Chapter 15
Clear, Clear,
Please do everything
Now!
Faster!
No, you can't die
Clear
Nasa langit na ba ako? Hindi ko alam ngunit nakakarinig ako ng ingay mula sa paligid ko. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit hindi ko ito magawa, then I can't hear any voices anymore, tila ba lumalayo ang mga ito sa akin and then everything went black.
Pagmulat ko ay napapikit agad ako dahil sa liwanag. Ilang sandali pa ay nakapag adjust na ako sa liwanag. Agad akong nagtaka, dahil nasa hospital ako. I suddenly remember the voices that I heard, so it's not a dream.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse, Nang nakita niyang gising na ako ay nagulat ito.
" Ay gising na po pala kayo, tawagin ko muna si Doc."
Pagkasabi nito ay agad itong umalis. Hindi ko na ito pinigilan, bagkus gusto ko rin na makita si Doc. sapagkat marami akong tanong sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok si Doctor Ramirez, napakaseryoso ng mukha nito kaya bigla akong napalunok at napaiwas ng tingin.
Chineck-up lamang niya ako at pagkatapos ay pinaalis niya ang isang nurse at nanatili naman siya.
"Tell me iha, what happened?" Ang kaninang seryoso nitong mukha ay agad napalitan ng malungkot at malambot na ekspresyon.
Kaya napayuko na lamang ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.
" Doc sinong nagdala sakin dito?" Mahinang sambit ko.
" One of our Doctor, Ryan Villacorte."
Ryan, his name is familiar, ngunit hindi ko ito maalala, kaya isinawalang bahala ko muna ito.
"Care to tell me everything iha? Why did you want to kill yourself and your little angel?"
I sigh and smile sadly, then afterward I tell him everything.
Habang nag kukuwento ako ay hindi ko naiwasang mapaluha. Nakita ko din ang pagkuyom ng kamao ni Doctor, nanggigigil ito, tila galit na galit.
Pagkatapos kong magkuwento ay niyakap niya ako. Doon kona nilabas lahat ng hinanakit ko sapagkat ipinapangako ko na ito na ang huling beses na iiyak ako ng dahil sa kanya.
Lumipas ang ilang minuto ay kumalawa na ako sa yakap at pinunasan ko ang aking luha.
" Patawad anak, akala ko kasi simpleng tampuhan lamang ang nagaganap sa inyong dalawa kaya hinayaan muna kita, pasensiya na talaga." Malungkot na wika nito.
" Dad, can I ask some favors?" Seryosong wika ko habang seryosong nakatingin sa kanya. Halata mang nagulat ito ay nagawa pa rin nitong tumango . Alam niya kasing malaking pabor ang hihilingin ko.
"WHAT!! that's insane iha, no I will not agree." He said firmly
Alam ko nang ganito ang reaction niya, but I'm desperate.
" Dad please, kahit ito na lang, please." Pagmamaka-awa ko rito, nang Hindi ito magsalita ay malungkot akong tumingin sa kanya, then I said;
" If you won't do it, then I rather killed myself again."
Agad itong nataranta at saka pinigilan ako sa pag alis. Alam niyang gagawin ko ito kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumayag.
" I will do it, but in one condition." Mariin ko siyang tinignan habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin.