ito mangyayari.
" W-wala po ito nay, nanood kasi kami ng movie kagabi ta.. tapos nakakalungkot Y..yung kwento kaya napaiyak ako."
Nauutal kong saad habang iniiwasan ang
tingin niya. Hinuha ko ay hindi niya pa alam ang nangyari kagabi, ayaw ko ring magkwento kay Manang.Nang napagtanto niyang ayaw kong magkwento ay tumahimik na lamang ito.
Susubo na sana ako pero ng naamoy ko ang ulam ay agad bumalikwas ang aking sikmura . Dali-dali akong nagpunta sa
lababo at sumuka. Nataranta naman si Manang at inalalayan niya ako para makaupo." Nak anong nangyari? ayaw mo ba sa niluto ko?"
Agad akong umiling then I smile apologeticly.
" Nay hindi po, hindi ko rin alam eh baka siguro stress lang ito."
Sinipat niya ako ng mabuti saka nagtatakang tumingin sa'kin.
"Iha baka nagdadalang tao ka "
Nagulat ako saka napailing, impossible, mahirap akong mabuntis eh, naranasan ko na rin ito dati pero wala lang pala. I shook my head at nalungkot akong napangiti, baka siguro iniwan niya ako kasi hindi ko siya kayang bigyan ng anak, when I thought about it, it kills me, I am his wife but I can't even fullfil my duty.
Damn, nagsilabasan na naman ang taksil kong luha pinahid ko lamang ito. Mas lalo akong napaiyak ng niyakap ako ni Manang, she's like a mother to me, I longed for this hugs. It makes me want to cry more.
Lahat ng hinanakit ko, lahat lahat iniyak ko na. Pagod na pagod na ako sa totoo lang. Kung may baril lang dito eh binaril kona sarili ko.
Napakalawa ako ng yakap sa kanya ng may marinig kaming paparating na sasakyan.
Let's just settle this matter tomorrow.
I remember those words again.
Ngayon na ba? Will he force me to sign, no I won't, No. I will never, over my dead body.Kabaliktaran ng inaasahan ko, Hindi SI Denver ang dumating kundi ang babae niya, Si Athena. She's wearing a sexy dress na luwang-luwa ang dibdib nito. Kulang na lang maghubad eh. Napakakapal ng make up nito kagaya nang pagmumukha niya.
Napakuyom ako ng aking kamao ng ngumiti ito na parang nanalo siya. Ngunit bigla akong nanghina ng may nilabas itong papel at ballpen.
"Oops, ako na ang naghatid para ma sure ko na mapapakasalan ko na siya as soon as possible, so I can finally live here ."
Mayabang na pahayag nito habang nilibot pa ang tingin sa paligid.
Kung ibang tao ang kaharap nito, siguro sinugod at sinabunutan na niya ang lintang to. But I didn't do that, instead I do the opposite. Nagulat siya ng hindi nangyari ang inaasahan niya.
Napayuko ako bago lumuhod sa harapan niya, tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko saka napahagulhol Ng iyak. She's right I'm losing but, I don't want to lose him. Kahit ito na lang, kahit pride ko na lang ay kaya ko pa rin itong isugal.
" ....P-please d-don't take h-him away f-from me, kahit m-magk-karelasyon pa kayo b-basta akin p-pa rin siya ......p--please I'm b-begging you...."
I can sense that she stiff and she smile devilishly. Pero wala na akong pakealam don, I can't afford to lose him, not him.
"Aww, what a pity little wife, hahaha, wala ka ng magagawa cause his mine, but I like to see you begging.HAHAHHA"
Nakakainsulto. Ngunit himdi ako nagpatinag sa sinabi niya, if this is the only choice I have, then I'm willing to do it.
" Iha lumayas ka muna dito, nakakaabala kana, at wala kang karapatan na insultuhin siya ng ganyan, alam ba ito ni Sir?."
Galit na saad ni manang habang pinipilit akong tumayo. But I didn't
" Oh filthy old woman stop int___"
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Athena ng biglang kumirot ang ulo ko at kasabay non ang pagbagsak ko sa malamig na sahig, then everything went black.
Puting kisame agad ang sumalubong sakin pagmulat ko. Alam kung nasa hospital ako, nakita ko si Manang na nag- aayos ng mga pagkain at prutas.
" Manang " Sabi ko sa napapaos na tinig.
Agad itong napalingon at marahan na ngumiti sakin.
"Iha kumusta ang pakiramdam mo?"
Nag-aalalang taning nito.
" Okay na naman po, Manang"
" Teka lang iha tawagin ko muna si Doc."
Pipigilan ko sana siya ngunit nakalabas na ito kaya napabuntong hinga na lamang ako.
Nakatulala lang ako habang nakatitig sa puting kisame, Hindi ko akalain na sa isang iglap lang, mawawala na siya sakin. Parang kahapon lang masaya kami pero bakit ganon?
Naramdaman ko Ang papalapit na yabag hanggang sa pumasok si Doctor Ramirez at si Doktora Celestiana ang personal kung doktor.
" Rain, anak how are you? Are you feeling better?"
Tipid akong ngumiti rito, kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko kapag andito siya, na para ko ng tunay na ama.
" Ayos naman po, pero ano ho ba talga ang sakit ko? Bakit parang pakiramdam ko may problema na sa katawan ko?"
Biglang sumeryoso ang mukha ni Dr Ramirez at saka seryoso silang nagkatitigan ni Dra. Celestiana.
Hindi ko maiwasang kabahan sa inaakto nila. Sa kabilang banda, tahimik lang na nakinig si Manang sa amin.
" Congratulation Mrs. Cassidy you're 1 month pregnant."
Agad akong nabingi sa sinabi niya, di ako makapaniwalang napatingin sa kanila. Pregnant? Did I heard it clearly? Hindi ko maiwasang maging masaya ngunit nangingibabawa pa rin ang kaba ko.
" Teka lang Doc ? How did it happened?"
Di makapaniwalang tanong ko.
" Everything can happen Rain." Masaya ngunit may bahid ito ng lungkot na saad ni Doctor Ramirez kaya mas lalo akong naguluhan sa inaakto niya. Something is odd.
" I'm sorry to say this but"
Hindi ko maiwasang hindi kabahan, para akong nawalan ng hininga sa mga sunod na katagang binanggit ni Doktora.
" You can't keep that child, it's either your life or your child's life, I'm sorry Mrs Cassidy."
Is this my fate?
05-20-23