Chapter 16
Serene POV
5 years later
Maaga akong nagising, nagdasal muna ako, bago ko ginawa ang morning routine ko.
Ganito lagi ang buhay ko araw-araw, mag -isa lang ako ngunit masaya naman kahit minsan pakiramdam ko ay parang may kulang sa akin pero hindi ko na lang iyon pinapansin.
Napangiti ako habang nagbubukas ng maliit kong flowershop . Ito ang naiwan sa akin ng Lola ko base sa kwento ng Doktor ko, Hindi ko man siya maalala ngunit labis ang pasasalamat ko sakanya sapagkat ito ang nagsisilbing pamumuhay ko lalo na't hindi madaling humanap ng trabaho ngayon kapag Hindi ka nakapagtapos ng college.
Inayos ko ang mga bulaklak at pagkatapos ay nag antay na ako ng costumer. Habang nag hihintay ay nagbasa muna ako upang hindi ako makatulog.
Nang marinig kong may pumasok ay awtomatiko akong napangiti. Ang lalaking pumasok ay si Theo, Isang personal na bodyguard ng napakayaman na tao. Kilala ko na ito sapagkat palagi itong bumibili sa akin.
Noong una ay nagtataka pa ako ngunit kalaunan ay na kwento nito na hindi ito sakanya at napag utusan lamang siya. Linggo-linggo itong bumibili, para daw ito sa yumaong Asawa ng kaniyang amo.
Nang malaman ko iyon ay agad akong napahanga sa lalaki, konti na lang kasi ang lalaking kagaya nito.
Kinuha nito ang usang bouquet ng red roses at saka nagbayad.
" Thank you Sir, have a good day, Come again."
Masaya kong sabi, as usual ngumiti lamang ito pabalik bilang tugon.
Halos 4 na taon na yata itong bumibili sa akin, kaya medyo kilala ko na ito.
Ganun ba talaga kalalim ang pagmamahal ng boss nito sa kanyang Asawa?
Natigil ako sa pag-iisip ng biglang nag ring ang cellphone ko. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag at agad ko itong sinagot.
"Hello po?"
" Ito ba yung 'Serene Flower Shop'?"
" Yes po" magalang ma sagot ko saka inabot ang notebook at ballpen ko.
" Oorder ako ng bulaklak, Saka paki deliver na lang sa Xanford University, malapit lang to sa location mo."
Pinaliwanag pa ng costumer ang detalye saka binaba ang tawag.
Dahil wala ngayon si Manong Celso ay napagdesisyunan kong ako muna ang maghahatid, malapit lang din naman iyon dito.
Pagkarating ko doon ay pinapasok agad ako ng guard. Pagpasok ko sa paaralan ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante, ngunit isinawalang bahala ko na lang iyon.
Nilibot ko ang tingin kung nasan ang costumer, ngunit hindi ko ito nakita. Napakunot ang noo saka kinuha ko ang cp ko upang tawagan ito.
Pipindutin ko na sana ang call ng may biglang maliit na pwersa ang napabangga sa'kin. Agad itong natumba kaya inilapag ko muna ang bulaklak at cp saka ito tinulungang tumayo.
Nang nakatayo ito ay hindi muna ako tumayo upang mapantayan ito.
Nang magtama ang tingin namin ay agad akong napatulala at nakaramdam ng kakaiba, Hindi ko matukoy kung ito ba ay pangungulila, pagkalungkot o pagkasabik. Isa itong napakagwapong batang lalaki. Pero ang nakakuha ng atensiyon ko ay ang mga mata nito, somehow it feels so familiar.
Napatitig lang din ito sa akin, nang matauhan ako ay ngumiti ako sa kanya.
" Bata, bakit ka tumatakbo?" Hindi pa din nagbago ang suplado nitong ekspresyon.