Chapter 22

157 6 0
                                    







Chapter 22


"Hindi ba masarap?" Nag-aalala kong tanong rito.

"No, it's delicious"

Para naman akong nabunutan ng tinik sa sinabi nito.

Nagsimula na ring kumain si Theo at nanlaki ang mata nitong napatingin  sa akin.

" Ang sarap ng luto mo." Amaze na amaze pa na sabi nito, kaya napangiti ako at saka nagpasalamat.

Pagkatapos naming maghapunan ay nagligpit na ako saka sila hinatid sa labas. Ngunit biglang umulan ng malakas at may kasama pa itong kulog at kidlat kaya pumasok ulit kami sa loob.

Napahikab ang bata  saka  yumakap sa ama.

"Dad, I'm sleepy." Sabi nito sa inaantok na boses. Binuhat naman ito ng kanyang ama.

Masyadong malakas ang ulan kaya delikado ang bumiyahe ngayon.

" Umm, doon mo muna patulugin ang bata sa kwarto ko, malabo atang tumigil ang ulan ngayon eh." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa labas.

Tumango lamang ito, kaya iginiya ko na siya sa kwarto ko. Medyo may kalakihan naman ang kwarto ko. May isa itong kama, library,  bed side table, study area  at isang cabinet.

Ibinaba na nito ang anak sa kama at hinalikan sa noo. Seeing this scene move my heart.

Hindi man niya sabihin ngunit  ramdam ko ang pagod nito.

"Umm tabihan mo na si Cade, Hindi  kasi ako matutulog ngayon dahil natulog na ako kanina sa hospital."  sabi ko habang iniiwasan ang tingin ng lalaki. Para kasi akong malunod sa mga malalalim na mata nito.

Hindi ko  siya hinintay na sumagot bagkus nagtungo ako sa study area  at pinailaw ang study lamp ko.

I decided to read all night,  Hindi naman talaga ako inaantok.

Something caught my attention, napatulala ako sa nabasa ko sa libro.

'Memories can be forgotten  but the feelings will still remain.'

Feelings will still remain.

Paulit-ulit itong naglalaro sa isipan ko, ilang minuto akong napatulala, ibig sabihin ba nito ay may koneksiyon ang nararamdaman ko sa ala-ala ko? I shook my head, then I put down the book.

Both of them are  already sleeping, I can't help but to stare at them intensely.

I don't know but i really feel a different emotion when I'm with them. I smile sadly, I don't know but I feel like I want to be with them, which is impossible to happen.

I suddenly feel sleepy, so I decided to take a nap .

" Saan mo gustong ikasal paglaki mo?"

Napaingos naman ang babae sa tanong nito.

"Malamang sa simbahan, alangan naman sa sementeryo." Masungit na wika ng babae . Kaya napakamot na lamang sa ulo ang lalaki.

"Sungit nito pssh." Nasa isang restaurant sila ngayon,  walang masyadong tao kaya hindi masyadong maingay ang paligid .

Ilang minutong walang nagsalita sa kanila hanggang sa binasag ni Denver ang katahimikan.

" Kapag sa next life mo papipiliin ka kung maging sino ka, sino yung pipiliin mo ?" Seryosong tanong ng lalaki.

Nag-isip ng ilang minuto ang babae saka napangiti.

" Gusto kong maging si Serene." Masiglang sagot ng babae.

Forgetting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon