Chapter 20

201 7 2
                                    




Chapter 20


Aba't- ang kapal naman ng mukha niya. Ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay agad napalitan ng inis.

"Ang kapal mo naman, Hindi porket gwapo ka aakitin na kita no, assumero." Inirapan ko ito, ang galing niyang mang bwesit eh.

Hindi nito pinansin ang sinabi ko.

" Sleep." Wala pa ring emosyon ang mukha nito. Dahil ayuko ng makipag-talo ay sinubukan kong matulog.

Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako makatulog, I can't sleep while someone's watching me.

I sigh heavily at saka bumangon, sinalubong ko ang malamig na tingin niya.

" Pwede bang umuwi kana, Hindi kasi ako nakakapagpahinga eh." Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Konti na lang pwede na siyang maging yelo eh.

" Just pretend that I'm not here."

Lalo namang uminit ang ulo ko sa sinabi nito.

"Baliw ka ba! Hindi ako artista umuwi kana o kahit anong gawin mo basta umalis ka na dito." Naiiritang saad ko, hindi ko alam pero umiinit ang dugo ko sa kanya.

" It's either you sleep or I will coax you to sleep, you choose."

Bigla naman akong namula sa sinabi nito kaya napaiwas ako ng tingin. Dahil ayukong makita niya ang namumulang mukha ko ay nagtaklob ako ng kumot.

Kahit anong pilit ko ay hindi talaga ako makatulog. Nagawa ko na ata ang lahat ng posisyon, naisip kona ang walang kwentang mga bagay, ngunit hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Kakaiba talaga ang presensiya ng lalaking to eh.

Naramdaman ko ang papalapit niyang yabag. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, agad kong kinapa kung may magagamit ba ako na panlaban kung sakaling may gagawin siyang masama sakin. Ngunit wala akong nakapa.

" I won't do anything to you, stupid." Masungit na saad nito. Nakakarami na tong lalaking to ah.

Hindi ko pa rin tinanggal ang kumot upang hindi ko masilayan ang pagmumukha nito.

"Give me your hand."

Naguluhan ako sa sinabi niya, hand? Anong gagawin niya sa kamay ko?

Tinanggal ko ang kumot na humaharang sa mukha ko at hinarap siya. Ngunit bigla akong nagulat dahil sa lapit ng distansiya niya namin.

I stop breathing for a moment. Napatitig ako sa mga mata nito, it look so cold but it have a lot of unhidden pain. Medyo maitim rin ang ilalim ng mga mata nito, I can feel that his tired. Pero what make me confuse is, I feel a lot of emotions when I'm with him.

" So are we just going to stare at each other."

Bigla naman akong natauhan saka inirapan ito. Nagulat ako ng bigla niyang kinuha ang kamay ko. Nang nahawakan niya ito ay parang libo-libong kuryente ang dumaloy sa katawan ko. My heart is beating abnormally and i feel like there's something on my stomach, ito ba yung sinasabi nilang paro-paro sa tiyan?

" Calm down, I will just help you, so you can sleep."

Nagtataka ko itong tinignan. Inumpisahan nitong masahiin ang kamay ko. At first I was shock of how good he is, napakagaan lang ng kamay nito. I'm amazed.

" It will help you feel sleepy, now sleep."

Awtomatiko akong sumunod sa utos nito, a moment later, unti unti ng bumigat ang talukap ng mga mata ko.

But before I fall asleep I managed to ask him a question.

"Why are you doing this? You can just leave me alone." Wika ko sa inaantok na boses.

" I want to atleast do what I promised, even if it's not for her anymore."

Hindi ko narinig ang sinagot nito dahil tuluyang na akong nakatulog.

Nagising ako dahil sa pag-uusap ng dalawang tao. Imumulat ko na sana ang aking mga mata ngunit hindi ko iyon ginawa. I just pretend that I'm sleeping because I want to listen of what their conversation.

" What the hell are you doing here Denver?" Galit na wika ng isang lalaki, wait- boses yun ni Doctor Ramirez ah.

" Nursing her" he said plainly.

I'm touched of what he said, marunong pala siyang tumupad sa usapan.

" And why would you do that?" Galit na sagot ni Dr. Ramirez, mag kaaway ba sila?

" My son ask for it."

Natahimik ang paligid, wait wala bang isasagot si Doctor Ramirez. Sumilip ako ng konti. I saw his mouth agape, he look so shock. Hindi naman ako napakali, is there any problem?

" N-nagkita ba sila?" Nauutal na wika nito. His acting weird kaya mas lalo akong nagtaka.

"They met first, before I met this woman."

"No, that can't be." He said while shaking his head, pati si Denver ay nagtaka na rin sa ikinikilos nito.

"Bakit anong problema Doc?" Hindi ko napigilang magtanong habang bumangon at sumandal sa kama.

Napatingin sila sa akin, wala pa ring emosyon si Denver, Hindi naman maikakaila ang kakaibang emosyon sa mukha ng Doctor.

" It's already 6, I'll go now." Sabi ni Denver habang sumilip sa kanyang mamahaling relo saka umalis, napatitig ako dito, weird, pero parang nakita ko na yun dati.

Nang sumara ang pinto ay seryoso kong tinignan ang Doctor.

" Doc?"

He sigh and then he smile.

" Don't think about it iha, it's nothing."

I know that his hiding something from me and I'm pretty sure that he won't tell it. But I will find it out soon, for now I'll give up.

Tumango lang ako saka ngumiti. Umupo na ito sa upuan sa gilid ko. Saka seryoso akong tinignan.

" May naaalala ka ba iha?"

Napaisip ako bigla,

" Bago ako nahimatay may nakita at naririnig akong boses ng babae at lalaki pero hindi ko nakita ang mukha nila."

Seryosong itong tumango.

"May iba pa ba? Oh may napapanaginipan ka ba na parang may koneksiyon sa ala-ala mo?"

" Parang meron Doc eh pero hindi ko maalala, pero Doc parang hindi lang sila basta panaginip." Nagtataka kong wika, malakas ang kutob ko na may napanaginipan ako.

Napaisip ito bigla saka tumango, then he continue asking.

" Anong nangyari iha? Bakit mo sila kasama? At paano mo sila nakilala?"
Sunod-sunod na tanong nito, isinalaysay ko naman sa kanya ang buong pangyayari.

" Huwag ka ng lumapit sa kanila." Seryosong sagot nito.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito, Saka bahagyang may kung anong kirot ang naramdaman ko sa aking puso.

"Bakit po Doc? Hindi naman sila masamang tao eh?"

" Serene, makinig ka sa akin, para ito sa ikabubuti mo."

Nakikita ko sa mukha nito ang ka seryosohan at labis na pag-aalala, kahit na Doctor ko lamang ito ay para na rin itong tunay kong magulang.

Sa huli ay tumango na lamang ako. Nagkwentuhan kami sa ilang mga bagay hanggang sa nagpaalam na ito.

Paulit-ulit na lumalabas sa ala-ala ko ang masasayang ngiti ni Cade, kaya labis akong nalungkot sapagkat hindi ko na ito muling masisilayan.

Hapon na ng nakalabas ako ng hospital, magbabayad na sana ako ng sinabing may nagbayad na daw para sa akin. Sa tingin ko ay si Doctor Ramirez iyon. Babayaran ko na lamang siya pag nagkita kami ulit.

Malungkot kong binaybay ang daan patungo sa labas ng hospital.

Paglabas ko ay may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa taong yun at bigla akong napanganga sa nakita ko.















05-27-23

Forgetting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon